12

5K 225 49
                                    

HAPPY birthday, Xhyra! hahahaha! charot! sa makakaabot sa chapter na itey, don't expect much kay yama-yama (term ni Justin) lang ni nga chapter. Walang sense. Hahaha. Nagpromise lang kasi ako kay bday girl na mag-u-update ako.

12

12
INIS SI ACOE!

"Unsa ng imong pavivi status as FB,  Twitter,  ug insta,   Sest?" Tanong ni Justin sa kanya. Katatapos niya lang ihatid si Xhyra sa university. Nakita niya sa bake shop ang ibinigay niyang teddy bear katabi ang pinabonggang teddy bear ni Sigried. Nagmukha tuloy anak ang sa kanya.

Kaya napa status siya bigla ng INIS SI ACOE!

"Uso yan ngayon, Sest."

"Uso nga pero anong story behind at naiinis si ikaw?"

"Nakig-contest na jud si Sigfried nako."

"Contest naman talaga, 'di ba? Alam na ba niyang ikaw ang kalaban niya?"

"Palagay ko, hindi pa. Kasi kung oo, baka nag react na yun ngayon, Sest at na jombag na si ako."

"Malaking check yan, Sest! Kaya dapat prepared ka kapag na Julie Andrews (nahuli) niya na nilalandi mo ang nilalandi niya."

"Oo naman! I am prepared, Sest! Nakalimutan mo na bang karate expert itey? Naaalala mo pa ba na ininrol akesha ni pudangs sa arnis class centuries ago?"

"Ikaw na jud, Sest!" Sigaw ni Remel. Busy ang dalawa sa business nila, siya naman, ibang business ang inaasikaso. Naiintindihan naman ng dalawang kaibigan niya ang ginagawa niya, hindi nga lang sila 100% na nag-aagree dahil baka masaktan si Xhyra.

"Slight lang nga, Sest, kung sakaling masaktan siya ha."

"Anong slight slight ka jan! Iiwan mo siya sa ere pagkatapos niyang ma-fall sa iyo."

"Dili lagi siya ma-fall nako!" (Hindi nga siya mafo-fall sa akin!)

"Baka ikaw ang ma-fall sa huli." sigaw ni Remel ulit sa background.

"Samuka nyong duha ka bayot oi! Unsa ko nag tinomboy? pag sure!" (Ang gulo nyong dalawang bading, anong akala nyo sa akin, natotomboy?)

*****

"Tama ng landi, Sest. Gora na here. Naihatid mo na, 'di ba? Balak mo bang antayin hanggang uwian?"

"OA, Apol, parang ang layo nitong university jan sa building. Wala pang five minutes no!"

"Malay ko ba na hindi lang si Xhyra  sadya mo jan, baka inaantay mo rin si Sigfried."

"Duh!" He rolled his eyes, pero kasabay nun ay napatingin siya sa taong napadaan sa tapat ng kotse niya. Si Sigfried! Napakunot-noo  ito ng makita siya.

"Deadma lang dapat, Charrie," sabi niya sa sarili. Biglang naidasal niya na sana hindi siya nito nakita kahit pa alam niyang nakilala siya nito.

Kinatok nito ang salamin ng kotse niya.

"Namamalimos lang ang peg?" Deadma pa rin siya, subalit napapalakas na ang katok nito. Kailangan niyang mag-isip ng dahilan kung bakit siya nandun.

Huminga muna siya ng malalim bago lumabas. Mabuti na lang gwapo ang tingin niya sa sarili niya ngayon. Pabagsak na isinara ang pinto ng kotse niya. Nakapamulsang hinarap ang binata na para bang sinusukat ang kakayahan nitong makipagsuntukan sa kanya.

Mas matangkad siya teh! Di hamak rin na mas malaki rin ang katawan.

"What are you doing here?" Agad na tanong nito sa kanya.

"Should I be the one to ask that? You are knocking on my car na parang namamalimos. What do you need?" Napakunot-noo na siya.

"Hindi ako  nakikipaglaro sa iyo, Charles. Pwede ba, tigilan mo ako."

"I think you are hallucinating, Sigfried. I am here because of my girl... MY GIRL, what made you think na ikaw ang dahilan?"

"Putangina! Bakla ka, anong my girl?" Ngumisi ito na parang nakakaloko.

Hindi na siya nakapagpigil, bigla niya itong kinuwelyuhan. Higit siyang mas matangkad at mas malaki ang katawan.

"Gago ka pala, anong bakla? Baka pag binugbog kita rito makikilala mo kung sinong bakla." Nagulat si Sigfried sa ginawa ni Charrie, hindi ito nakakilos agad, walang nasabi. Agad naman na nakakuha sila ng atensiyon mula sa paligid. Nilapitan na rin sila ng gwardiya sa tapat ng building.

"Sa susunod na lalapit ka pa sa akin, makikita mo ang hinahanap mo." Huling sabi ni Charrie bago pinatakbo ulit ang sasakyan.

"OMG! As in, Sest? Nakakalerkey! Winner na winner ang acting mo! Kabog  si Sigfried!" Hindi makapaniwala si Apol sa ikinuwento ni Charrie.

"Sest, I'm happy for you!" Sabi ni Remie sabay yakap sa kaibigan.

"Pero I like your term for Xhyra, "My Girl", possessive na bakla!"

"Keme lang yun no? Pero, kung knows nyo lang na sobrang kinakabahan ako kanina. Akala ko nga jojombagin ako ni Sigfried."

"Kung jinombag ka niya, what will you do?"

"Eh di jombagin ko rin siya, sabay hug." Napatili pa siya pagkatapos sabihin yun. "Sest, ang bango bango niya kanina nung napalapit ang katawan niya sa akin. Saka, naawa ako nung hindi siya nakasagot."

"Gaga!" Sabay pang sabi ng dalawa.

Sasagot pa sana si Charrie ng biglang tumunog ang cellphone niya. Si Inday.

"Hilu, Ser!"

"Hi. Anong balita?"

"Ma happy ka talaga, Ser. Ayon sa sors ko, huples romantik si Mam Xhy piru takot umibeg. Kaya if pinayagan ka na legawan siya, may chans."

"Eh dalawa nga kaming nanliligaw, ibig sabihin dalawa kaming may chance? Ano itey, dalawa kaming i-boyfriend niya. No way!"

"Susuko ka na, Ser?"

"Bakeeeet? Ngayon pa ba na nakapag umpisa na ako? Ako ang magwawagi!"

"Bungga! Ser, like ni mam Xhy ang flowers lalo na rose  at tidi ber."

"I already know that."

"Like niya ang korley taps na brand ng chukulit, Ser."

"Korley Taps? Saan ko mabibili yan?"

"Juker ka talaga, Ser. Wil known brand ang korley taps, punta ka sa mall, Ser, sabihin mo lang na korley taps ang hanap mo."

"Okay. Salamat sa info."

"Suggest ko lang, Ser, araw-araw mo siyang bigyan ng isang rose, tapos korley taps."

"Okay, noted Inday."

"Sige, Ser, tatawag ako ulit pag may inpo na. Sana mainlab ka sa kanya, Ser!"

"Gaga! For paghihiganti purposes lang ito no!"

Parehong nakatingin sa kanya sina Apol at Remie nung matapos silang mag-usap ni Inday.

"O baket?"

"Kinareer mo naaa!" Tukso ni Apol.

"So? Teka, alam nyo kung anong itsura ng korley taps na chocolate? like, I dont have any idea."

*****

Told yah,pina keme lang na update. Curly tops nasa tabi ko ngayon kasi. HAPPY BORNDAY ULIT!

WABFIL 2 - A Change of HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora