2

8.3K 366 63
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

2

Kanina pa siya dial ng dial sa number ni Sigfried, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Nagtext na rin siya dahil baka nabura lang ng binata ang pangalan niya sa phonebook nito pero wala pa rin. Niloadan naman din niya ito. What's wrong?

"Kahilakon na jud ko! (Naiiyak na ako)" Tumingin siya sa kisame ng kuwarto para hindi tumulo ang luha niya.

Tinignan na naman niya ang Facebook account nito, may bagong post! Ang caption "You are so special. I can wait till eternity. I love you and I'll do anything to win your heart."

Bigla siyang kinabahan, ayaw pang mag load ng picture dahil mabagal ang connection. Kumuha muna siya ng isang basong tubig sa ref bago binalikan ang laptop. Eksaktong umiinom siya ng makita ang kabuuan ng larawan. Isang babae!

Isang mujer! Isang mujer na may magandang ngiti.

Hindi siya!

Inilapit niya ang mukha sa screen ng laptop. Hindi talaga siya ang nasa picture. Nanginginig ang kamay niya, hindi niya namalayang nabitiwan niya na pala ang hawak na baso.

"Ay jos ko, Ser! Wats rung?" Gulat na napasugod si Inday sa kinaroroonan ni Charrie. Nagliligpit na siya para sana makauwi na. Susunduin siya ni Dodong my labs niya.

Eksaheradang tinakpan ni Charrie ang bibig. Ang sakit sakit ng nararamdaman niya. Hihimatayin yata siya sa sama ng loob.

"Ser, uki ka lang? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Inday.

"Oo! Yung puso ko Inday, durog na durog ang puso ko! Bakit? Bakit ginawa niya sa akin ito? Kulang pa ba? Kulang pa ba ang mga pinapautang ko sa kanya? Kulang pa ba ang mga load na sabi niya ibabalik niya sa akin? Ang tuition fee na bigay ko kapag delayed ang padala ng mudra niya? Bagong rubber shoes? Kulang pa ba Inday?"

Napakamot ng ulo ang kaharap. "Kulang siguro, Ser? Ano ba ang problima mo, Ser?"

"Siya! Hayuf na Sigfried! May ibang babae! Hindi ko kaya!" Exaggerated pa rin na napaupo siya. Habang si Inday ay pinulot ang basong nalaglag, mabuti na lang at hindi nabasag at wala ng laman, bago tinignan ang nasa screen ng laptop niya.

"May bagong laber ang girlpren nyo, Ser?"

"Isa ka pa!"

"Ay, hindi nyo siya laber, Ser?" Nalilitong tanong ng kasambahay.

Sasagot pa sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Si Jez.

"Sest, open your facebook." Agad – agad na sabi nito.

"Human na! (Tapos na)" Umiyak na talaga siya.

"Sest! Yan na eh! Anong kinokak ko sa iyo? Manloloko ang otoko (lalaki) na yan! Hindi siya pang kekiru! (boyfriend material)" Alam niyang galit ang kaibigan.

"Pang kekiru siya Sest, alam kong may rason kung bakit nangyari 'to. Ma-malay mo inakit siya ng mujer." Gusto niyang bigyan ng justification ang mga nagaganap.

"Ay gaganess! Ayan na o, may ebidensiya na Sest! Tanga lang ang peg? Iuntog ko kaya ang ulo mo sa imaginary boobs ko!"

"Sest, hindi ko talaga kaya! Mahal ko talaga si Sigfried." Pagda-drama niya. "He's my one true love, my forever, my soulmate!"

"Alam mo, hintayin mong tumawag sa iyo si Remie!"

"Sest naman, alam kong ikaw yung mas nakakaintindi sa akin."

"So?"

"How do I heal my broken heart?"

"Pagtarong (umayos) Sest!"

************************

"Ser, uki lang ba talaga kayo?"

Ilang tissue na ba ang nagkalat sa sahig dahil sa kakaiyak ni Charrie. Kanina pa siya nakaharap sa laptop niya, ini-stalk niya ang babae ni Sigfried, nalaman niyang Xhyra Mae Gonzales ang pangalan nito, ang masakit pa, naka private ang facebook ng babae! Wala siyang mabasa, mga tagged posts lang.

"Ser, maganda siya. Morena piru may byoti. Parang ako."

"Gusto mo sa labas matulog?" Imbiyerna siya kay Inday. Siya itong agrabyado, siya dapat ang kakampian nito.

"Ser, jos (juice) gusto mo?"

Ini-unfriend na rin siya ni Sigfried, matapos niya itong tanungin tungkol sa latest post nito.

"Ser, move on ka na lang, mabote nga na nalaman mo habang maaga na niluluko ka lang ng laber mo. Mas hamak naman na mas gwapo ka kaysa sa laber boy ni ...." Sabay tingin sa pangalan sa screen. "Ang lisud-lisud (hirap-hirap) ng name niya, Ser."

"Shat ap! Hindi ko nga siya laber! Saka bakla ako, juding, shokla, bading, bayot! Paano ko magiging laber ang mujer na yan?" Patol niya sa kasambahay.

"Suri, Ser. I'm suri."

Humingang malalim si Charrie. Tumulo na naman ang mga luha niya. Naawa naman si Inday kaya lumapit siya sa amo at hinagod ang likod nito. Mas lalo namang napaiyak si Charrie.

"I love him. Akala ko pwedeng maging kami? Ingon pa siya (Sabi pa niya) na I'm nice and fun to be with daw. He likes me daw ug (at) I light up his world. Karon (ngayon) may babae na siya!"

"Ser, paasa mats ba?"

Sasagot pa sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya.

"He-hello."

"Pwede ba, tigilan mo na ako! Stop texting and calling me! Stop sending me messages! Masaya na ako sa buhay ko. Alam mo, kapag hindi ka tumigil, tatamaan ka sa akin."

"Ha? Naunsa ka? (Naano ka?)" Biglang nag-init ang ulo niya. Ito pa ang galit ngayon? Ito na nga ang paasa, ito pa ang halos mag warla ang peg? Matapos siya nitong bolahin para makautang?

"Look, may nililigawan ako, gusto ko siya at ayokong malaman niya na konektado tayo sa isa't isa. Yung mga bigay mo sa akin, babayaran naman kita kapag nagkapera ako. Basta just stay out of my life, in case na magkikita tayo, hindi mo ako kilala at hindi kita kilala. Okay?"

Sasagot pa sana siya pero pinatayan na siya ng cellphone.

Yung love at to the highest level niya na crush dito biglang naglaho. Nawala! Nag disappear! Napalitan ng galit. Bakit ito galit na galit sa kanya?

"Makopal ba, Ser?"

"Makupal talaga!" Segunda niya.

"Pisti ba, Ser?"

"Peste talaga!"

"Sarap e-ehaw, Ser?"

"Talagang ang sarap ihawin!"

"Ay Ser, alam nyo, mas puge pa kayo sa laber nyo Ser. Kung ako ang babae, at sabay kayong nanligaw, ikaw ang sasagutin ko at hindi siya!"

"Sa height pa lang Ser, sa dempols nyo pa lang, sa boses at sa ngiti, aba, talbog na si laber boy!"

Biglang natahimik silang dalawa ni Inday. Sabay pa silang tumingin sa screen ng laptop, account kasi ng babae ang nandun.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko, Inday?"

"Oo naman , Ser!"

"Aagawin ko siya sa walanghiyang Sigfried na yan!"

"Bit na bit, Ser!" (Bet na bet)

"Lintik lang ang walang ganti! Iba magalit ang pamintang durog na katulad ko." Pinalaki niya pa ang boses.

WABFIL 2 - A Change of HeartWhere stories live. Discover now