BOOKONE: CHAPTER ONE

11.2K 127 9
                                    

TWIST OF FATE --- ONE

How everything started..

FLASHBACK:

Ella’s POV

Nandito kami ngayon ni Tammy sa mall. Bumibili kami ng gift for Tikoy na magbbirthday na this Sunday. Si Tammy nga pala, bestfriend ko. Actually, para na nga kaming magkapatid eh. Samin siya nakatira dahil yung parents niya nasa ibang bansa. Pinagkatiwala naman ng magulang niya sa magulang ko si Tams dahil childhood friends din ang mga parents namin.

Nasa DQ kami kumakain ng ice cream. Hmmm. Sarap. :) You want?

“Tams, san na tayo pupunta pagkatapos? Medyo sumasakit na paa ko.” Sabi ko at sumubo ng ice cream.

“Hmmm. Tara, window shopping. Baka may matipuhan tayo eh tas balikan natin.” Sabi niya.

Yan ang Tammy na kilala ko. Fashionista. Mahilig sa damit. Yung closet namin, puro damit nya. Minsan tuloy, naghihiraman na lang kami. Hahah! Onga pala, share din kami ng room :) Parang sisters in real life no?

Naglalakad kami ni Tammy nang may humawak sa kamay ko. As in holding hands ah! Tinitigan ko sya. Uy, gwapo ah? Pero, chansing ‘to ah! Pilit kong hiniwalay yung kamay ko sa kamay niya pero ang higpit ng hawak niya sakin eh.

“Ano ba! Bitawan mo nga ako. Sino ka ba ha?” sigaw ko.

“Teka, mamaya na. Favor lang miss. Andyan yung crazy stalker ko. Kunwari girlfriend kita ha? Please? Please?” sabi nya. Nagmakaawa siya. Kainis! Hindi ko napigilan. Pumayag na lang ako. No choice eh.

Naglakad-lakad pa kami sa loob ng mall. Nung natanaw niyang nakatingin yung stalker niya, inakbayan niya ko! Ay, chansing talaga ‘tong lokong ‘to ah! Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko pero binalik niya naman ulit. Maka-hawak wagas! Tsk :”>

Pagkatapos ng ilang oras na paglalakad, inalis na niya ang kamay niya sa kamay ko.

“Miss, salamat. Ge.” Sabay alis.

Aba! Ang kapal ng mukha. Ganun na lang yun ha? Kainissss!

“Hoy, ang kapal mo ah! Kung sino ka man. User! Leche!” sigaw ko. Lahat ng tao sa paligid pinagtingnan ako. Nakakahiya man yung ginawa ko, okay lang. Nakakirita kasi yung lokong yun eh!! Lumingon siya pero ngumiti lang at umalis na din. Kapaaaaaaaal! :-@

“Ella, tama na! Ang dami ng nakatingin satin oh! Nakakahiya.” Sabi ni Tammy.

“Kasi naman! ARGHHHHHHHHH. Kapal! Makita ko lang ulit siya, masasampal ko yun! Seryoso. Masasampal ko talaga siyaaaa.” Sabi ko. Galit na galit pa din ako sa lokong yon. Uh!!

Nung kumalma na ako, nagyaya na si Tammy na umuwi na. Kaya ayun, umuwi na kami.

Patrick’s POV

Bagong lipat kami dito sa Makati. Hay salamat! Hindi ko na makikita yung stalker na yun. Bored ako sa bahay kaya nag-mall muna ako. Tumitingin ako ng shades ng may natanaw akong pamilyar at nakakairitang mukha. AHHHHHHHH! My crazy stalker! Anong ginagawa niya dito? Hanggang dito ba naman walang patawad! Nakakainis na ah.

Umisip ako ng paraan para matigil na ang kabaliwan niya. Tumingin ako sa paligid ko. May nakita akong dalawang babae. Yung isa morena, yung isa maputi. Yung isa sobrang haba ng buhok, yung isa sakto lang. AH! Alam ko na. Mukhang mabait yung morena at sobrang haba ng buhok na babae. Siya na lang kunwari ang girlfriend ko. Sana pumayag siya.

Dali-dali akong lumapit sakanya at hinawakan yung kamay niya. Yup! Holding hands. Hahaha. Kapal ko lang eh, no. Kaso nung hinawakan ko siya, pilit niyang inaalis yung kamay niya kaya hinawakan ko siya ng mahigpit. Di na siya nakapalag. Hahah!

“Ano ba! Bitawan mo nga ako. Sino ka ba ha?” sigaw niya.

“Teka, mamaya na. Favor lang miss. Andyan yung crazy stalker ko. Kunwari girlfriend kita ha? Please? Please?” sabi ko. Nagmakaawa talaga ako para pumayag siya.

YES! Pumayag nga siya. Naglakad-lakad muna kami sa mall. Tumingin ulit ako sa paligid ko. Wala na yung stalker na yun. Inalis ko na yung kamay ko sakanya.

“Miss, salamat. Ge.” Sabi ko at umalis na. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pati sa sinabi ko. Obvious din sa mukha niya na galit na siya. Hahahah. Cute nya ah!

“Hoy, ang kapal mo ah! Kung sino ka man. User! Leche!” sigaw nya na sobrang lakas. Lahat ng tao ata tumingin sakanya eh. :)

Lumingon ako at nginitian lang siya. Nangaasar lang. Hahaha! Pero, cute niya pa din magalit. Sayang di ko natanong pangalan niya. Sino nga kaya siya?

Ella’s POV

Uh! What a day. Kakauwi lang namin ni Tammy. Nakakapagod ah. Humiga na lang agad ako. Pero, naiisip ko pa din yung lalake kanina sa mall. Ang gwapo niya kaya, pero medyo naiirita pa din ako sakanya. Kapal kasi. Pero, eto seryoso talaga. Pag nakita ko ulit sya, sasampalin ko siya!!

10 VOTES ♥

Twist of Fate: Book One (Dedicated to Kathniel)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora