Epilogue

17.9K 341 18
                                    

EPILOGUE

 

They say ‘Beginnings are usually scary, endings are usually sad, but it's everything in between that makes it all worth living.’

I believe them now. When DJ and I started dating, I admit I was scared and a bit hesitant. I’ve got my heart broken before he came into my life but nonetheless I took the risk. I fell for him, deep. Though we didn’t have our happy ending, the ride has been worth it.

I placed the flowers I bought in his tomb. I gently touched his name.

Daniel John Padilla

 

Tears run down my face.

It’s been three years. Ngayon ko lang nakayang bumalik sa lugar na to after ng libing niya.

H-hi Babe. 3 years na pala noh. Sorry kung ngayon lang ako pumunta dito. Alam ko naman alam mong hindi ko pa kaya. Tatlong taon na pero bakit ang sakit sakit parin.

Kinakaya ko naman babe. Pag kaharap ko silang lahat nakangiti ako. Pero pag ako nalang, di ko maiwasang isipin, sana ang sasabihin ko ngayon sayo ‘Happy 3rd Wedding Anniversary’ hindi ‘Happy 3rd Death Anniversary’

Maniniwala na ata akong ayaw mo talaga kong pakasalan.” I laughed. A bitter laugh.

“Akala ko talaga di mo iniisip magpakasal sakin. Nakakainis ka. Alam mo bang kaya malalim iniisip ko nung on the way tayo kasi iniisip kong ako na magppropose sayo nung gabing yun.”

 

“Hahahaha. Babe naman! Ang sarap isiping gustong gusto mo kong pakasalan. Kaso wag mo naman isiping ayaw kitang pakasalan. Cause you know what, I’d marry you in a heartbeat.”

 

Ang daya mo. Ang daya daya mo talaga.” I can’t control my sobs. Memories are hunting me every single night.

Kung pwede lang kitang sundan diyan ginawa ko na. Kaso alam kong hindi mo magugustuhan yun. Kailangan ko pang alagaan si Cassandra. Alam mo ba, proud ako sa anak natin. Mas matatag pa ata siya sakin. Nakakaya niyang magpabalik-balik dito habang ako kada death anniversary mo nagkukulong lang ako sa kwarto.

Ang baliw nila Babe. Pinagbblind date nila ko, baka daw makamove on na ko sayo pag nagmahal ulit ako. Ano ba sa ‘Ikaw ang huling lalaking mamahalin ko’ ang di nila magets? Akala ba nila madali mawalan ng taong pinakuan mo ng forever. Hindi. Hindi madali. Pero naiintindihan ko naman sila, gusto lang nila ko sumaya ulit. Kaso mahirap na ata yun. Paano ko sasaya kung wala ka na?

Si Cassandra alam mo ba, may nanliligaw daw sakanya. Gusto daw siya maging girlfriend. 8 palang yung anak mo habulin na agad. Hahaha! Sana nandito ka noh, para tatakutin mo yung mga lalaking manliligaw sa prinsesa mo.

“Nako lahat talaga ng manliligaw kay Casey, tatakutin ko para di tumuloy.” DJ

 

“Grabe ka naman Babe! Baka tumandang dalaga yang anak mo!”

 

“Pwede lang siya magboyfriend pag 30 na siya” DJ

 

“BABE! Anong 30? Ang tanda na niya nun! 20!”

 

“Babe naman masyadong bata ang 20! 29.” DJ

 

“20! Final! Bahala ka, pag di mo siya pinayagang magboyfriend ng 20, hihiwalayan kita.”

 

“Sabi ko pwede nga kahit 19! O kaya 18 pwede na siya magboyfriend eh. Hahaha. Loveyou Babe.” DJ

 

Miss na miss na miss na kita. Yung mga yakap mo, halik mo, sweet little things mo, surprises mo, boses mo, tingin mo, amoy mo. Miss na miss na kita Babe. Magparamdam ka naman oh.

Biglang humangin ng malakas. Niyakap ko yung sarili ko. Mas lalo akong naiyak.

I love you so much Babe.

Promise simula ngayong araw na to, mas magiging matatag na ko. Para samin ni Cassandra. Gabayan mo ko ha? Alam ko namang anjan ka lang lagi sa tabi namin.

We didn’t have the happy ending we wanted.

But hell with happy endings, it’s everything we’ve been through that matters.

 

 

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon