Kabanata 36

1.7K 49 171
                                    

Kabanata 36

Lunch

Bago ako pumasok nang office niya ay nakita kong lumabas doon si Hailey kaya pumunta na ako sa tapat ng pintuan niya.

Kabado akong kumatok ng tatlong beses na nanginginig ang kamay bago binuksan ang pintuan ng office niya.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair at nasa pulang labi ang ballpen niya at nakatingin sa laptop.

"good morning sir. P-Pinapatawag niyo po ba ako?" sabi kong nakatayo pa din sa may pintuan.

Dahan dahan siyang napatingin sa akin mula paa at napatigil ang tingin niya sa may bandang dibdib ko kaya napatingin din ako doon at nakita kong kita na ang cleavage ko. Gumagana na ba tong kabulastugang ginagawa ko?

"sit down" aniya at umiwas ng tingin.

Dahan dahan akong umupo sa harapan niya habang nakatingin ako sa kanya. I bit my lower lip.

"bakit po?" tanong ko ulit.

Tumingin siya sa akin gamit ang isang malamig na ekspresyon. Tutunawin ko naman ang lamig na iyon.

"a meeting's gonna be held later afternoon, I want you to be there" aniya pero hindi na ulit nakatingin sa akin. Ano ba! Tingnan mo ko!

"bakit? Anong meron?" usisa ko.

Kaya napatingin ulit siya sa akin at kumunot ang gwapo niyang noo. Fuck. Ako yata ang naseseduce sa kanya kahit sa simpleng tingin niya sa akin ay nawawala ako sa ulirat ko.

"just... be there. Wag nang maraming tanong" aniya. Ang cold pa din! Paano ba ito?

Tumayo ako at humilig sa table niya na ikinagulat niya.

"it's already lunch time. You want me to buy your lunch? Sekretarya mo ako" tanong kong mabagal sabay kagat ng pang ibabang labi ko.

Nakita ko nanamang naglakbay ang paningin niya sa akin. Gosh! I think its working!

"s-sure. Just please go out" aniya.

"okay" sagot kong nakangisi.

Lumabas na ako ng office niya ng may ngisi sa mukha at nakita kong naglulunch na ang ibang nagtatrabaho dito kaya dumiretso na muna ako sa table ko para kunin ang purse ko.

Nagulat ako dahil mayroong styrofoam doon at may maliit na sticky note na nakapatong doon.

"I know you haven't eaten your lunch yet so... Sana magustuhan mo. Wag ka nang bumili.

-KFNF"

Sanay na akong makatanggap ng kung ano ano lalo na noong pagkatapos kong mag catwalk noong sa America, sa dressing room ko ay maraming mga naglalagay ng regalo doon sa akin. This is not special.

"kanino galing ito?" sabi ko kay Jude na tahimik na kumakain.

"ay hindi ko alam eh" aniya at nagpatuloy sa pag kain.

Nagkibit balikat na lang ako at lumabas na ng building.

Nagtaxi ako papunta sa isang mall para doon mamili ng lunch ni Zion. Wala akong ibang maisip kaya mcdo na lang. Hindi ako cheap, wala lang talaga akong maisip na ibili sa kanya.

Habang nagaabang ako ng taxi na masasakyan ay may nakita akong matangkad na lalaking naka black suit at naka wayfarers na nakatingin sa akin at mukhang may kausap sa cellphone niya.

Saka ko lang napagtanto kung sino iyon! Siya iyong nakita ko dati na hinire ni mommy bilang bodyguard niya. Pinapasundan niya pa din ba ako hanggang ngayon? Is she trying to bring me back to Luke again?

Nagmadali akong maglakad papunta sa pinara kong taxi.

Paglabas ko ng taxi ay tumingin tingin ako sa paligid ay wala naman na akong nakitang mga tauhan ni mommy. I guess they lost me.

Nagmamadali akong pumasok ng elevator dahil mag o-one na at baka gutom na si Zion, so am I.

Pinatong ko ang purse ko sa table ko bago dumiretso sa office ni Zion.

Kumatok muna ako bago pumasok at nadatnan ko siyang nakatayo na at nakatingin sa overlooking na syudad sa labas.

"sir, here's your lunch" maagap kong sinabi dahil baka gutom na nga ito. Kawawa naman.

Matalim niya akong tinitigan na feeling ko pati iyong kaloob-looban ko ay nakita niya na. Easy there.

Nilapag ko iyong pagkain na binili ko sa table niya without a word. Awkward silence filled the room.

"it's about time" basag niya sa katahimikan at umupo na sa kanyang swivel chair.

Binuksan niya na iyon pero nanatili pa din akong nakatayo sa harap niya.

Tumingala siya sa akin na nakataas ang kilay.

"would you mind?" aniya. Taray ng fafa niyo ha.

"oh I'm sorry sir. Sige po labas na ako. Enjoy your meal!" maligaya kong sinabi at lumabas na sa kanyang office kahit milyon milyong bultahe na ng kuryente ang dumadaloy sa sistema ko dahil sa kaba. Akala ko sisigawan niya ako dahil sa late na akong nakarating pero tinarayan lang pala ako.

Saka lang ako nakaramdam ng gutom nang umupo na ako sa upuan ko at nakita kong muli iyong lunch ko doon. I wonder who gave this?

Binuksan ko iyong styrofoam at galing pala itong Leslie's na mamahaling restaurant. Tinrasfer lang siguro sa styro para hindi halatang yayamanin ang bumili nito.

Luminga linga ako sa paligid ngunit lahat sila ay busy sa trabaho. Sino naman kaya ang magbibigay ng pagkain sa akin dito eh samantalang ngayong araw lang naman ako nagstart dito.

Nang namataan ng mga mata ko si Hailey ay naisip ko na baka nakita niya kung sino ba iyong naglagay ng pagkain sa table ko. Not that I'm interested, I'm just curious.

Pero bago ko siya puntahan ay kumain muna ako dahil sa gutom.

Pagkatapos kong kumain ay binitbit ko iyon at tinapon sa basurahan bago pumunta sa table ni Hailey.

"hi Hails" bati kong nakangisi na ikinagulat niya.

"h-hi po Ms. Kendall" aniya sabay ayos ng buhok niya. Maganda siya I must admit pero hindi lang talaga niya nilalabas.

"come on, don't call me Miss already" sabi ko at sumandal sa table niya.

Tumango siya habang nakatingin sa monitor niya. Naiistorbo ko ata.

"nakita mo ba kung sino naglagay ng lunch ko kanina?" tanong kong umagaw sa atensyon niya.

"a-ah h-hindo po!" aniya. Hmmm. Something's off.

"talaga? Weh?" sabi ko ulit. Baka umamin.

"opo, hindi po talaga. Busy ako dito eh" aniya sabay pakita sa ginagawa niya pero natataranta siya.

"oh okay, thanks" sagot ko at balik na sa pwesto ko, di na siya kinulit pa.

Its really bugging me and I don't know why. A part of me is starting to think na siya ang nagbigay noon sa akin, but the other half don't. Why would he bother to give me a lunch when he doesn't even know me anymore.

Ganoon ba talaga kabilis kalimutan ang isang taong nanakit sa iyo? Siguro nga talagang nakamove on na siya sa akin na pati ako nakalimutan niya na or baka naman kilala niya pa ako pero wala na talaga siyang ibang nakikita sa akin bukod ang pagiging sekretarya ko. I got to keep in mind na wala na siyang pake sa akin.

Ang hirap talagang umasa.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Where stories live. Discover now