BOOKONE: CHAPTER FOURTEEN

6.2K 58 7
                                    

AN: VOTE AND COMMENT PLEASE! ♥

TWIST OF FATE --- FOURTEEN

Ella’s POV

“Ella, una na ako ha! Kasabay mo naman si Patrick eh tska nakahiga ka pa nga dyan oh, late ka na.” mga salita ni Julia. Tuluyan na nga akong napatayo sa aking hinihigaan. ANONG SABI NIYA? Magkasabay kami ni Patrick? Eh pano naman mangyayari yun?

“Hoy, Ella. Tumayo ka na nga dyan. Late na tayo. Kupad mo talaga eh no.” sigaw ni Patrick na nasa may pintuan ng kwarto ko. Hindi ko namalayan ang tagal ko na palang nakatitig sa kawalan.

“Eto na nga eh. Excited much? Edi mauna ka na!” pasigaw ko ding sabi.

“FINE!” sabi ni Patrick sabay walk-out. Hala. Stupid mo Ella. Hinintay ka na nga niya eh tas aawayin mo pa. Tsk. Tumakbo ako papunta sakanya para habulin siya.

“Sorry na. Eto na nga maliligo na eh..” sabi ko. Nagmamakaawa. May puppy eyes effect pa. Tinignan lang niya ako. Seryoso siya ah? Mukhang nagtampo ata.

“Hindi mo talaga ako matiis no?” sabi niya. ARGH! Kairita! :-@ Best Actor. Hindi na ako sumagot pa. Pinalo ko lang siya sa braso at dumiretso na sa CR. Pagkatapos kong mag-ayos eh pumunta na kami sa school. Pagdating naming sa classroom biglang pinatawag si Patrick sa guidance office. Syempre lahat kami nagulat. Hindi naman laging may natatawag dun eh. Natatawag lang sa guidance pag may nagawa kang labag sa rules ng school.

“Gusto mo samahan kita?” tanong ko kay Patrick. Pwede namang maging concerned sakanya diba?

“Di na. Dito ka na lang.” sagot niya. Yinakap niya ako at umalis na papuntang guidance office. Anyareh kaya? Wala naman siyang naka-away? Ay! Si Christian pala. Pero ang tagal na nun ah?

Patrick’s POV

Kupad talaga nito ni Ella kumilos. Kaya laging late eh! HAYYYY! Sa wakas. Sakto lang pagkalate namin. Walang teacher. Pagdating namin sa classroom, pinatawag agad ako sa guidance office. HUWAW! Bakit kaya? Mahahalata mo sa mukha ko yung pagtataka. Nung tinignan ko si Ella, medyo nalungkot siya. Yiheeee. Concerned much? :)

“Gusto mo samahan kita?” tanong niya. Sabi na eh! Concerned. SWEET NI ELLA NGAYON AH!!

“Di na. Dito ka na lang.” sagot ko sabay yakap sakanya. Pagpunta ko sa guidance office nagulat ako sa nakita ko. Si Cassy with the same uniform as ours. HUH? Anong ibig sabihin nito?

“Good Morning Mrs. Santos! Pinapatawag niya daw po ako?” tanong ko sa head ng guidance.

“Ah, yes Mr. Rivero. This is Cassy. Pumunta siya dito kasi hindi ka daw niya makita. Ikaw lang yung kilala niya sa campus natin and she needs help. I-tour mo siya at ipakilala sa mga kaibigan mo.” sagot ni Mrs. Santos. Leche. Yun lang pala kailangan nitong ni Cassy pumunta pa siya dito sa guidance. Paka-brat talaga. Kaya ako nakipagbreak sakanya eh. Minsan may ugali din siyang hindi ko matiis na.

Pagdating naming sa room, pinakilala ko kaagad siya sa mga kaklase ko.

“Classmates, new student. Cassy.. Classmates. Classmates.. Cassy.” sabi ko at iniwan na siya. Umupo ako sa tabi ni Ella na halatang na-shock sa mga pangyayari.

“Classmate na natin siya Patrick?” tanong ni Ella.

“Oo. Wag kang mag-alala. Ikaw naman girlfriend ko eh.” sabi ko sabay akbay sakanya. WOW! Himala. Hindi siya naasar ah? Mas lumapit pa nga sya eh. :”>

Buong araw kaming nagkulitan ni Ella. Hindi nga kami mapaglayo eh. May something sa araw na ‘to, promise. Hindi naman ako ganito eh. Mas lalong hindi naman siya ganyan. Nakakapanibago yung sweetness niya pero kinikilig ako. :”>

Twist of Fate: Book One (Dedicated to Kathniel)Kde žijí příběhy. Začni objevovat