Chapter 5 - Lambingan

23.6K 372 1
                                    

Chapter 5 – Lambingan

DANIEL'S POV

Last day na namin ngayon sa Bora. Nung mga nakaraang araw puro water activities, foodtrip, party at picture taking lang ginawa namin. Andito kaming lahat ng boys dito sa room namin ni Diego. Nagiisip kung anong pwedeng gawin para special ang last day ng stay namin dito.


Ako gusto ko isurprise si Kath. Si Diego si Juls. Tapos etong sila EJ, Enrique at Neil. Nangugulo lang. Kidding.Tutulong daw sila sa gagawin namin since wala naman silang lovelife. Totorpe kasi, aba.


Ano kaya magandang surprise? Hmm. Gusto ko kasi simple lang pero kikiligin si Kath.


"May naisip na ko para kay Kath mga dre." Sabi ko sakanila nang makaisip na ako ng surprise ko. Sinabi ko sakanila kung ano yung plano ko para mamaya.




DIEGO'S POV


So kilala niyo naman ako diba. Kasalukuyan akong nagiisip ng plano para kay Tart. Buti pa to si DJ nakaisip na agad. Ano kaya sakin. Napangiti ako ng makaisip nadin ako.


"ALAM KO NA!!!!" Sigaw ko sakanila. This is it. I know what to do!




KATH'S POV


Andito kaming girls ngayon, ikot ikot sa Bora. Namimili kami ng pasalubong sa mga nasa Manila. Pero binilhan ko parin ang barkada ng kanya-kanyang remembrance. Bracelet siya na may Boracay at nakalagay yung name namin each bracelet.


Nasan kaya yung mga boys na yun. Sabi lang nila kanina, umalis daw muna kami para makapag-girls bonding daw muna kami.


Mamayang 8pm yung flight namin back to Manila. Ayoko pang umuwi. Actually lahat kami ayaw pang umuwi. Masyado kaming nagenjoy sa Bora.


Huminto muna kami sa Starbucks since napagod narin kami magikot at magshopping ng pasalubong. 3pm na at hindi parin nakikita kahit anino ng boys. Baka nanchichicks. Natatawa ako sa sarili ko. Ano ba yan, alam ko namang loyal si DJ ko sakin.


Umorder lang kami ng girls at nagkwentuhan. Nakakamiss din tong all girls lang kami tas chikahan lang. Syempre nung nagkaboyfriend kami ni Juls nabawasan yung girls bonding namin. Though meron parin, pero hindi na kasing dalas nung single kaming lahat.


4pm ng bumalik kami sa resort. Pagpasok namin ni Juls may nakita kaming note sa kanya kanya naming kama. At eto ang note sakin.


Babe,

Lobby. 5:30 PM. See you. I love you. Forever and always.


Tumingin ako sa note na para kay Juls.


Tart,

Poolside. 5:30 PM. Love you.


Almost PerfectWhere stories live. Discover now