Chapter Seven

594 38 1
                                    


"Oh my god. Sino yan?"

"Si Momo? Si Momo ata yan! Shit ang gwapo!"

"Oo nga. Grabe!" Rinig kong sabi ng mga tao habang naglalakad ako papasok ng college building namin.

"Trisha, Nakita mo ba si Momo? Dumating na ba sya?" rinig kong tanong ni Aya sa malayo.

"Hindi pa, tinetext ko na nga eh." at biglang syang napatingin sakin. "Oh. ayan na pala eh. Wait— What the!"

"Bakit?" at napatingin na rin sakin si Aya at nanlaki agad yung mga mata niya.

"Ah. Hi?" bati ko naman.

"Oh my gosh Momo, Anong nangyari sayo?" tanong agad ni Trisha.

"Well.. I was bored last night at Mukhang kailangan ko ata ng make over, Kaya ayun." nahihiyang sagot ko naman.

"Hoy Aya, Say something." sabi ko naman kay Aya na nakatulala para sakin.

"Wa-Wala akong masabi." tapos bigla syang yumakap sakin ng mahigpit.

"Hoy! Wag! Mamaya ma-OSA tayo eh. Bawal 'to!" namumulang bulong ko naman.

"Wait lang. Mga 2 minutes pa." sagot naman niya.

"Hoy kayong dalawa, Aga aga ang PDA nyo ha!" sigaw naman ni Red na kararating lang. "Woh! Holy Crap! Momo!? Anong nangyari sayo!?"

"Wag ka ng magtanong Red, Natakot lang yan na baka ipagpalit sya ni Aya kahapon kaya nagbagong anyo ngayon." sagot naman ni Trisha habang nakasmirk sakaniya.

"Wala. Bilib na bilib na talaga ako sayo Momo. Ikaw na talaga." at napa-palakpak lang siya sakin.

"You should be great Aya, Mahal na mahal ka ng kaibigan namin. Wohoo." asar naman ni Trisha.

"Mahal na mahal ko rin sya!" sabi naman ni Aya habang nakatingin ng diretso sakin. Waa. Ang cute niya. Shibal.

"Oo na. Oo na. I love you too, Okay?" at hinalikan ko na lang sya sa noo.

"Ah, Andyan na si Ma'am. Pasok na ko. Babye!" tapos bumitaw na si Aya sakin at tumakbo papasok sa room nila.

"Nakakainggit~ Maghanap na rin kaya ako ng syota?" sabi bigla ni Trisha habang nakanguso.

"Wag na. Pinapaubaya ko na si Red sayo. Sakaniya ka na lang." sagot ko naman sabay smirk sakaniya.

"Epal ka Momo!" sigaw naman niya kaagad sabay suntok sakin.

"Aray Trisha ah! Ang aga aga binubugbog mo ko! Sumbong kita kay Red."

"Isa pa Momo, Alam mo ng mangyayari sayo."

"Anong meron? Ba't ganiyan ang itsura mo, Momo?" tanong naman ni Red na nauna ng naglakad samin.

"Si Ano kasi eh—" at napatingin lang ng masama si Trisha sakin. "Ah Wala."

"Hay nako, Pumasok na nga lang tayo." sabi naman ni Trisha sabay akbay saming dalawa.

Pagkapasok namin sa room eh agad akong pinagtinginan ng mga kaklase ko. Kahit yung Prof. namin na kararating lang eh nagulat din. Lahat sila nagtataka at ewan siguro namamangha?

"Oh Momo! New Look ka ngayon ah? Anong nakain mo?" tanong naman ni Sir sakin.

"Well Sir.." tumayo muna ako bago magsalita. "I just got a Girlfriend that's all."

"Wehhh!??" napasigaw naman agad nilang lahat.

"Seryoso ka? Wala ka naman sigurong sakit noh? Momo?" tanong agad ni Sir sakin.

"No sir." umiling lang ako at ngumiti. "Well, I'm surprised too. Hindi ko din akalain na magkaka-girlfriend ako pero wala eh.."

"Momo, Sino??" tanong naman nung isa kong kaklaseng babae.

"Si Alleluia." diretsong sagot ko naman kaagad.

"Si Alleluia na 2nd year!?" irit kaagad nilang lahat.

"Hala Weh?? Ang swerte!!"

"Sino man yan, Bilib ako sa girlfriend mo kasi nagawa ka niyang baguhin. Imaginin mo! Nagawa niyang maging lalake ang isang taong mas maarte pa kesa sa mga babae!" Natatawang sabi naman ni Sir.

"Sir naman eh!" malanding saway ko naman.

"Oh kitams, Ayan ka na naman Momo!"

"Hehe Joke lang sir."

"Basta, You're the man!" at napa-thumbs up lang sya sakin at gulat ko naman na lahat na sila eh nagsipalakpakan.

"Epal nyo guys. Masyado ng O.A. ha!" pabading na sabi ko naman at natawa na lang kaming lahat.

Naging usap usapan din ng lahat ang tungkol samin ni Aya. Mapa-Estudyante man o Teachers eh naging curious kung paano ba kami nagsimula. At nung kwinento ko naman kung paano nga nag-umpisa ang lahat eh maraming kinilig at natuwa saming dalawa. Pero syempre mas bilib sila kay Aya kasi nagawa niyang gumawa ng sariling hakbang para lang mapalapit sa taong mahal niya (which is me)

"Parang mas lalo ka atang pumuputla, Natutulog ka pa ba?" concern na tanong ko kay Aya habang naglalakad kami pauwi.

"Natutulog naman. Sadyang madami lang kaming ginagawa ngayon." matamlay na sagot naman niya.

"Ayoko sa babaeng mukhang bangkay. Tignan mo nga, Kumakain ka pa ba? Ang payat mo na oh!"

"Momo, Don't worry. Okay lang ako." paninigurado naman niya.

"Teka, Sa Batangas ka pa ba umuuwi diba? Araw araw? Ang layo nun ah!"

"Wala akong ibang choice. Makalat akong tao kaya hindi ako pwedeng mag-dorm." sagot naman niya.

"Dahilan ba yun? Wala ka na bang ibang makitang lugar?"

"Wala na. Puro bedspacer lang dito. At kung mag-aapartment man ako eh mas mahal." katwiran naman niya.

"Tsk. Ano ba yan!" napatingin lang ako kay Aya na mukhang inaantok at matamlay. Hindi 'to pwedeng magpatuloy. Mamaya kung mapaano pa sya pinagagawa niyang eh.

"Ganito na lang, Ihahatid kita ngayon sa Batangas tapos magpaalam ka sa pamilya mo." sabi ko.

"Magpaalam?" nagtatakang tanong naman niya agad.

"Oo. Magpaalam ka na sakanila na sa akin ka na titira. Malaki ang space ng bahay ko at least di ka na mamomoblema kung magkakalat ka." sagot ko naman.

"Ehh?" nanlaki lang yung mga mata niya na parang di sya makapaniwala. "Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Makakasama kita sa isang bahay? Tama ba yun!?" paguulit niya na parang hindi niya matanggap lahat ng sinasabi ko.

"Aba malamang. Alangan naman si Trisha ang kasama mo eh hindi naman niya bahay yun." sarcastic na sagot ko naman.

"Momo.." at bigla na lang syang umiyak sa harap ko.

"Oy! Anong nangyari sayo?! Ba't ka umiiyak? The hell!" natatarantang reaksyon ko naman kaagad.

"W-wala akong masabi. Masyado akong masayaaaa.." sabi niya habang patuloy pa ring umiiyak.

"Oh tahan na. Tignan mo pinagtitinginan ka na ng tao oh! Ang pangit mo pa namang umiyak. Kamukha mo na si Wako Wako." asar ko naman sakaniya para tumigil na sya sa pagiyak. At syempre Joke lang yung sinabi ko kanina. Ang ganda ganda kaya ng Girlfriend ko! Kahit na ang weird pa rin niya.

"Okay di na ko iiyak. Di lang talaga ako makapaniwala na mas makakasama pa kita. Ang saya saya ko." aniya sabay punas ng luha niya gamit ng palad niya.

"Osya tahan na. Tara na punta na tayo sa inyo."

"Okayyyyy."

������X� 

If I Could See You AgainWhere stories live. Discover now