16. Missing her

3.3K 68 2
                                    

1 week na ang nakakalipas ng matapos ang bakasyon namin, pero kami ni bea? Di parin kami nagpapansinan hanggang ngayon. Nag-iiwasan parin kami. She tried to reach me out pero nirereject ko yun. Masyado siguro akong na-hurt sa mga nasabi nya sakin nun. Magpapalipas muna ako ng sama ng loob ko.
Kami naman ni Marci? Ayun, magkatext na kami araw araw. He always keep on sending me a morning message at dun na magsisimula yung conversation namin. Masaya ako kasi dream come true to para sakin. Yung crush ko textmate ko na hihi

Andito kami ngayon sa BEG, doing our routine. Scrimmage. Mas triple yung pagod namin ngayon, dahil bukod sa malapit na ang UAAP season 78 ay si Coach Tai na ang nagttrain sa amin.

Nakaupo kami ngayon dito sa bench nang may babaeng pumasok sa loob ng gym. Lahat kami napatingin sa kanya. Ang ganda nya at ang sexy. Sinundan ko ito ng tingin at mukhang papalapit kay bea.

Tama nga at kay bea ito lumapit. May inabot na tubig. At honey pa ang tawag ha? Di rin nagtagal ay umalis na ito at bumeso kay bea.

"Bei, sino na naman yung bago mong chix ha?" Marge

"Wala yun, one of my blockmates lang" Bea

Sus. Babaero ka talaga beh! Di ka na nagbago.

Mayamaya ay may pumasok na naman. Lumapit ulit kay bea? Aba napakababaero talaga ng bestfriend ko ha? Tinalo nya pa ata sina Ysay? Hahaha

"Hi babe! I missed you!"

Wow this time babe naman?

Nakaupo ito sa tabi ni bea habang pinupunasan ang pawis nito.

"I missed you too" -bea

Ay gumaganon? Kaumay ah! Tss

Ay bitter teh? Lol

Ang pangit na ng atmosphere dito! Puro higad anubayan! Makaalis na nga lang muna.

Tumayo ako sa bench na kinauupuan ko pero hinila ako ni ate ella. Tss badtrip naman to si ate ella.

"San ka pupunta?" Sabi ni ate ella habang hawak yung braso ko

"Bibili lang ng tubig. Sama ka?"

Bigla akong binatukan ni ate ella.

"Aray naman! Masakir yun ah!" -ako

"Bibili ka ng tubig? Ako ba pinagloloko mo? Eh maraming tubig dun sa cooler oh!"-Ate ella

Natigilan ako sa sinabi ni ate ella. Ay oo nga pala ^------^ Nawala sa isip ko na every training may sponsor kami ng water.

"Ano bibili ako ng pagkain.. Oo tama pagkain hehehe" ^---^

"Dont me jho! Naiinis ka lang kasi nagseselos ka" ate ella

Ayan na sya! Nang aasar na naman yan. -____-

"Selos? Kanino naman? Patawa ka ate ells"

Tss nagseselos? Hindi naman talaga ako nagseselos. Para saan naman para magselos ako? Duh!

"Dun oh" at inginuso ang pwesto nina bea "Tama ako dba? Nagseselos ka?" Dagdag pa nito

"Ate ella pwede ba tigilan mo ako? Dami mong alam eh" pabiro kong sabi dito kahit naiinis na ako

"Oo marami talaga pati yang pagseselos mo alam ko" sabi ni ate ella sabay bitaw sa braso ko at takbo sa pwesto kung nasaan sina ate aly, ate amy at ate den.

Tiningnan ko lang sya ng masama pero binelatan nya lang ako =___=

Wala na naman magawa yan! Kami nalang ni bea ang nakikita. Ang liit liit na tao pero bully.

I met a womanizer named BEA (JhoBea Ft. ALE)Where stories live. Discover now