Chapter Eleven

525 31 0
                                    


At dahil Summer na ngayon eh nandito kami ngayon sa mall at nagagala dahil mainit sa labas. Kung saan saan na kami umikot ni Aya ngayon at siguro bawat shop na madaanan namin eh papasukan namin. Ang weird lang pero mukha namang nag-eenjoy siya kaya nakisabay na ako.

"Bagay sayo 'to Momo! Ang cute oh!" sabi niya habang hawak hawak yung nakita niyang sumbrero sa isang stall.

"Madami na kong ganiyan. Tsaka diba sapatos ang hinahanap natin ngayon? Bitawan mo na yan." saway ko naman.

"Ehhh. Sige bigyan na lang natin si Red!" sabi naman niya.

"Suntok gusto mo?" saka ko hinawakan yung kamay niya at hinila palabas.

"Ba't nga pala tayo ulit bibili ng sapatos?" tanong naman niya habang naglalakad kami.

"Bibili tayo ng sapatos mo kasi sinira mo yung dati mo." sagot ko naman.

"Wala akong pera eh. Lilibre mo ba ako?" tanong pa niya.

"Really? Nakapag-solo exhibit ka na lahat lahat pero wala ka man lang pera? Ang laki laki nga ng bahay nyo eh." sagot ko naman.

"Ehh sa ganun eh. I have on my own reasons." Sabay ngiti niya lang.

"Fine. Talaga namang nakaplano na ako yung bibili ng sapatos mo eh."

"Really!? Yaaay!" sabay yakap niya sa braso ko.

"Ang clingy mo talaga!"

"Hehehe." At napangiti lang siya ng malaki.

"Ms. Alleluia?" tawag bigla ng isang babae sakaniya habang naglalakad kami sa isang shop.

"Dra. Divina. Long time no see!" masayang bati naman niya agad.

"Anong long time no see ka dyan! Hindi ka na bumalik sa ospital! Umiinom ka pa ba ng gamot mo? Ano ka ba!" sermon naman niya agad kay Aya.

"Ehh?" at napatingin kaagad ako kay Aya.

"Ospital? Gamot? May sakit ka ba Aya?" tanong ko kaagad sakaniya.

"Huh? Hindi ah! Diba nga anemic ako?" mabilis na sagot naman niya agad.

"Anemic—?" naguguluhang sabat naman nung doktora.

"Doc. talaga! Magaling na po ang Anemia ko. See?" tapos hinila ni Aya yung doktora palayo.

"Wait lang Momo ha? Diyan ka lang muna." sigaw niya naman sakin.

Medyo naguluhan ako dun sa nangyari ah? Well, Di naman ako magtataka na magpa-ospital at uminom ng gamot si Aya kasi obvious naman na grabe yung Anemia niya. Sobrang putla niya na mukhang may lahi ata talaga syang bampira eh.

Pero kahit kailan, hindi ko siya nakitang uminom ng gamot. Kung okay na siya, Eh bakit ganun pa rin sya kaputla? Hay nako. Nakakapag-alala tuloy.

"Oh Aya. Tapos na kayong mag-usap?" tanong ko agad pagkakita ko sakaniya.

Hindi sya sumagot sa halip at tahimik na nakayuko sa harap ko.

"Uy Aya! Anong nangyari sayo?" tanong ko sakaniya.

"I..want to go home." matamlay na sagot lang niya.

"Okay. Let's go."

Kanina lang okay pa siya ah? Namumugto yung mata niya tsaka tumamlay din sya. There's must be something. Pero ano naman kayang pinagusapan nila?

Gusto ko man tanungin pero kilala ko si Aya, Napaka-misteryosa ng babae na yun. Hindi nga siya nagkwe-kwento tungkol sa pamilya at tsaka sa sarili niya eh. Pero gusto ko pa ring malaman. May karapatan naman ako diba?

"Aya. May nangyari ba sa inyo ni Dra. Divina kanina?" tanong ko agad nung nagkaroon ako ng tyempo.

"Nangyari?" confused na tanong naman niya. "Ah! Kanina ba?"

"Oo kanina."

"Wala lang yun! May kwinento lang sya kanina na tungkol sa isa niyang pasyente na may taning na yung buhay. Naiiyak pa nga rin ako eh." sagot niya sabay ngiti lang ng bahagya.

"Ahh. Yun ba yun? Akala ko naman kung ano."

"Si Momo talaga.." tapos yumakap sya sa likod ko. "Hindi ka dapat nag-aalala ng husto sakin."

"Anong hindi? Trabaho kong mag-alala sayo kasi syempre Girlfriend kita. Buti sana kung stranger ka lang, Tsak wala akong paki umiyak iyak ka man dyan."

"Hehe. I love you Momo." bulong niya saka niya mas hinigpitan yung yakap sakin.

"Hays.." napa-sigh lang ako't napangiti. "I..I love you too Aya." mabilis ko namang sagot sakaniya.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba ngayon na parang may hindi sakin sinasabi si Aya. Pero sana kung ano man yun eh hindi yun maging dahilan ng pag-iwan niya sakin.

****

This is the first summer na makakasama ko si Aya kaya naisip naming pumunta sa isang malayong lugar upang makapag-enjoy naman. Pero ang tanong, Saan naman kaya?

"Okay tutal sama sama naman tayong lahat. Any good suggestion kung san magandang pumunta ngayong summer?" tanong ko sakanila.

"Local? Or Overseas?" tanong naman ni Trisha.

"Wow Trisha, Ang yaman mo ha?" sarcastic na sagot ko naman kaagad sakaniya.

"I'm just asking stupid Momo." sagot naman niya kaagad sakin.

"Wag na tayong magpakalayo layo. Hassle yun eh." sagot naman ni Red.

"So, Saan nga?"

"Me! May alam ako!" sigaw bigla ni Aya.

"Sige nga, Saan?"

"Cebu?" sagot niya sabay ngiti.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Red at Trisha. Cebu huh? Not bad. Tutal matagal ko na ring gustong mapuntahan yun.

"Okay Cebu. Go ako dyan. " sagot naman ni Red.

"Ako rin! Ako rin! Basta makakapag-bikini ako, Okay ako kahit saan." sagot naman ni Trisha.

Napatingin muna ako ng masama sakaniya saka napailing.

"Okay magpapa-book na ko ng tickets at ng hotel. Kwentahin nyo na yung mga dapat bayaran." tapos napatingin ako kay Aya. "May pera ka ba?"

"Ako?" sabay napangiti lang sya sakin. "Name the price."

"Wow. Ang yaman ni Aya ah!" sagot naman ni Red.

"Magbi-bikini tayo aya ha?" sabi naman ni Trisha sakaniya.

"Anong bikini ka dyan!?" sabat ko naman kaagad.

"Basta ako, Excited na ako." masayang sagot lang ni Aya samin.

This summer, Tsak may bagong lugar na naman kaming pupuntahan at ala-alang bubuoin. Sana lang maging matagumpay 'to.


k4

If I Could See You AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora