20. That Kiss

3.9K 81 0
                                    

Jho's POV

Nag aayos na ako ng mga gamit ko. Si bea nakaupo lang at nakatingin sakin.

Ano beh?! Tititigan mo nalang ako? /_\ Pls no! Natutunaw ako! Choz

Hinayaan ko nalang ito at itinuloy ang pag iimpake nang magsalita sya.

"Beh?" Tawag nito sa akin.

Napatigil ako sa paglalagay ng gamit sa maleta ko at tumingin sa kanya. Kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

Beh pls wag kang ganyan. Mukhang mahihirapan ako sa pag-alis eh!

Tinuloy ko ang paglalagay ng damit sa bag ko kaya lumapit sya sakin at naupo narin sa kama ko.

"Beh kailangan mo ba talagang lumipat dun sa inyo?" Tanong nito sakin

Ramdam ko ang lungkot sa boses nya kaya mas lalo akong di nakapagsalita.

"Beh. Huy" bea

Hinarap ko sya at tinitigan sa mata.

"Nagkaroon lang kami ng problema, family problem actually." Sabi ko dito

"Eh bakit kailangan mo pang umalis dito sa dorm? Ayaw mo na ba akong makita beh?" Malungkot na sabi nito

Lalo akong nalungkot sa sinabi nya. Di ko alam kung naiiyak na ako pero pinipigilan ko iyon.

"No! Ofcourse not! Magkikita pa naman tayo sa mga trainings ah? Tska malapit lang naman ang Sta. Mesa beh. You can visit me there" mahinahon kong sabi sa kanya

"Pero gusto ko kasama kita" parang bata nyang sabi sakin

Oo nga pala, nasanay na syang gigisingin ko sya kapag may pasok. Ipaghahanda ko sya ng almusal kung minsan. Tapos sabay kaming papasok sa school, pero syempre almost 2wks na hindi nangyari un samin dahil nga nagkatampuhan kami at ngayon nalang ulit kami nakapag usap. Tapos ganito pa?

"Beh naman eh! Pinapaiyak mo ko. Promise vivisit ako dito" sabi ko sa kanya

"Mamimiss kita beh" lalong lumungkot ang mukha nya

"Mamimiss ko din kakulitan mo"

Di ko na naitago ang lungkot na nararamdaman ko. Nakatitig lang sya sakin. Nakipagtitigan din ako sa kanya.

Masarap tingnan yung mga mapupungay nyang mga mata. Ilang minuto rin na ganun kami.

Maya maya pa ay bumaba ang tingin nya sa mga labi ko. Napalunok ako ng makita ko iyon, at unti unti nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Di ako makagalaw sa kinauupuan ko. Naghihintay lang ako ng mga susunod na mangyayari. Sobrang lapit na ng mukha nya sa mukha ko, 1inch nalang ang pagitan. Palakas ng palakas yung kabog ng dibdib ko. Dahil sa hindi ko na sya matitigan ay ipinikit ko ang mga mata ko. At..

At..

At..

At..

Tsup.

Naramdaman ko nalang ang mga labi nya sa labi ko. Idinilat ko ng kaunti ang mga mata ko at nagsalubong ang mga mata namin, at muli nyang ipinikit ang mata nya. Ipinikit ko narin ang mata ko at sinabayan ang galaw ng kanyang labi.

Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko. Kung tama bang hayaan syang halikan ako. Hindi ko alam! Sabi ng isip ko na tama na, itulak ko na sya palayo, pero may isang side na nagsasabing okay lang yan. Jan ka masaya. Wag mong hahadlangan ang nagbibigay ng saya sayo.

Nalilito na ako pero isinantabi ko nalang yun at itinuloy ang pagsabay sa galaw ng mga labi ni bea. Ngayon ko lang naramdaman to, sya lang naman kasi ang nakahalik sakin. Pero kakaiba, may kakaibang umusbong sa puso ko. Hindi ko alam! Lalo nang gumugulo.

I met a womanizer named BEA (JhoBea Ft. ALE)Where stories live. Discover now