December 31. Buena Noche. 11:55pm
5
.
.
.
.
.
.
.
.
4
.
.
.
.
.
.
.
.
3
.
.
.
.
.
.
.
.
2
.
.
.
.
.
.
.
.
1"HAAAAPPPYYY NEEWW YEEEEEAAAARRR!!!" Sabay sabay na sigaw namin nina Mama, Jaja and ng mga relatives namin sa side ni mama
Nagdecide kasi sila na sama sama nalang kaming magcecelebrate ng new year, at dito nga yon sa bahay.
Habang nagkakagulo na ang mga kamag anak ko dito sa labas ay katext ko naman si bea. Hihi
Simula nung matapos kasi ang christmas di na sya nakakapunta dito sa bahay pero may communication parin naman kami. Skype and text. At yun nga, magkatext kami ngayon.
From Beh
Im on my way na there beh.
Oo pupunta sya dito para sunduin ako. Ako naman ngayon ang makikicelebrate sa family nya. Nanlalamig na nga mga palad ko eh. Nagpapawis narin sa sobrang kaba! First time ko mamemeet ang family and relatives nya except sa ibang pinsan nya at kay kuya loel, yung eldest brother nya. Pero mas kinakabahan ako sa isiping, mamemeet ko narin finally ang parents nya. Ngayon ko lang kasi sila makikilala in person, pano ba naman kasi, kapag pumupunta ako sa kanila laging wala ang mga ito. Laging nasa work kaya di ko rin sila matyempuhan. But this time, makikilala ko narin sila. Di narin ako mapakali dito sa kinauupuan ko.
"Huy cous, para kang kiti kiti jan na hindo mapakali" si Janna. Pinsan ko.
Medyo nagulat ako nang magsalita ito mula sa left side ko.
"H-ha? W-wala." Uutal utal kong sabi dito at muling ibinalik ang tingin sa phone ko
To Beh
Okay. Take care ha?
Nang pagkasend ko ng message ay bigla nalang inagaw sakin ni Janna yung phone ko
"Sino ba kasi yang katext mo?" Sabi nito at kinakalkal na ang phone ko
Agad naman akong tumayo at pilit kong kinuha sa kanya pero inilalayo nya ding pilit sa akin.
"Akin na na nga yan! Chismosa nito! Wala yan, friend ko lang yan"
Pilit ko paring inaagaw dito ang phone ko pero dahil mas matangkad sya sakin ng konti ay hindi ko ito maabot abot.
"Beh? Sino naman to?" Sabi nito habang nakakunot ang noo
Tss. #1 chismosa -_-
"Wala! Teammate ko yan" ako
Nang matapos na siguro ang pagbabas nya ay iniabot na nya sakin ito.
"Ows? Teammate lang ba talaga? Eh bakit may pa iloveyou iloveyou pa?" Kantyaw nito sakin
Di ko alam kung namumula ba ako pero palagay ko ay oo dahil nararamdaman kong nag iinit yung pisngi at tenga ko.
Mabuti nalang talaga at medyo madilim. Puro partylight lang kasi ang nagsisilbing ilaw dito sa garden namin kung saan namin cinecelebrate yung new year namin ngayon.
Habang patuloy parin akong inaasar ng pinsan ko ay may narinig na akong engine ng sasakyan mula sa labas ng gate.
Baka si bea ni yun.
Agad akong lumabas para tingnan kung sya nga. Hindi naman ako nagkamali. Nakita ko na ito na kalalabas lang mula sa loob ng kotse.
Nang makita nya ako ay napahinto sya at nakatitig lang sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/71390705-288-k135254.jpg)