21. Just Bestfriend?

3.4K 87 1
                                    

Nandito na kami sa bahay. Naipasok narin namin ang mga gamit ko. Wala parin sina mama kaya pumunta muna ako sa kusina para magluto ng makakain namin para sa hapunan. 6:30 narin naman kaya dito ko nalang sya pakakainin.

Nagluto lang ako ng adobong manok.

"Hmmmm ang bango naman nyan beh!" Sabi nito na inaamoy amoy pa ang ulam na inihain ko sa mesa.

"Bola" sabi ko dito

Umupo na ito at pinagsandok ko na sya ng kanin at ulam.
Nilagyan ko narin ng kanin at ulam ang plato ko at nagumpisa ng kumain.

"Anong oras darating sina tita?" Tanong nito sakin

"Hindi ko alam eh. Pwede ka naman ng makauwi after mo kumain jan" sabi ko dito

"Pinapauwi mo na ako?" sabi nito at ngumuso pa

Tss pacute -_-

"No i mean baka kasi gabihin kana masyado." sabi ko dito

"I can manage myself naman. Hintayin ko nalang sila, para mameet ko narin ung kapatid mo" sabi nito

"Hmmkay" tipid kong sagot dito

Natapos na kaming kumain. Dumirecho kami sa sala at nanood muna habang hinihintay na dumating sina mama.

Magkatabi lang kami sa sofa. Walang nagsasalita sa amin, pareho kaming nakatingin sa tv. Parang nagpapakiramdaman lang kami.

Naramdaman kong nagvivibrate yung phone ko mula sa bulsa ng short ko. Tiningnan ko ito. Si Marci pala, tumatawag.

Ako: hello? yes?

Marci: Pumunta ako sa dorm nyo wala ka na daw dun.

Ako: ah oo nga pala di ko nasabi sayo, dito na muna ako uuwi sa bahay.

Marci: oh really? Pwede ba akong pumunta ngayon jan?

Ako: Ahm ano kasi eh... Inaantok na kasi ako Mars.

Pagdadahilan ko dito kahit hindi naman.

Marci: Ah ganun ba sige pahinga kana. See you tomorrow.

Ako: Okay thanks

Di ko na inantay pa ang sasabihin nya at inendcall ko na ang tawag nito.

Tumingin ako kay bea na ngayon ay nakatingin sakin.

"Yes? May dumi ba ako sa mukha?" Sabi ko dito

"Kamusta na pala kayo ng boyfriend mo?" Sabi nito at ibinaling ang tingin sa tv

"Boyfriend pinagsasabi mo jan?" Ako

"Di paba kayo? Ang bagal naman nyang bakulaw mo" bea

May sayad talaga tong babae na to.

"Baka maunahan ko pa sya nyan ha?" Bea

Napatingin ako sa sinabi nya. Ano daw? Maunahan?

"Ewan ko sayo beh. Manood ka nalang jan" naiilang kong sabi dito

Di nya pinansin ang sinabi ko. Lumapit sya sakin at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"What if I court you?" Bea

Nagulat ako sa ginawa nya kaya hindi agad ako nakapagsalita.

Gulp. Gulp. Gulp. Gulp.

"C-court m-mukha mo b-beh!"

Shit jho umayos ka! Wag kang magpadala sa kanya!!

Agad nyang inilayo ang mukha nya sa mukha ko habang tumatawa -_-

I met a womanizer named BEA (JhoBea Ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon