14. Party

3.2K 75 1
                                    

Jho's POV

Nagsisimula na ang party namin. Nandito parin kami sa loob ng resthouse nina ate aly. Mamayang 9pm pa kami lalabas at magbo-bonfire. Nakakainis. Ang boring! -_-
Nakaupo lang ako dito sa sala. Wala ako sa mood makisali sa kwentuhan nila kaya nakatahimik lang ako habang nagi-scroll sa phone ko. Nagbabasa ng mga tweets.

"Hoy babae. Ano ganyan ka nalang?"

Medyo nagulat ako sa pagtawag sakin ni Jia. Tumingin ako sa kanya pero ibinalik ko ulit yung tingin ko sa phone ko.

"Aba wala talaga syang balak magsalita!" Jia

"Mapanis yang laway mo jan Jho" Gizelle

"Wala sa mood yan ngayon kasi wala yung beh nya" ate aly

Naalala ko na naman yung kaninang nagpapaalam sya kay ate den.

====FLASHBACK====

Busy kami sa paglilinis ng mga ginamit namin sa pagluluto para sa party mamaya ay pumasok si bea sa kusina. Tiningnan ko sya pero di manlang tumingin sakin? Aba!
Tumingin ito kay ate den.

"Uhm ate den niyaya po kasi ako ni Ej, for their seaside party?" -bea

Ahhh magpapaalam lang naman pala.. wait? Magpapaalam? Makikiparty sya sa iba? At kanino daw? Kina EJ? Yung babae kanina na na-meet namin sa Grocery store? Dun sya sasama? Pano yung party namin?! Uunahin nya pa ba yung party ng iba? Badtrip naman.

"Oh? Pano yung party natin? May party din tayo de leon" ate den

Gusto ko syang pigilan kaya hinihintay kong tumingin sya sakin pero hindi parin sya tumitingin.

"Uuwi po agad ako before 9 and di narin kasi ako makatanggi nanjan na po kasi sa sala "- bea

Pumunta pa talaga dito ha? Ang effort naman. Gusto ko na talagang umeksena pero di ako makakuha ng timing. Tss magpapaalam din naman siguro sya sakin dba? Wait ka lang jho wag atat.

"Hmm okay2 basta bumalik ka ha?! Magtatampo kami sayo" -ate den

"Yes ate den thankyou"-bea

Lumabas agad si bea nang pumayag si ate den. Para akong binuhusan ng tubig ng di manlang nya ako tiningnan at kinausap.

Dati naman kapag may pupuntahan sya, nagpapaalam din sya sakin. Eh bakit ngayon? Ughh Jho! Bestfriend ka lang. Di ka naman girlfriend. BESTFRIEND ka lang!

Yeah! Alam ko bestfriend lang kami, at hindi ko rin naman gustong maging girlfriend sya noh.

Nawala na ako sa mood ng mga oras na yun.

====END OF FLASHBACK====

"Guys lets go to the seaside naaaa! Ready na ang bonfire natin" sigaw ni ate ella

Nagpuntahan na kami sa seaside kung nasaan yung bonfire at tent. 8:30 na wala parin si bea. -_-

Nagsimula na silang magsi-inom. May kanya kanya narin silang hawak ng san mig can. Dahil di naman ako umiinom, kumuha lang ako ng coke in can. Nandito ako ngayon sa grupo ni ate ella kasama si jia, deanna, therese, jaymie, jirah and ate den. Yung iba naman ay may kanya kanya ding kakwentuhan. Yung iba naman nagkakantahan habang may naggigitara.

"Huy jho, tahimik mo naman" jia

"Hindi ah." Dahilan ko dito

"Suuus hindi daw. Eh panis na nga yata yang laway mo dahil kanina kapa walang kibo jan" -Jia

"Kulit hindi nga kasi"- ako

"Wag ka mag-alala babalik yun si bei" - ate ella

"Kahit di na sya bumalik. Tuloy na tuloy naman ang party kahit wala sya noh" -ako

I met a womanizer named BEA (JhoBea Ft. ALE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin