Chapter Eight

566 38 0
                                    


Ginamit ko ulit yung kotse ko para makapunta ng Batangas kung saan nakatira si Aya. Pagkapasok namin sa isang subdivision eh hindi ko aakalain na mayayaman pala yung mga nakatira dito na mas kinagulat ko. Ito ba ang walang budget pang-apartment? (lol)

"Nandito na tayoooo."

"Bahay nyo yan?" tanong ko agad sakaniya pagkababa.

"Oo? Bakit?"

"Ah wala. Wala naman."

Aba malupit. Kung sino man ang nagdesign nito, baka uno na sya sa Plate. Ang ganda grabe. Kulay puti ito at modern type mapaloob o labas man.

"Ma! Nandito na po ako!" sigaw ni Aya.

"Oh Pasok, Pasok ka Momo." bati naman nung Mama niya kaagad sakin na medyo hawig ni Aya. Maganda na medyo matured lang.

"Ah. Maraming salamat po tita." magalang na sagot ko naman sabay pasok sa loob.

"Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa po. Ah Ma, May sasabihin po ako." sabi ni Aya sakaniya.

"Ano yun?"

"Lilipat na po ako kanila Momo. Mas makakatipid po ako dun at iwas pagod kasi mas malapit sakanila. Kung okay lang po ba sa inyo?" kabadong tanong naman niya.

"Huh? Pero Aya—" at biglang namoblema yung mukha nung Mama niya. "Alam mo namang.."

"Nag-aalala lang po kasi ako kay Aya tita, Late na po sya nakakauwi at pumapasok pa sya ng maaga. Para pong hindi na sya nakakatulog ng maayos kaya sya namumutla lalo. Don't worry, Aalagaan ko naman po sya eh." sabi ko naman.

"Aya—" at napatingin lang ng malungkot si Tita sakaniya.

"Mama. Please?" at ngumiti lang si Aya sakaniya.

Napapikit si Tita at napatango na lang ng dahan dahan. "Mukha namang aalagaan ka talaga ni Momo. Pero pag may nangyari, Tawagan mo agad ako."

"Thank you po Mama!" sabay yumakap sya rito.

"Oo nga pala tita, Ang ganda ho pala ng bahay nyo." sabi ko naman bigla.

"Ay salamat Momo. Actually, Kuya ni Aya yung nagdesign dito."

"May kuya ka pala?" gulat na tanong ko naman kay Aya.

"Oo. Wala sya dito kasi nagtatrabaho pa sya. Pero Architect si Kuya. Ah, dito rin pala nakatira yung pamilya niya."

"May asawa na kuya mo?" gulat na tanong ko pa ulit.

"Oo. Actually, May baby na din sila. Andun si Danica sa taas natutulog. Si Mama yung nagbabantay sakaniya kasi may trabaho din si Ate Rica." Sagot naman niya.

"Oh. Wow. Ang dami nyo pala dito. Eh ang papa mo?" natanong ko sakaniya.

"Papa is.." at sumeniyas na lang sya at gumawa ng halo sa ulo niya at gumawa ng pakpak gamit ng dalawa niyang kamay.

"Seryoso? Sorry." malungkot na sagot ko naman kaagad.

"Ayos lang. Kain muna tayo tapos ipapakita ko sayo yung kwarto ko!"

"Okay.."

Masaya kaming naghapunan kasama ang Mama niya at madami rin akong natutunan tungkol kay Aya. Kung gaano sya ka-spoiled na bata at natural na maingay. Pero kahit na nagtatawanan kaming tatlo hindi ko maiwasang makaramdam na kakaiba. Kakaiba in a way na parang may malalim silang tinatago. Hindi naman siguro mga bampira talaga 'tong mga 'to noh? Wew.

Maya maya dumating na rin sa wakas ang kuya ni Aya na Jeremiah ang pangalan. Wow, Di naman sila masyadong banal eh noh? De joke lang. Tapos dumating na rin yung asawa niyang si Ate Rica na wow, sa ganda! Pero mas maganda pa rin si Aya. Di ako bias. Sadyang nagsasabi lang ng totoo.

At tutal daw masyado na daw gabi eh dito na lang daw kami matulog tapos bukas na lang kami bumyahe pauwi para di hassle. Di naman ako makatanggi so umoo na ako. And for the first time, sa kwarto ako ni Aya matutulog! Kaloka.

"Uhmm. Papasok po." nahihiyang sabi ko naman habang dahan dahang pumapasok sa kwarto niya.

"Pasok ka Momo, Wag kang mahiya." sabi naman niya sabay upo kaagad sa kulay light pink niyang kama.

"Okiie."

Pagkapasok ko, na-amaze na naman ako sa nakita ko. Puro sketches na naman sa pader. Yung iba mga ibang babae pero mostly mukha ko na naman yung nakikita ko na as usual naka-anyong pambabae.

"Uhm. Wow, ang galing mo talaga Aya." nasabi ko lang habang tumitingin tingin dun sa mga gawa niya.

"Uhm salamat." nahihiyang sagot naman niya habang nag-aayos ng kama.

"W-Wait—!" napairit ko bigla. "Tabi tayo??"

"Oo. Ayaw mo? Kaysa naman matulog ka sa baba eh ang laki laki naman ng kama ko." sagot naman niya.

"Pero—" at napaiwas ako ng tingin.

"Relax, Kahit na mahal na mahal kita eh di naman kita re-rapin noh!" sabay tumawa siya.

"Aya!"

"Hehe, Seryoso ako. Tara na, matulog na tayo." tapos humiga na sya.

Napabuntong hininga lang ako ng malalim at sa huli eh tumabi na din ako sakaniya.

"Nga pala Momo, Kung nahihiya kang katabi ako ngayon.. Saan mo nga pala ako balak patulugin pag dun na ko nakatira sa inyo? Sa sofa ulit?" tanong niya bigla sakin.

"Malamang! As if—" deny ko naman kaagad. Syempre nakakahiya kaya!

"Anu ba yan, akala ko pa naman tabi na tayo palagi." sabi naman niya sabay pout.

"T-Tabi tayo!? Palagi??" nanlaki lang mata ko sa sinabi niya.

"Wala namang masama dun diba? Girlfriend mo ko at Boyfriend kita. Kaya okay lang naman siguro yun diba?" inosenteng tanong niya.

"Ahhh. Malay ko—??"

"Bakit Momo? May gusto ka pa bang ibang gawin sakin?" tanong niya na may pang-asar na tono.

"Asa ka, Kapal mo!" tapos bigla ko syang natulak ng malakas na dahilan para malaglag sya sa kama.

"Aray ko!"

"Ay nako sorry Aya! Di ko sinasadya! Nadala lang ako. Ikaw kasi eh! Ang ligalig mo." sabi ko naman agad habang tinutulungan syang umakyat.

"Ayos lang.." aniya habang inaayos yung sarili niya.

Habang nakahawak ako sa braso niya, para bang may nakita akong kakaiba dun sa balat niya na nakatago sa longsleeve na pantulog niya. Kulay itim na parang pasa. Pasa?

"Ang laki ng pasa mo Aya. Saan mo nakuha yan?" concern na tanong ko naman agad sakaniya.

"Ah ito ba? Nadali ko 'to nung isang araw. Ang sakit nga eh." sagot naman niya habang pilit na tinatago yung pasa niya sa braso.

"Ang sensitive naman ng balat mo! Di ka kasi nagiingat eh." sermon ko naman kaagad.

"Sorry naman po ha, Magkakaroon na ata ako kaya ang dami kong pasa eh." sagot naman niya.

"Magkakaroon?" tanong ko kasabay ng pagtaas ng kaliwa kong kilay.

"It's a girl thing Momo. You know yung kulay pula na ma-wet na minsan malakas at minsan malagkit.."

"Eww! Tigil mo na nga yan. Nakakadiri!"

"Hehehe. Edi wag ka ng magtanong."

"Yeah right. Basta next time wag ng pashunga shunga okay? Ayokong nasasaktan ka. " concern na sabi ko naman.

"Momo.." tapos lumungkot bigla yung mukha niya at yumakap sakin.

"Hoy. Sexual harassment ka ah!" irit ko naman dahil sa gulat ko.

"Payakap na lang ako ng matagal please.." pagmamakaawa naman niya.

"Okay Fine. Sige na nga. Pagbigyan na.." at niyakap ko na lang din sya at sabay na kaming nakatulog na dalawa ng mahimbing at magkayap.

���

If I Could See You AgainOnde histórias criam vida. Descubra agora