6-work

5K 201 8
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

6

"Sest!" Sabay yakap ni CHarrie sa mga bagong dating na mga kaibigan. "Welcome to the city of durians and to the city where our dreams will come true, Davao City!" Sabay kumpas pa sa mga kamay na animo kasali sa pageant. Pinagtitinginan sila ng mga taong nagdaraan. Paano ba naman, ke lalaki ng katawan at kay guguwapo pero pumipilantik ang mga daliri.

"Ay sayang, bakla siya!" Dinig na dinig niya pang sabi ng isang teenager na napadaan.

"So?" Sabay taas ng makapal niyang kilay.

"Oi bakla, wiz pumatol, nakaka bad vibes." Maarteng bulong ni Jez na Justin Ahr Saber sa umaga na may bitbit na gray na maleta, feel niya sana ang violet kaso hindi pa oras para lumabas sa cocoon.

"So, where are we going to stay?" Maateng tanong ni Remie na Remel Catanus sa umaga. Supladong bakla kung tawagin nilang dalawa ni Jez.

"Sa mansion ni Elvin Yue. Don't worry, he's a good friend of mine, nagbalik loob ng nain-love."

"Ay, really? Bibihira ang ganyang case, Sest. We should meet him."

"You will. Halika na, naghihintay si Inday." Kinuha nito ang ilang gamit ng mga kaibigan.

"And who's Inday?" Nagtatakang tanong ni Remie.

"Kasambahay, you will like her, I'm sure."

"Hilu mga Sers! Wilcome to my city, Davao City! This wey, Sers." Inilahad pa ni Inday ang kamay nito. "I pripir delishos foods mga Sers, saka may dorian ice cream din sa rif, dorian coffee if ayaw ninyo ng cold."

"Oi, uma-aura siya, Sest." BUlong ni Apple.

"I told yah."

Inihain ni Inday ang masarap niyang adobong manok with pineapple. "Mga Sers, uuwi na nga po pala ako kina Ser Ilvs, mamaya susunduin na po nila ako."

"Okay lang Inday, if wala kang gagawin sa kanila, pwede kang pumunta dito, I'll pay you an extra."

"Tinks Ser Charrie, piru baka ma busy ako sa iskol. Don't wuri Ser kay skulmit ko si Mam Xhyra pala. Graduating siya sa Business Admen na kors."

"Paano mo nalaman?"

"Ay cheneka ko siya Ser sa FB, prends na kami Ser, ang bait pala ni Mam. Ang sipag pa, business mindid pa, Ser, parang ikaw."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Inday, tayo ang magkakampi, baka nakakalimutan mo."

"Share ko lang naman Ser na ibinida kita kay Mam, sabi ko single ka, brukinheartid ba, piru nung na sight mo siya, naramdaman mong may sparks kayo."

"Yuck!" React ni Jez. Gusto niyang masuka sa sinasabi ng kasambahay. Hindi niya maimagine ang kaibigan na nakikipaglandian sa isang mujer.

"Kadamak, Charrie, gurl na imong feel karon (ngayon)? Pag sure oi!" Si Remie.

"Buyag Remel Catanus! Di ba, sabi ko nga, I need to get even to Sigfried? So, since feel niya si gurl, aagawin ko si gurl sa kanya."

"Oi Sest, hindi magandang magpaiyak ng tulad nating vulnerable na girls, makakarma ka, I'll tell you!" Warning ni Remie.

WABFIL 2 - A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon