BOOKONE: CHAPTER TWO

8.3K 104 14
                                    

Hey, guys! I just want you to know that the faster I gain 5-10 votes per chapter, the better. You know why? Kasi mauupload ko na agad yung next chapter. :) So, please.. 5-10 votes.. That's all I'm asking. Thank you! Salamat sa mga nagvote sa last chapter. As I've promised, here's the next. :)  ♥

TWIST OF FATE --- TWO

Ella’s POV

First day of school! Ready na kami ni Tammy. :) Aga nga naming nagising eh. Haha. Pagdating namin sa school, diretso agad kami sa classroom. Andun na si Tikoy. Si Tikoy nga pala ang nagiisang lalaking kaibigan namin ni Tammy. Medyo may pagka-man hater kami eh. Pero si Tammy, parang nagiiba na pag tungkol sa mga boys. Sobrang close nila ni Tikoy eh. Feel ko.. feel ko lang naman ah! Feel ko, gusto ni Tams si Tikoy :) Pero, not sure pa. Haha.

“Tikoyyyyyyyyyyyy!!!” sigaw ni Tammy. Tignan niyo oh. Excited much! Dibaaa =)))

“Tamssssssssss!!” sigaw din ni Tikoy. Naghug silang dalawa ng sobrang hipit. Eh? Ano pong meron? Tska, nandto ako oh.

“Ahem.” kunwari inubo ako. Nagtaka silang dalawa at tinignan lang ako.

“Problema mo Ella? Hahaha. Ahem ka pa dyan ah.” tanong ni Tikoy.

“Eh kasi naman parang ang tagal niyong hindi nagkita. Maka-hug wagas? I smell something fishyyyy :)” sabi ko. Todo ngiti din eh.

“Hoy, Ella. Anong pinagsasabi mo dyan?” sabi ni Tammy. Tinulak ba naman ako! Guilty much po? Hihihi :”>

Tammy’s POV

“Tikoyyyyyyyyyyyy!!!” sigaw ko. Shocks! Parang ang OA ng sigaw ko ah? Hahaha.

“Tamssssssssss!!” sigaw ni Tikoy. AH! Yes. Nakisigaw din siya.

Secret lang natin ‘to ah? I like Tikoy. If you’d ask me why, hindi ko alam ang isasagot ko. Basta I like him eh. Kaya nga medyo special yung gift na hinanap ko para sa birthday niya. Hindi din naman sa nagmamayabang, pero feel ko like din niya ako eh! Haha. =))) Kapal. Pero, seryoso!!

“Ahem.” Sabi ni Ella. Hala. Nakakahalata na ba ‘tong si Ella? O____O

“Problema mo Ella? Hahaha. Ahem ka pa dyan ah.” Sabi ni Tikoy.

“Eh kasi naman parang ang tagal niyong hindi nagkita. Maka-hug wagas? I smell something fishyyyy :)” sabi ni Ella. Shit! Shit! Shit! Nahahalata na nga nya. What to do Tammyyyy :(

“Hoy, Ella. Anong pinagsasabi mo dyan?” sabi ko. Tinulak ko na lang siya para hindi masyadong obvious. Hihihi. Sana effective. Tsk. :)

Ella’s POV

Dumating na si Miss Ortega. Pinaupo niya kaming lahat. Buti na lang pwedeng hindi alphabetical kundi magkakalayo kami. :)

“Class. We have a new student. Please come in, Patrick.” Sabi ni Miss Ortega.

Lahat kami naexcite. Minsan lang kasi magkaroon ng new student dito sa school ko. Pagkapasok nung new student… OMG!!

ELLA: @____@


TAMMY: Q___Q

TIKOY: ?____?

Yep. Pati si Tikoy ganun din magreact. Sa totoo lang hindi niya naman alam kung bakit ganun yung mukha namin ni Tammy eh. Nakiki-gaya lang sya. Haha!

Anyway... Yung new student na si Patrick yung lecheng lalake na mas malala pa sa hayop na kung maka-chansing ng wagas sakin sa mall eh nandto sa harap ko. Nandito siya sa harapan ko! Leche! Leche talaga! Sa dinami-rami ng pwedeng pasukang eskwelahan, dito pa sa school ko? You’ve got to be kidding me. NOOOOOOOO!

Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Tumayo ako. Linapitan ko siya at..

*PAKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!*

OO, SINAMPAL KO SIYA. Sa harap ng buong klase at ni Miss Ortega.

“Ella!” sigaw ni Miss Ortega.

Nagulat ako. Dun lang ako natauhan na sinampal ko pala talaga si Patrick. Hindi yun panaginip lamang.

“Miss Ella, please follow me.” Sabi ni Miss Ortega.

Wala akong nagawa dahil ako naman ang may kasalanan.

“Ella, okay ka lang?” tanong ni Tammy.

“Okay lang ako. Kaya ko ‘to.” Sabi ko at sinundan na si Miss Ortega.

Patrick’s POV

New house, new school, new friends…. At new enemy? Oo, enemy. Nasa school ako ngayon. Pinakilala na ako ni Miss Ortega sa buong klase. Bago pa man ako makapagsalita para bumati man lang..

*PAKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!*

May sumampal sakin. ARAYYYYY! Ang sakit nun ah. Ang lakas pa ng pagkasampal niya. Tinignan ko yung babaeng sumampal sakin. Pamilyar siya. Ah! Alam ko na. Yung babae sa mall. Akala ko ba mabait siya, pero bakit niya ako sinampal? Weird niya ah! Shit, ang sakit tuloy ng pisngi ko. Feel ko namumula eh.

“Ella!” sigaw ni Miss Ortega. Pati siya nagulat sa ginawa sakin nung babae. Ah, so Ella pala pangalan niya ah!

“Miss Ella, please follow me.” Sabi ni Miss Ortega sakanya. Halatang naguilty siya sa ginawa niya kaya yumuko na lang siya.

Wow! What a way to welcome me. Tignan mo nga naman ang tadhana. Tsk tsk tsk. Humanda ka Miss Ella. Revenge is coming your way. :) Mwahahah.

Twist of Fate: Book One (Dedicated to Kathniel)Where stories live. Discover now