Kabanata 11

2.1K 69 58
                                    

Kabanata 11

Competition

Madalang na kaming magusap ngayon ni Zion dahil nga doon kay Trina. 

Pano ba naman kasi, marami nanaman siyang kilala pero narinig ko na sabi niya kay Zion na wala pa daw siyang kilala kaya kay Zion muna siya sasabay. Pwe.

Konti na lang talaga, may gagawin nanaman akong panibagong kabulastugan.

"balita ko, marami nang nahuhumaling kay Trina ah?" ani Jelina sabay kain ng sandwich.

Uminom muna ako bago siya sinagot.

"mas marami namang nagkakagusto sakin kesa sa kanya no" giit ko.

"sa bagay, tama ka. Pero payag ka nun? may kumakalaban sayo?" ani naman ni Kara.

Nararamdaman ko nga iyon, para bang nakikipagkumpitensya siya sa akin. Kahit sa klase. Akala naman niya mananalo siya. Sorry, the crown's not for sale.

"doon na lang tayo umupo" narinig ko nanaman ang pabebe niyang boses sabay turo sa katabing table namin. Syempre, kasama niya si Zion.

Umupo sila doon kaya napatingin ako at napairap na lang. Tumingin si Zion sa akin kaya umirap ulit ako. Para maisip niya na nagtatampo ako.

"Ken" ani Zion sabay tabi ulit sa akin.

Pagtingin ko doon sa table nila wala na si Trina kaya tumingin ako sa mga stall at nakita kong bumibili siya ng pagkain.

Nanliliit ang mga mata nina Jelina at Kara sa akin at medyo umurong para bigyan kami ng privacy ni Zion.

"problema mo?" pagtataray ko sa kanya.

"hindi na tayo masyadong nagpapansinan. Is there something wrong?" aniya

Hindi niya ba napapansin? Hay na ko.

"of course wala!" sagot ko sabay irap ulit.

Medyo nahihilo na nga ako sa kakairap eh.

"I-I, kinda... miss you" aniya.

Nagulat ako doon kaya napatingin ako sa kanya.

Miss ko na din siya.

Miss ko na ang gwapong ngiti niya, ang gwapong mga mata niya, ang gwapong ilong niya, lahat na.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at umiwas ng tingin.

"balikan mo na lang si Trina" sabi ko sabay tingin na sa kanya.

Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at tinitigan ako.

"don't you... miss me?" aniya.

"araw araw naman kitang nakikita" ayokong aminin. Bahala kang mafrustrate!

"no. I mean. Di na tayo nagkakasama" aniya.

Hindi ko na lang siya sinagot dahil parating na si Trina.

"uh, mamaya na lang" aniya sabay tayo na at bumalik na siya sa table nila at nagsimulang kumain.

Napainom ulit ako ng tubig at napasinghap. Damn.

Bumalik na ulit sina Jelina at Kara.

"so? What's up between you two?" anila.

Umiling na lang ako at napagisipan kong maglalandi ako ngayon. Bahala siya.

Saktong nakita ko si Max na nagkakagusto sa akin kaya kumaway ako sa kanya at sumenyas na pumunta siya sa kinauupuan namin.

"hey Max, how are you?" tanong ko sa isang malambing na boses pagkaupo niya.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Where stories live. Discover now