Chapter Four

737 48 1
                                    


October 31, Sabado ng gabi ay sinundo kaagad ako nila Trisha gamit ang kotse ni Red. Sabi niya may pupuntahan raw kami pero hindi naman nila sinabi kung saan at ngayon na-ipit na kami sa traffic lahat lahat eh wala pa rin silang sinasabi sakin.

"Excuse me. Nakarating na tayo ng Q.C. pero wala pa ring nagsasabi sakin kung saan ba tayo pupunta. The fuck!" reklamo ko pag labas ng sasakyan.

"Relax Momo. Andito na tayo oh! Wag ka ng mag-inarte." sagot naman ni Trisha sakin sabay lakad padiretso.

"Ba't kasi di na lang sabihin eh! Oh anong ginagawa natin sa West Gallery!? May kilala ba kayong mageexhibit dito?" tanong ko naman.

"Oo. Pero I think, Mas kilala mo sya kaysa samin." sagot naman ni Red.

"Anong mas kilala? Di naman siguro yung Kiel yan noh? Bahala kayo di ako papasok kung siya."

"Anu ba yan Momo! Ang arte mo naman! Hindi siya so please sumunod ka na lang!" at sabay nila akong hinila pataas.

Opening pala 'tong pinuntahan namin kaya pala ang daming tao. At medyo kagulat gulat na nandito rin yung ibang mga kilala na namin. Pero yung iba..

"Look Momo!" sigaw ni Trisha sabay turo dun sa isang room. "SURPRISE!!"

Nagulat ako sa nakita ko. Oil paintings na semi-real Puro ito babae at tingin ko iisang tao lang yung ginamit na model. Pero iba iba sila. Ang gaganda na hindi ko maipaliwanag. Pero may kakaiba akong nararamdaman sa Model na ginamit niya. Para bang—Kilala ko sya.

Bigla akong napatingin sa isang babaeng nakaputi at nakatingin sa pinakamalaking painting na nakalagay sa gitna ng kwarto. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sakaniya kaya dahan dahan din syang tumingin sakin.

Si Alleluia na kilala sa pagiging isang black doll ay nakasuot ngayon ng puting damit na dahilan upang magmukha syang anghel ngayong gabi. Isang inosente na may maamong mukha na mukhang kayang bihagin ang puso ng bawat taong nandirito ngayon.

"Momo!" masayang bati niya agad pagkakita niya sakin.

"Ikaw ba—" at napalingon muli ako sa mga paintings sa paligid. "Gawa mo ba 'to lahat?"

"Hehe." Napangiti siya ng malaki sabay turo sa credit line ng isang painting kung saan makikita ang buong pangalan niya. "Oo."

Napatingin ako ulit sa painting at this time mukhang naiintindihan ko na kung bakit ko naisip na pamilyar siya sakin.

"You—Crazy Dumb Girl! This is all me! How could you?!" napasigaw ko agad.

"Ehh~ Pano mo nalaman?" gulat na tanong naman niya.

"Sino ba namang hindi makakakilala sa sarili niyang mukha. Ginawa mo kong babae!" sigaw ko pa.

"Ayaw mo ba? Hehe."

"No.. I guess? Eh Pero kahit na! You used me without my permission. How could you!" namumulang banat ko pa.

"Sorry na Momo. Hindi ko kasi mapigilang i-drawing ka pag nakikita kita eh. Kaya ayun, Di na ko nakapagpaalam sayo. Sorry Ulit." sagot naman niya.

"I just can't believe you did something like this. It's unbelievable. Wala sigurong makakaalam na lalaki yung model dito unless na sinabi mo. I mean, this is all beautiful." namamangha sabi ko naman habang tumitingin tingin pa rin sa paligid.

"Thank you at na-appreciate mo." Mahina at nahihiyang sagot niya lang.

"S-syempre! Ako kaya yung model!"

If I Could See You AgainWhere stories live. Discover now