7

4.5K 209 18
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

7

Hawak ni Charrie ang cellphone niya sa kanang kamay habang tissue naman ang nakalapag sa harap niya. Tinitignan niya ang mga pictures nila dati ni Sigfried at ang mga sweet texts nito sa kanya.

"Oi, emotera na naman ang peg mo, Charlita!" saway ng kaibigang si Jez.

"Monthsary namin ngayon, Sest. Mag eight months na sana kami eh."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ay, naging kayo? Akala ko ba walang kayo? At 23 pa ang napili mong date? May sumpa ang 23, Sest!"

"Monthsary lang naman namin as friends."

"Monthsary as friends? Tayo nga wizel nagma-mothsary, kayo meron? Ano kayo, super duper uber close friends?" Pagtataray ni Remie. Busy sa paglilinis ng bahay ang dalawa dahil wala na si Inday na maaasahan nila habang ito namang si Charrie ay busy sa kaka emote.

"Hayaan nyo na ako! Gusto ko ng ma tegibells! (mamatay) Sabay atungal na parang kinatay na baka.

Hampas ng feather duster ang nagpatigil sa iyak niya.

"Ay gaga ka talaga, Sest! Hilom diha oi! (tumigil ka) Duh, he's just a boy, tandaan mo ha, B.O.Y. He's not even a man. Kalimutan mo na siya." Pagtataray ni Remie, inis na inis na siya sa katangahan ng kaibigan.

"Hindi ganun kadaling kalimutan ang lahat, Remel Catanus! Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil hindi mo pa naranasang magmahal ng tunay. Hindi mo pa alam! Hindi pa tumibok ang bato mong puso." Feeling artista siya habang sinasabi niya ang mga linya niya. Hawak pa niya ang dibdib sabay tulo ng mga luha.

Isang pinong kurot sa tagiliran ang nagpahinto sa pang FAMAS niyang arte. Si Jez sa likod niya hawak nito ang vacuum cleaner.

"Gaga! Tama ang sinasabi ni Remie. Witit mo na dapat isipin ang hombreng pusit na yun. Umarte ng ayon sa kagandahan, Sest! Masayado tayong maganda para maghabol ng lalaki."

"Korak!"

Sasagot pa sana si Charrie ng biglang may nag doorbell. Sinilip ito ni Remie at nakitang si Elvin at ang asawa nito ang nasa labas. Nataranta ang tatlo, paano ba naman ay naka pekpek shorts sila with matching sando pa na lace ang bandang dibdib, violet, yellow at orange ang mga kulay. Kanya-kaya pa silang suot ng bunny beaded headbands.

"OMG! Linisin ang bakas ng kabaklaan mga Sest!"

****************

"Hi, I hope we don't disturb you. May kinausap kasi kaming kliyente sa malapit kaya naisipan naming dumaan."

"Okay lang, it's our pleasure na mabisita ninyong mag-asawa. Pasensiya na nga pala at medyo natagalan, naglilinis kasi kami kaya hindi agad namin kayo napagbuksan." Rason ni CHarrie. Sa taranta ay pinatungan lamang niya ng itim na t-shirt ang lace sando na suot at jogging pants ang pekpek shorts niya.

"So, how's your stay in Davao City?"

"Great, Pare!" Pinagdarasal niyang hindi mahalata ng misis nito ang suot niya sa ilalim ng t-shirt. "Pasok."

"Naku, hindi na. We still have our date, dumaan lamang kami para ibigay itong final designs ng coffee shop ninyo, if okay na, pwede na nating simulan." Nakangiting sabi ni Kathryn.

WABFIL 2 - A Change of HeartWhere stories live. Discover now