Chap 15 - His tears

17.7K 361 21
                                    

Chapter 15 – His tears

 

(play the song -> para mas feel)

 

DJ’S POV

 

Dumeretso na ko sa bar after nung nangyari sa grocery. Pinasama ni Juls si Diego sakin. Baka daw mapano pa ko. Buti pa sila may pakialam. Si Kath kaya? Naisip kaya niya ko kanina nung nagkita kami. Kung ayos na ba ko. Kung nasasaktan ba ko. Kung masaya ba ko ngayon. Ano ba DJ?! Syempre hindi. Hindi diba. Kasi busy siya sa asawa at anak niya. Tangina ang sakit sakit sabihing may asawa at anak na yung babaeng mahal na mahal mo at handa mong pagalayan ng buhay mo.

Kailangan ko to. Kailangan kong maginom.

Baka sakaling pag nalasing ako, makalimutan ko yung sakit. Makalimutan ko yung problema ko. Makalimutan kong may asawa’t anak na ang babaeng mahal ko. Makalimutan kong wala ng pag-asa mabalik yung kami. Makalimutan kong 5 taon akong naghintay na bumalik siya.

I know I can never forget. Not now, not tomorrow, not any other day. That pain is a part of who I am now. I don’t know why they call it heartbreak cause it feels like every part of my body is broken too. And it fucking hurts like hell!!

Naginom lang ako ng naginom.

1

2

3

4

5

6

I lost count kung ilan na yung boteng  nainom ko. 10? 15? Di ko na alam. Nagdadalawa na yung paningin ko pero wala akong pakialam. Nararamdaman ko pa yung sakit kaya di pa ako titigil.

“Daddy! Daddy I want that one. Pretty please Daddy?”

 

“Bie. Hay nako. I knew it. Dito ko na naman kayo matatagpuan mag-ama. At chocolate na naman ha.”

 

“Yes Mommy just one. Pleaseeee.”

 

“Aish. Fine fine. Kayo talagang dalawa. Matatangihan ko ba kayo? Lets go.”

 

Nagpapaulit ulit yung mga nangyari kanina. Ang bakla ko. Umiiyak ako sa harap ng bestfriend ko. Kalalaki kong tao pero iyak ako ng iyak. Anong magagawa ko? Nasasaktan ako. Tao lang ako. Napapagod. Nasasaktan. Pero sabi ko nga. Wala akong karapatan.

“I missed you guys too.”

 

“Hello. Ah Cha, tara? Magluluto ka pa, baka malate tayo sa dinner mamaya?”

 

Almost PerfectWhere stories live. Discover now