Chapter 2 - Barkada

34.6K 571 6
                                    

Chapter 2 – Barkada

KATH'S POV

Andito na kami sa room at wala pang teacher. Maaga pa naman kasi kaya sige ipapakilala ko muna sainyo ang barkada.


Si Julia Montes, ang aking bestfriend / sister from another mother/ better half/ Bes. Siya ang pinakaclose ko sa barkada, ang dami na naming pinagdaanan neto. May time pa na nagkafling sila nung naging crush ko dati na si Enrique. Eh bagong bestfriends palang kami nun, tas nagtampo ko sakanya. Pero wala na yun. Simula nun nagpromise kami na Hindi kami magaaway ng dahil sa isang lalaki. May boyfriend din siya ngayon, si Diego. Halos kasabayan lang namin sila ni DJ naging mag-on. Nauna lang sila ng 2 buwan. Etong si Bes, pwede na siya magsulat ng libro tungkol sa buhay ko. Ganun kami kaclose. Ako rin naman, pwede ko narin siya gawan ng libro tungkol sa buhay niya.


Si Diego Loyzaga, pangarap lang siya ni Bes dati hanggang sa nahulog siya ng tuluyan kay Bes, and then ayun naging sila. Siya ang easy go lucky sa barkada pero kahit ganyan yan, yan ang tumatayong clown ng barkada, sila ni EJ actually. Pareho kasi silang palabiro.


Si Yen Santos, ang ate ng barkada. Kasing tanda lang namin siya, pero since matured siya magisip, siya madalas ang hingian ng advice sa barkada. May gusto siya kay Neil. Actually feel namin gusto rin siya ni Neil. Dinedeny lang. Isa rin siya sa girlfriends ko. Well 4 kaming girlfriends, ako, si Juls, si Yen at si Kiray.


Si Neil Coleta, kung si Yen ang ate, si Neil naman ang kuya. Malalim siya magsalita, laging may hugot. Di nga namin alam dito eh, siguro dahil mahilig siya magbasa ng novels kaya ganun siya kalalim magisip. Siya ang guy bestfriend ko. Always to the rescue to parang si Bes.


Si EJ Jallorina, mahilig sa KPOP. Halos umiikot yung mundo niya sa kpop niya. May grupo din siya na sumasali sa mga kpop covers, ang Super Simple. Eto ang alaskador sa barkada, lakas mangasar, pero hindi siya nakakabwisit, natatawa pa nga kami sa pangaasar niya eh.


Si Enrique Gil, siya yung kaisa-isang naging crush ko sa barkada, well bago dumating si DJ. Pinagselosan siya noon ni DJ at Diego. Kasi nga diba crush ko dati, tapos nakafling ni Juls dati. Pero wala na yun. Barkada nalang talaga. Minsan natatawa ko pag naaalala kong naging crush ko siya. Hahaha. Madami nagkakacrush sakanya sa school, pero ayan single parin. Ewan ko ba dito bat hindi maggirlfriend.


Si Kiray Celis, ang kikay sa barkada. As in super kikay niya. May collection siya ng ibat ibang brand at kulay ng lipstick. Siguro nasa 200 na yung lipstick niya sa bahay. Minsan bibili siya kasi parang ang ganda daw ng shade tapos itatambak niya lang sa bahay, di naman gagamitin. Hahaha. May crush siya kay EJ, pero di alam ni EJ. Kaya shh lang kami. Pero inaasar namin sila paminsan minsan


At last but not the least si Daniel John Padilla, or DJ or Deej. My ever loving boyfriend. Mag-1st anniversary na kami sa March 26. Yes ,sinagot ko siya nung bday ko last year. Bestfriend niya si Diego. Heartthrob sa school ang isang ito kaya minsan naaasar ako kasi ang daming umaaligid na linta. Selosa pa naman ako. Pero bihira namin pagawayan yun, loyal naman kasi siya. Tsaka lagi niyang sinasabi at pinaparamdam sakin na ako lang talaga.


The day passed by like a blur. Half day lang kami dahil may meeting daw lahat ng profs. Nagpasya kaming tumambay muna dito sa tambayan.


Twice a year ay may outing kaming barkada. Isa sa March at isa sa May, nakagawian na namin yun. 3 days 2 nights every outing. Last year sa CamSur at sa Laiya kami tumuloy. May beach house naman kasi kami sa Laiya kaya dun kami tumuloy. Kaya naman ngayon ay pinaplano na namin kung saan kami magoouting since March na.


"Guys so ano, san na tayo? Dapat maplano na natin." Sabi ko sakanila.


"Oo nga tama. Gusto niyo Boracay tayo?" Suggestion ni DJ at inakbayan ako.


Tumayo si Kiray at nagpaypay sa sarili niya. "OMG! OMG! OMG Boracay! Go tayo dyan!" Tila nagpapalpitate na sabi ni Kiray.


"Bet ko yang boracay, ang galing mo Deej." Pagsangayon naman ni EJ.


Tumango ako. "Oh so ano Boracay na?" I asked them.


"Oo, go bes! Pareserve ka na tickets. March 14-16? Para sakto after exams." Excited na sabi naman ni Juls habang nakikipagharutan siya kay Diego.


"Go!" sabay sabay na sabi ng barkada kaya tinawagan ko na agad si Dad.


"Hello Dad!" I cheerfully said as soon as he answered the call.


"Hello princess. Bakit ka napatawag? Is something wrong?" Nahihimigan ko ang pagaalala sa boses niya. I will always be Dad's little princess kaya naman ganito siya.


I shook my head kahit hindi naman niya ako nakikita. "Ay hindi po Dad. I just wanna ask you a favor. Diba we always have our barkada outing. I'll just ask you po to book us a flight to Boracay first thing in the morning on the 14th. And then uwi ng 16th evening." Malambing kong sabi.


Tumawa si Dad sa kabilang linya. "Yun lang pala princess. Sige ipapabook ko na. Ilan na nga kayo?" Tanong niya.


Nilingon ko ang barkada. "9 po kami Dad." Sabi ko.


"Okay, ipapabook ko na kayo. I'll give you the plane tickets tonight." Agad niyang sabi.


Ngumiti ako ng malapad. "Okay. Bye Dad. Love you!" Masayang sabi ko.


"Love you more princess. Bye!" Aniya bago niya putulin ang tawag.


Ngumiti ako ng malapad pagharap ko sakanila. "Okay na daw guys, I'll give you the plane tickets tomorrow." Sabi ko kaya naman nagtalunan silang lahat. Im overreacting, pero sobrang saya talaga nila.

"Yehey! Teka maaga pa. Lets go shopping para sa mga dadalhin nating damit?" Sabi ni Juls at nagtaas baba ng kilay saming girls.


Adik kasi sa shopping to si Juls at Kiray. Well minsan nahahawa na kami ni Yen sakanila.


"Lets go!"Sabi ni Yen.


Twelve days to go then boracay, here we go!


----------------------------------------------------------

EDITED.

Almost PerfectWhere stories live. Discover now