Chapter Five

658 39 1
                                    



Nagising ako ng mga alas syete dahil sa chat ni Red sa messenger. At dahil naistorbo niya ko ng bonggang bongga eh hindi na ko nakatulog. Mukhang tulog pa si Aya kaya naisip ko na magluto na lang ng agahan. Pero nagulat ako sa nakita ko paglabas ko ng kwarto. Ang kalat ng sala ko. Ang daming papel sa paligid at sa sahig natutulog si Aya.

"Hoy babae—" gigisingin ko sana sya kaya lang napatingin ako dun sa mga papel sa paligid niya. Isa isa ko silang kinuha upang tignan at nagulat ako ng makita ko na naman yung mukha ko.

Pero kailan? Kailan niya ginawa 'to? I mean, Yung drawing kasi eh iba't ibang ako na nagsasalita, Umiinom, Kumakain, Nakangiti at kung ano ano pa. Pero lahat sila rough sketches lang. Di ganun kalinis pero naiintindihan naman. But still paano? Hindi ko naman sya nakitang nagdo-drawing habang nag-uusap kaming dalawa. Lalo na siguro ang pagpi-picture sakin. Kaya kailan?

Woh. Hindi kaya merong photographic memory 'tong si Aya? Wow. Pag nagkataon edi genuis pala siya? But still, doing all of this takes a lot of time. Damn it Alleluia, hindi ka na naman ba natulog ng maayos?

"You're getting paler everyday. You should learn how to take care of yourself, Dumb girl. Sino na lang ang mag-aalaga sayo kung wala ako?" bulong ko habang hinahaplos yung pisngi niyang malamig habang natutulog siya.

"Momo.." dahan dahan niyang sinabi. Napaatras kaagad ako. Oh shit! Nagising ko ba sya? —or not. Tulog pa rin? Unbelievable.

"Momo.." isa pa ulit sabi niya pero this time nakangiti naman na kung titignan eh ang himbing talaga ng tulog niya. Okay fine. Matulog ka na nga lang dyan, Mamaya na lang kita aawayin. Stupid crazy dumb girl.

****

"Aya, may tanong ako sayo." sabi ko bigla habang nag-aagahan kaming dalawa. Napatigil sya sa pagkain at napatingin sakin.

"Hmm?" tanong naman niya pabalik. "Ano yun Momo?"

"Paano mo nga pala ko nado-drawing kahit na walang kopyahan? Anong gamit mong reference? Hindi kaya—"

"Pfft! Yun ba?" at muli na naman syang napangiti sakin. Yung ngiti na ginagawa niya na kayang magpatibok ng puso ko ng mabilis.

"Simple lang. Dahil sa lagi kitang tinitignan eh madali na lang para sakin na tandaan ang bawat detalye ng mukha mo. Yung hugis ng magaganda mong mata. Yung ilong at labi mo. Kahit na yung nunal mo sa ilalim ng kanang mata mo. Alam na alam ko yun lahat." sagot naman niya.

"Ehhh~ Ang weird mo naman!" nahihiya at namumulang banat ko naman kaagad. Syempre! Di ako makapaniwalang kaya niyang matandaan lahat ng yun eh. Grabe.

"Sorry for being a stalker." natatawang sagot naman niya.

"Pero paano nga ba? Paano ka nga ba nagkagusto sakin?" tanong ko naman ng seryoso.

"Well, it's been one year already. 1st year pa ko nun and syempre bago lang ako. Habang nahihiya ako sa bagong environment ko eh bigla ka namang dumating at naglakad sa harap ko. Iba yung aura mo, para bang wala kang kinakatakutan. Alam mo yun, may boss aura ka. And besides, nagwapuhan agad ako sayo kaya naging crush kita agad. " natatawa at nahihiyang kwento niya. " Kaya lang—"

"Kaya lang ano?" tanong ko naman sakaniya habang pinipigilan ko ang patuloy na pamumula ng pisngi ko.

"Nalaman ko na halos lahat ng kakilala ko eh may crush din sayo pero yung sabi nila wala na daw pag-asa kasi nga daw.. You know, bakla ka?" nahihiyang sagot niya sakin.

"Ahh.. Well" Pero ngayon hindi ko na alam..

"But it didn't stop me from liking you. Lagi kitang tinitignan everytime na may chance akong makita ka. Since, yun lang naman yung kaya kong gawin noon. Ang tignan ka sa malayo. " malungkot na sabi niya. "At habang tumatagal, kapag tinitignan ko yung mukha mo, Naiisip ko na ang sarap mo palang i-drawing. Kaya dun ako nag-umpisang gawin kang model. Ginawa ko lang na babae ka kasi syempre mas sanay ako dun at para wala na ring makakilala sayo."

"So, why did you confess to me all of the sudden?" tanong ko pa.

Napa-iwas siya ng tingin saglit at napa-isip bago sumagot."..Hindi ba normal lang yun?"

"Huh?"

"Normal lang namang mag-confess ang isang tao kasi gusto nilang makilala rin sila ng taong gusto nila diba? Ang mapalapit at makilala pa ito ng husto. Normal lang naman yun diba?"

"Ah Well.. I think? Malay ko." awkward na sagot ko naman na syempre deep inside nahihiya rin ako.

"Besides, kung hindi ako nag-confess sayo. Tsak hindi mo malalamang nage-exist pala ako. Diba?" malungkot na sabi niya.

"Well, congrats dahil nagawa mo na at kilala na kita. Tignan mo nakitulog ka pa nga sa bahay ko oh!" encourage ko naman sakaniya.

"Hehe Oo nga." napabuntong hininga muna sya bago ngumiti at tumingin muli sakin ng diretso. "Momo.."

"Oh ano na naman?" nahihiyang banat ko agad sakaniya. Anong malay ko, mamaya may sabihin na naman 'to eh. Kailangan kong maging prepared! Kailangan namin ng puso kong maging prepared.

"You see.." tapos biglang lumungkot yung expression nung mukha niya. "Ako kasi.."

"Ako ay what?"

Napailing lang sya at napangiti sakin.

"Nothing. It's just, masaya akong magustuhan ka. I like you so much, Christian Ace Monterde." masayang sabi niya sakin.

Napatulala ako sa sinabi niya. Speechless kung speechless. Tumigil nga ata yung pagtibok ng puso ko for a moment eh. Pero hindi siguro sa paano niya nalaman yung full name ko ako nag-react. Dun sa word na I like you. Yun yung una niyang bungad sakin nung una ko syang makilala at ang marinig ulit ito ewan ko ba, Ibang kasiyahan 'tong nararamdaman ko ngayon. Di ko nga alam kung bakit ako masaya eh. Hindi kaya—

Hindi kaya gusto na rin kita?

"Ah! Linggo pala ngayon? Too bad, kailangan kong umuwi samin. Pero next time sana makapag-date naman tayo noh? Sakto holiday nga pala bukas!" masayang sabi pa niya.

"Oh..okay." mahinang sagot ko naman habang nakatulala pa rin sakaniya.

"Ehhh~ Tama ba yung narinig ko? Okay ba yun? Pumapayag kang makipagdate sakin?" di makapaniwalang tanong naman niya.

"Huh? Ah. Well.. Ikaw ang nag-aya eh." nahihiyang sagot ko naman sabay hawak sa batok ko.

"Uwaa. I'm so happy! Excited na tuloy ako."

"Uhm. Favor. Pwede bang ako na lang yung mag-isip ng pupuntahan natin na lugar?" sagot ko naman.

"Ayos lang naman. Kahit saan basta kasama kita."

"Okay. Magkita na lang tayo bukas."

"Yaaaay! Sure!"

Napangiti na lang ako kay Alleluia habang tinitignan sya ng maigi. Di ko man masabi ng personal pero excited rin ako. Tsak akong magiging maganda yung araw na yun lalo pa't sya ang kasama ko.

If I Could See You AgainWhere stories live. Discover now