Chapter 1 - Kath

45.7K 670 16
                                    

Chapter 1 – Kath 

KATH'S POV

I am Kathryn Chandria Bernardo. My friends call me Kath. 17 years old. 2nd year college taking up Business Management at B.U. ( Bernardo University). Yes, kami ang may-ari ng university na to. Pero kahit ganun, di ko ginagamit yun para pumasa sa mga subjects ko. Pinagpupuyatan ko yung grades ko kasi gusto ko maging proud sila Mommy sakin.


My life? Well, I can say its almost perfect.


Perfect family. Well, my dad, Teddy Bernardo, is the richest businessman in the Philippines. And ang mom ko, Min Bernardo, full-time mommy siya. Mas gusto niya na naaalagaan ako. Oo, ako lang. Though may older brother ako, kaso nasa US siya kasi siya ang CEO ng company dun sa US. And si Dad naman ang CEO dito sa company sa Philippines. Kahit malaki yung company namin, never naman nawalan ng time si Dad samin.


Perfect barkada. Makikilala niyo sila isa-isa soon. But for now, ang masasabi ko lang, ang barkada ko, they are my second family. Happy moments, sad moments, lahat yan sama-sama namin pinagdaanan. Pag may problema ang isa, tulong tulong lahat. Kaya mahal na mahal ko sila eh.


At perfect lovelife. Oo may boyfriend ako, si Daniel John Padilla. Gwapo, mayaman, matalino, responsable, sweet, caring, gentleman at loving. He's every woman's dream, I must say. Wala na ata akong mahihiling pa dahil nasakanya na ang lahat. Ang swerte ko na ako ang girlfriend niya.


Napabalik ako sa realidad ng halikan ako nitong kissing monster kong boyfriend sa pisngi. We're on our way to our school.


"Lalim ng iniisip mo Babe ha." Sabi ni DJ sakin sabay hawak sa kamay ko.


Ngumuso ako at bumaling sa daan. "Ha? Malalim ka ba?" Pagbibiro ko sakanya. Sandali siyang natahimik kaya naman nilingon ko siya at nakita kong ang pula na ng pisngi niya. "Ano ba babe bawal magpigil ng kilig. Baka maihi ka niyan. Hahaha. Nahiya naman kasi kamatis sa pula mo." Natatawang sabi ko sakanya.


"Eh kasi makabanat ka naman dyan Babe. Aga aga eh. Di tuloy ako makaconcentrate dito. Baka mabangga pa tayo." Natatawang sabi ni DJ.


"Sus. Dami mong alam. Magdrive ka nalang dyan. Ay wait tumatawag si Bes." Sabi ko dahil biglang nagring ang phone ko.


"Hello Bes." Sagot ko kay Julia.


"Hi Bes. Asan na kayo ni Deej? Dito na kami ni Diego sa Tambayan." Tanong niya naman sa kabilang linya.


Inilibot ko ang paningin ko at napansin kong nasa parking na kami. "Hmm. Malapit na kami Bes. See you in a bit."


"Sige bes, see you. Ingat." Narinig kong sabi niya bago niya patayin ang tawag.

 

"We're here." Sabi ni DJ pagpark niya ng kotse.


Pagbaba namin ay lahat ng mata ay nakatitig samin. Its the usual thing. Sikat kasi kami pareho. Ako bilang anak ng school habang si Deej naman bilang SC President at heartthrob sa school. Walking hand in hand, we went to our Barkada's Tambayan. Room yun na pinagawa ko talaga para sa barkada lang. Lahat kami may susi sa room na yun, para may pupuntahan kami pag break namin. Sikat din ang barkada ko dito sa school.


Pagpasok namin, andun na silang lahat. Kami nalang pala ang kulang.


"Hi guys!" Bati namin ni DJ sakanila.


"Hi Bes. Hi Deej." Sabi ni Juls at tumayo para makipagbeso sa akin.


Tumawa si EJ kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Pusta ko buhay ko, nagharutan pa yan kaya nahuli silang dumating." Pangaasar ni EJ samin.


I rolled my eyes heavenwards. "Che!"


"Tara na sa room baka magsuntukan pa yang mga yan" Pagaawat naman ni Neil sa amin.


Isinukbit ko ang kamay ko sa braso ni DJ. "Tara!" Sabay sabay na sabi namin bago kami umakyat papunta sa classroom namin.


---------------------

EDITED. :)

Almost PerfectWhere stories live. Discover now