11

4.2K 241 53
                                    

WABFIL-11

"Nakakainis!" Halos itapon na ni Charrie ang cellphone niya. Kanina pa niya inaaral ang bagong laro na nai-download.

"Eh kasi naman, Sest, para kang shungabells sa laro mo. Mag Snapchat ka na lang kasi."

"Mas okay ang Dress Up, Sest, may bagong wedding gown  na available si Barbie."

"Heh! I need this no. 'Di ba nga, sabi ng investigator mo, mahilig sa online games si Xhryra? Sest DOTA itey, kakaloka!"

"Mag DOTA pud di-ay ka?" (Mag DOTA ka rin pala?)

"If needed eh. Aralin ko lang Sest para mas maiin-love siya sa akin."

"Ewwwww! Feel mo na, Sest?"

"Duh! Remel, don't me. Baka Ikaw ang feel si Rhea."

Agad na nasira ang mukha ni Remel. Simula kasi ng nalaman ng mga kaibigan ang tungkol sa past nila ni Rhea, lagi siyang tinutukso.

"May gagawin pa pala ako."

Mas lalo tuloy siyang tinukso ng dalawa.

"Sandali, may tatapusin pa rin pala ako, Sest. Push mo yang pagiging DOTA player mo. Lalaki na jud ka!"

"Luh! Gurl ako, Sest! Isa akong princess sa Super Mario!"

"Oldie game!"

******

"Kumusta na nga pala kayo ni Sigfried? Napapadalas din yata ang pagpapakita niya."

"Okay naman. Nagyayayang kumain sa labas after class."

"Ay, Ikaw na talaga ang sobrang haba ng hair! May Sigfried ka na, may Charles Jeffrey ka pa." Kinikilig na sabi ni Angel.

"Kay Charles Jeffrey ako." Si Rhea.

"If I know, kay Charles Jeffrey ka dahil kaibigan nito ang ex mo."

"Excuse me, excuse me! Walang kinalaman ang hayop kong ex kay CJ no."

"Hayop talaga? Baka hayop sa kagwapuhan."

"Duh! Hayop sa kakapalan ng mukha ng two timer na yun! Alam mo, okay na sana ako eh, nakapag move on na ako ng bongga tapos bigla siyang babalik ng Davao? Magpapakita sa akin."

"Chill Rhea, mamaya niyang mangisay ka sa inis jan."

"Hay naku!"

"Hi girls. Hi Xhayra." Sabay-sabay na napalingon sa nagsalita ang tatlo. Si Sigfried.

"Akala ko ba may klase ka?"

"Wala si Ma'am, may iniwan nga lang na research work. Am I disturbing you?

"Hindi naman. Wala na rin kaming klase," sagot ni Angel.

"Good! Pwede ko ba kayong yayaing mag meryenda?"

"Libre ba yan?"

"Kapal, Bes. Nakakahiya." Bulong ni Rhea kay Angel.

"Gutom ako eh, saka nagtitipid ako, sayang pa Yan."

"Don't worry, sagot ko. Shall we?"

Natatawa na lamang si Xhyra, kung tutuusin, okay naman si Sigfried. Nababaitan siya rito, matiyaga ring maghintay sa kanya. Pero biglang naalala niya ang gwapong mukha ni Charles Jeffrey.

Mula sa labas ng University ay kitang-kita ng tatlo sina Xhryra at ang mga kaibigan nito, kasama ang walanghiyang si Sigfried.

"Ay, Sest, naunahan ang beauty mo." Asar ni Justin sa kanya.

WABFIL 2 - A Change of HeartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora