4

6K 331 55
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

4

"I misids (Message) mo na, Ser."

"Anong iispluk ko sa kanya?"

"Iwan ko, Ser. Dapat yung makaka kats (Catch) ng attention, dapat unique."

"Wait, maghi-hi akesha."

Hi

Sana magreply agad ang babaeng ito, dasal niya. Saka na siya mag-iisip ng susunod na sasabihin.

Pero wala.

Suplada lang talaga?

"Ano na Ser?"

"Wala pa ngang reply."

"Isip na naman tayo ng istrategi, Ser."

Yun talaga ang dapat niyang gawin, mag-isip ng magandang strategy para makuha niya ang atensyon ng babaeng kinalolokohan si Sigfried.

Hi Ma'am, I'm sorry if I have to disturb you here in Facebook, pero kailangan na po talaga naming singilin ang balance ninyo.

Natatawa siya sa naiisip niya.

Ano pong balance, Sir?

"Ay nagreply na!"

"Ay ka nice, Ser!"

Balance nyo po sa Avon at Natasha, Ma'am.

Avon? Natasha? Okay ka lang?

Yes, Ma'am. Nagtiwala po yung aking assistant na ibigay sa inyo ang items kahit na hindi pa kayo nakapagbayad ng buo, sana naman po tumupad kayo sa usapan.

What? Look, baka po nagkakamali lang po kayo. Hindi po ako yun.

"Ay Ser, mas grabi pala ang istratigi nyo sa akin." Nakatingin si Inday sa tina-type niyang message

Ma'am, I had checked the info, talaga pong sa inyo nakapangalan. If you want po, ibalik na lamang ninyo ang items basta po hindi pa nagagamit lalo na ang mga panties.

Look, nagkakamali po talaga kayo. Wala po akong tinatakbuhan kung ano. Hindi po ako user ng products ninyo.

"Ser, baka magalit si Ma'am. Piro Ser, baka gusto mong umorder sa akin? May bago akong katalug ng Avon at Natasha, isama mo na ang SG Kusmitiks."

"Heh! Charot lang itey no, kita mo ng nakuha ko ang atensyon niya, teka, anong SG Kusmitiks?"

"Ay Ser, mga riplika ng make – up galing Singapore, mas chipir (cheaper), all shades available sa akin, Ser katulad ng Kylie Mik-up, Mac Lippies, VS sints (scents)"

"Heh! Kukulut lalo ang buhok ko sa iyo, Inday. Bibigyan kita ng authentic nyan.

"Ay talaga! Sige na Ser, ano ng sabi ni Ma'am?" Sabay tingin nilang dalawa sa monitor.

Hindi po talaga ako kumuha o nangutang ng kahit na ano sa inyo. Kung gusto nyo po, pumunta kayo sa bakeshop namin at ng makapag-usap tayo ng maayos. Kung talagang totoo ang sinasabi ninyo, malamang may address din ako sa inyong info. Salamat.

"Ayyyyyy! Go na Ser!" Tili ni Inday.

"Napano ka? Baliwag lang ang peg?"

"Kasi Ser, masisimulan na ang love story nyo ni Ma'am, pinapapunta ka na sa bakeshop nila."

"Anong love story? Love story namin ni Sigfried ang meron. Gusto mong maimbiyerna ako sa iyo ha?"

*****************************

Kinalabit si Xhyra ng kanilang tindera, abala kasi siya sa kaha kaya hindi niya namalayang kanina pa nakatayo sa harap niya ang customer.

"Yes Sir?" Sabay angat ng mukha pero medyo napanganga yata siya nung makita ang mukha ng kaharap.

"Ye-yes Sir, what can I do for you?" Medyo nako-conscious na tanong niya. Paano ba naman, todo ngiti ang kaharap.

"Ang gwapo, Ati." Kinikilig na bulong ng kanyang katabi.

"I'm looking for Miss Xhyra Mae Gonzales." The smile faded. Naging apologetic na ang pagmumukha nito.

"Ye-yes Sir? May kailangan po kayo sa kanya?" Hindi niya alam bakit ba siya nauutal.

"Yeah. I really need to talk to her. Can you tell me where she is, Miss?" Ngumiti na naman ito. Para yatang tumalon ang puso niya.

"Ay Sir! Si Ati na po ang kaharap nyo. Si Ati Xhyra!" Kinikilig na sagot ng tindera niya.

"Sinasabi ko na nga ba. I had sensed it, but I was not prepared that you have that beauty. Ang ganda mo sa personal." Gusto niyang masuka sa mga pinagsasabi.

"Opo Sir! Maganda talaga si Ati."

"Neng, ako ng bahala.Asikasuhin mo muna ang mga customer." Pagtataboy niya sa tindera, baka kasi kung ano pa ang masabi nito sa lalaking kaharap. Pero kailangan niyang huminga ng malalim para mabawasan ang hindi maintindihang kaba. "Yes, Sir? Sino po sila."

"I'm sorry. I'm Charles Jeffrey Suarez, ako yung nag-pm sa iyo sa Facebook regarding the unpaid orders." I-push na ang pagiging tunay na hombre at dealer ng cosmetics sa harap ng mujer.

Biglang uminit ang ulo ni Xhyra, naalala niya ang kanyang Facebook encounter noong isang gabi. Ito pala ang walanghiyang nambintang sa kanya.

"So ikaw pala 'yun? Look Mister?"

"Suarez, Charles Jeffrey Suarez, CJ for short." Nakangiti pa rin ito pero sa isip niya. Huwag na huwag mo akong tatarayan girl, bubunutin kong isa-isa ang makapal mong kilay gamit ang pliers.

"Mister Suarez, wala akong inutang ni singkong duling sa inyo. Hindi ako dealer ng Avon o Natasha o kung ano pa man! Kahit pa magtanung-tanong ka, kahit kailan ay wala akong tinakbuhang pautang."

Gusto ng umikot ng mga mata ni Jeffrey. Umangat ang kanang kilay at i-flip ang kanyang imaginary shoulder – length hair, kaso kailangang pigilan ang sarili.

"Let me finish first, Miss Xhyra."

"Ang hirap kasi sa inyo, agad – agad tayong nanghuhusga. Sana naman po dumaan kayo rito para tanungin ako sa personal, o hindi kaya dinoble check nyo yung inyong data.

Pigilan ang sarili Charlette, Charrie, Carlota. Alalahaning para sa lovelife ito. Sabi ni Charles sa sarili.

"Mister, hindi po talaga ako ang may atraso sa inyo. You can have a background check. Maliit lang po ang bakery namin pero naghahanapbuhay po ako ng marangal." Tuluy-tuloy na sabi niya, hindi siya ang tipo ng babaeng mabunganga pero hindi niya maintindihan ang sarili bakit kailangang mapaniwala niya talaga ang kaharap na wala siyang ginawang masama.

Biglang lumapit sa kanya si Charles, mabuti na lamang pala at may nakaharang pang estante sa pagitan nila. Bumulong ito, sapat na para marinig niya.

"If you will not shut your mouth and listen to me, I'll get inside and kiss you. Now shut up and listen." Bulong ni Charles Jeffrey

Natameme ang dalaga.

Gusto namang masuka ng binata sa mga nasabi. Ghad, I hate drugs!

WABFIL 2 - A Change of Heartजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें