24. I love you beadel

3.8K 93 4
                                    

Bea's POV

Nakakainis talaga yung lalaking yun. Such a jerk! -_- Epal sya sa pinaka-epal! Yung moment na sana namin ni Jho yun, inagaw nya pa? Nakakainis lang talaga -_-

Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ng bahagya ang maliit na sofa kung saan nakapatong ang paa ko habang nakaupo ako sa mahabang sofa.

"Problema mo de leon?" Marge

Tiningnan ko lang ito at ibinalik ang tingin sa phone ko

"Nagtatantrums ang baby phenom natin oh" Mich

Sige mang asar lang kayo -_-

"Eh paanong hindi? Nauunahan na sya ni Bacalla" ate aly

"Nauunahan na talaga. Ang bagal kasi eh"

Napatingin kami sa nagsalita. Si ate ella, kabababa lang.

"Yes nauunahan kana. Pakipot kapa kasi eh!" Dagdag pa nito

"Tss. I dont care" ako

Yeah as if i care! -_-

"Wow so you dont care if i say na nanliligaw na si Marci kay Jho?" Ate ella

Natigilan ako sa sinabi nya at tiningnan sya ulit. I gave her a totoo-ba-yun-look at naintindhan nya naman.

"Oo kanina lang. Sinabi sa akin ni Jho" dagdag pa nito

Para akong binagsakan ng langit sa nalaman ko.

Ay oa lang? Nanliligaw palang naman yung tao beadel. May pagasa ka pa pagong!- KONSENSYA

"Ayon na! Wala na talaga" ate aly

"Bagal kasi eh" mich

"Deny pa bei" ate den

Nauunahan na ba talaga ako ni Marci? Totoo ba yun? Baka naman niloloko lang ako ni ate ella?

Sa sinabi ni ate ella ay parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Paano kapag sinagot na ni jho si Marci? Ugh bea you need to do something! Wag ka na kasi magpabebe pa!

"Oh ano? Mag isip ka beadel. Kung ayaw mo mapunta si Jhowjhow kay Marci, then do something about it" ate ella

FF.

Nandito na kami ngayon sa BEG. Inaantay ko si Jho na dumating. Oo magtatapat na ako sa kanya ng nararamdaman ko. Masydo mang mabilis pero baka maunahan pa ako ni Bacalla eh, mahirap na.

4:30.

Wala parin si Jho. San na kaya yun? Baka may pinagawa pa yung prof nya?

5:30

Pinagpapawisan na kami sa training pero wala parin akong nakikita na Jhoana Louise Maraguinot.

Nasaan na kaya yun?

Di na ako makatiis ay nilapitan ko na si Ate ella na nakaupo sa bench at nagpapahinga

"Ate ells, bakit wala pa si Jho?" Tanong ko dito

"Hindi ko nga rin alam. Hindi naman sya nagtext sakin." Ate ella

Hindi nya rin alam. Nasaan na kaya yun?

"Baka nakipagdate kay Marci?" Ate aly

Tiningnan ko sya ng masama.

"Babe lagi mong binubully si Bea!" tumatawang sabi ni ate den

Di ko na pinatulan pa ang pambubully nila. Iniisip ko ngayon si Jho, nasaan si jho? Bakit wala sa training? Pumasok ba sya kanina?!

Naupo ako sa tabi ni ate ella at tamang tama naman ang pagtawag sakin ni Gizelle

I met a womanizer named BEA (JhoBea Ft. ALE)Where stories live. Discover now