3

7.3K 362 78
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

3

"Ser? Kanina ka pa nakatingin sa picture ng kras ng laber nyo, may problema, Ser?"

"Wala! Isa pa, hindi ko siya laber! Never naging kami! Walang kami! There was never an us!" Emotero lang ang peg niya.

"Uki, Ser."

"Pinayagan ka ba?" Tanong ni Charrie kay Inday. May date talaga sila ni Dodong Babe niya, kaso pinakiusapan niya itong samahan muna siya.

"Uu naman Ser! Napaka understanding ng Bib ko. Saka yung amo niya, Ser. Kuuuu! Ininbite ako na sumama sa night swemming nila sa Talikud Island, excited na ako, Ser!"

"Oo na! Ikaw na ang masaya, ikaw na ang may lovelife, ikaw na ang may understanding na Bib!"

"Beter lang (bitter)?"

"Ang shaket eh! "Hindi ko talaga keri! Sakit kaayo akong heart!" Emote na emote na sabi niya.

"Ambot sa imo, Ser oi! Kagwapo mo, gwapo din ang iniiyakan mo!"

"Oo na! Tutulungan mo ba ako o hindi?"

"I'm thinking, Ser."

Pinandilatan niya ng mga mata si Inday. "Anong think think? Pinag-usapan na natin ito hindi ba?" Sinabi niya sa kanyang mga Sest ang plano niya pero hindi sumang-ayon ang mga ito kaya si Inday ang tangi niyang kakampi ngayon.

"Ser naman. Kalooy (Kawawa) kasi yung babae. Paano pag ang inding (ending) ng istori, mainlab siya sa iyo? Di ba kalooy?"

"Imposible!"

"Posible kaya, Ser! Ang gwapo nyo, macho, matangkad, mayaman, may dempols, lahat na, Ser. That is why I guess she will pol (fall) in-lab with you!"

"Bakla nga ako! Magiging third party lang ako, 'di ba? Yun ang plano natin kanina, mag samok-samok (manggulo) ra ko oi."

"Ser, paano nga pag nainlab?"

Natahimik si Charrie, nag-isip, pagkatapos sinabing...

"Eh di mag move-on siya." Sabay flip ng kanyang imaginary hair.

*************************

"Ano Ser, nai-add mo na ang FB niya?" Pareho silang nakatutok sa screen.

"Oo. Kaimbiyerna itong mujer na itey, wiz pa ako i-confirm!"

"Wag masyadong mainip, Ser, baka opline. Remember, patience is a birtue."

"Dumudugo na ang ilong ko sa kaka Ingles mo, Inday ha. Stop me." Mag dadalawang oras na yata siyang naka abang sa confirmation ng Xhyra Mae Gonzales na ito, pero wala pa rin. "Feeling maganda ha, pa peymus lang?"

"Ser, paano naman kayo iko-confirm ni Miss Xhyra eh kutsi (kotse) ang profile pic nyo, old car pa."

"Vintage car yan no, collectible item, antique."

"Ahhhh. Ser, palitan nyo ang profile nyo ng kita ang abs, macho body para ma attract siya, Ser. Confirm agad, Ser."

"Ganern?"

WABFIL 2 - A Change of HeartWhere stories live. Discover now