26. Still

3.5K 75 2
                                    

Bea's POV

December 20. Saturday. 6 pm.

Wala na kaming training and class dahil Christmas vacation na kaya ang ibang teammates namin ay nagsiuwian na sa kani kanilang pamilya.
Ang naiwan nalang dito sa dorm ay ako at sina ate ly, ate den, jia, mich, ate ella, gaston sisters, mae, kim, maddie and gizelle. Sa 24 pa uuwi ang iba, ang iba naman ay sa mismong araw na ng christmas.

"Yuhoooo pahinga naaaaa" sigaw ni ate aly

"Babe ang ingay mo gabi na" ate den

Mag aaway awayan naman yang dalawa.

Yung kunwaring away. Haha cute nila. <3

"Ang boring naman!" Sabi ko dito

"Sus bored ka kasi di mo makikita si Jhowjhow mo" ate ella

Si jho na naman. Haaay miss ko na beh ko.

Simula nung nangyari samin yung kiss thingy ay di na kami ganun ka-clingy sa isat isa. Di ko na sya basta basta nayayakap. Di narin sya basta basta lumalapit sakin. At kapag naguusap naman kami hindi kami tumitingin sa mata ng isat isa. At hanggang ngayon hindi ko na natuloy pa yung gagawin ko sanang pag amin sa kanya.

Naiinis na naman ako kina ate ella. Sa tuwing naaalala ko kasi naiinis ako sa kanila, lagi nalang silang wrong timing!

Anong petsa na hanggang ngayon di parin ako umaamin sa kanya. Pero natatakot din naman kasi ako. Yun pa ang isang pumipigil sakin sa pag amin ko ng nararamdaman sa kanya. Takot na baka hanggang kaibigan nga lang talaga. Takot na baka pagtapos nun bigla nalang maglaho yung pinagsamahan namin.

"Oh tulala na naman si unggoy" ate aly

"Tss ewan ko sa inyo. Ako na naman nakita nyo" sabi ko sa kanila at saka tumayo para lumabas sa dorm

"San punta bei?" Ate den

"Jan lang sa tabi tabi" sabi ko dito at tuluyan na ngang lumabas sa dorm

Dahil sa wala naman akong magawa sa dorm at tapos narin naman ang training namin this month ay naisipan kong pumunta sa paborito kong puntahan kapag hindi ko alam ang solusyon sa dinadala kong problema.

Ang kailei disco bar.

Magchichill muna ako.

--
Pagbaba ko sa kotse ko ay agad akong pumasok sa loob. At bumungad sa akin ang mausok at maingay na lugar.

Namiss ko tong lugar na to, mahigit na 2 buwan ko naring hindi napupuntahan to.

Pagpasok ko ay umorder agad ako ng alak.

Bukod sa mga kaibigan ko ay ito na ang nagsilbing karamay ko sa mga ganitong problema. Kapag may problema ako sa puso. Kapag may problema ako sa pag ibig na hindi ko mahanap ang kasagutan. Kapag masakit ang puso ko dulot nito.

Nang maubos ko ang una kong order ay umorder ulit ako.

Kung dati nakikipagkilala ako o di kaya ay inientertain ko ang mga babaeng nakikipagkilala sakin, ngayon nag iba na. Hindi na ako interesado sa kanila. Ang gusto ko nalang ngaun ay uminom at magpakalasing para makalimutan kahit isang araw lang ang nagpapabigat sa dibdib ko.

Nakaka pitong alak na ako.

Pinalinga linga ko ang paningin ko. Nang may mahagip ang mata ko na isang pamilyar na mukha.

Si maddie ba yun?

Pilit kong kinikilala ito dahil naka side view ito at may kausap na mga babae. Mga kaibigan nya siguro.

I met a womanizer named BEA (JhoBea Ft. ALE)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें