Kabanata 30

1.7K 45 170
                                    

Kabanata 30

Home

Mainit na hangin agad ang dumampi sa balat ko pagkatapak ko ng Manila. Agad sumibol ang kaba sa puso ko. We're breathing the same air right now!

Bawat tapak ko palabas ng airport ay panay ang tingin ko sa paligid. Baka nandito lang siya. Pero bakit naman siya pupunta dito? I'm really growing crazy!

"o, namumutla ka?" ani Luke sabay tingin sa akin at akbay.

"h-hindi ah?" nautal pa tuloy ako. Hindi talaga halatang kinakabahan ako grabe.

"you look nervous, is something wrong?" aniya.

"wala" sagot kong hindi niya na kinulit.

May bodyguard nang bumungad sa amin at kinuha ang mga bagahe namin.

Panay naman ang mga flash ng camera sa amin.

Naharang pa si mommy at daddy at nainterview pa samantalang kami ni Luke ay nagmamadali nang sumakay sa sasakyan para makaiwas sa mga reporter.

Nauna nang makaalis sina Azayla sa kotse nila at ang mommy at daddy din ni Luke.

Pagsakay namin ay pumasok na din sina mommy at daddy sa kotse. Magkasunod lang pala kami.

Habang umaandar ang kotse ay panay ang tingin ko sa bintana.

Many has changed. 5 years ba naman kaming nawala. It's making me so nervous! Big time!

Hinawakan ni Luke ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"I can't believe I'm already getting married, next week, with the woman I truly love" aniya sabay halik sa pisngi ko kaya namula ako. Sa hiya. Nakatingin sina mommy at daddy sa amin sa rearview mirror.

"me too" sagot ko at plastik na ngumisi dahil nandito si mommy. Baka balaan nanaman niya ako. This is all just for show.

Napalingon ulit ako sa labas at nagulat ako sa billboard na bumungad sa akin.

Isang bench na billboard na may lalaking nakahilig sa brown na pader na may white background at seryoso ang mukha. Punyemas! Ang hot! Naglalaway na ako! Naka white na t-shirt siya sa loob at naka denim na long sleeves at naka maong pants and topsider. God! Kahit simple lang ang suot niya ay nakakatanggal na ng virginity!

Saktong natraffic pa kaya sinamantala ko na ang pagtitig sa lalaking nasa billboard. His black hair is a bit messy pero halatang clean cut talaga ang buhok niya. Meron din siyang black na earing sa left ear samantalang sa kabila ay wala. Mukha siyang badboy na pwede sa action movie! Ang puti din niya at sobrang mapula ang labi! Ang tangos din ng ilong! Tangshit di ko kinaya!

Pagtingin ko sa mga mata niya, tumigil ang mundo ko.

Hindi ako pwedeng magkamali!

Ang makapal at dark niyang kilay ay mas lalong naging maexpressive sa mga mata niyang kulay brown.

Tang ina. Hindi ko akalain na makikita ko siya ulit! At sa billboard pa! Ibang iba na siya ngayon. Mas lalong naging hot!

Sa isang iglap nag flashback sa akin lahat ng mga pangyayaring ayoko na ulit maalala.

Ang lalaking pinahirapan ako para lang pansinin niya ako noong highschool. Ang lalaking hindi ko akalain na magpapabago sa akin. Ang lalaking mahal ko dati hanggang ngayon. Ang lalaking lumuhod sa harapan ko at umiiyak sa gitna ng ulan na nagmamakaawang wag ko siyang iwan. Ang lalaking pinagtritripan ko lang noon, baliw na ako sakanya ngayon. Zion Fabregas made me like this.

Biglang may mainit na tubig na tumulo sa pisngi ko. Agad kong pinunasan ito para hindi makita ng sino man.

Umandar na ang kotse kaya nawala na ang billboard sa paningin ko.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Where stories live. Discover now