BOOKONE: SCRAPBOOK

5.7K 53 4
                                    

AN: Here's the scrapbook part from chapter twenty seven. Kanina magkasama 'to eh, pinaghiwalay ko lang ngayon. VOTE AND COMMENT!!!

SCRAPBOOK..

Sino ba namang makakalimot nung unang araw na nagkita tayo?

Sa mall yun diba? Kasama ko pa nga si Tammy eh!

Bigla na lang may humatak sa kamay ko.

“Favor lang miss. Andyan yung crazy stalker ko. Kunwari girlfriend kita ha? Please? Please?”

Iritang irita nga ako sayo nun eh! Bigla bigla na lang kasing hahawak sa kamay ko?

Kaya sabi ko sa sarili ko, pag nakita ulit kita.. SASAMPALIN KITA.

At ayun, nakita nga kita. Naging classmate pa nga kita eh!!

“PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK*

Syempre, sinampal din kita. Sabi ko nga diba sasampalin kita pag nakita ulit kita?

STUPID KO LANG KASI GINAWA KO YUN SA HARAP NI MISS.

I got my revenge on you pero na-karma naman agad ako. Na-guidance ako nang dahil sayo!!

Pero, isipin mo na lang din kung hindi ako yung hiningan mo ng favor sa mall?

Isipin mo na lang din kung hindi kita sinampal sa harap ni Miss?

Isipin mo na lang din kung hindi ako na-guidance nang dahil sayo?

Syempre, HINDI KITA MAKIKILALA.

Hindi mo ako gagawing cheerer mo sa basketball ng sapilitan..

Hindi mo ako gagawing utusan mo..

Hindi mo ako gagawing kunwaring girlfriend mo..

At higit sa lahat, hindi mo ko MAMAHALIN ng ganito.

Nung una, inis na inis ako sayo kaya malabong mainlove talaga ako.

Pero habang tumatagal, lumalabas ang ka-sweetan mo.

NAKSSSSSSSSSSS. Sweet ka pala Patrick eh. K. Wag feeler!!

Hinding-hindi ko malilimutan nung nag-enchanted kingdom tayo.

Ang sweet mo sakin nun eh!

Feel ko nga totoong boyfriend kita nun, pero syempre.. FEEL KO LANG NAMAN!

Hindi rin nagtagal, nagkasakitan tayo ng hindi natin nalalaman.

Oo, nagselos ako sainyo ni Cassy. Pero, aminin mo! Nagselos ka din samin ni Christian diba?

HAHAHAHAH =))))))))))))) Feeler din ako. BA’T BA :)

Nung sinabi ko sayong, itigil na natin ‘to.. YUN NA SIGURO ANG PINAKA-MISTAKE NA AYAW KO NANG BALIKAN PA.

Alam mo kung bakit?

Kasi dun ko napatunayan na mahal na nga kita talaga. ♥

Tas nalaman ko pang kayo na ulit ni Cassy.. <///////////////////3

Ilang beses akong umiyak sa CR nun! Kainis ka. :’(

Triny kong mag-think positive pero wa-epek.

Pinaka-masakit nung nalaman kong aalis ka na.

May despedida party ka nga on Saturday eh. Syempre, pupunta ako. Dala-dala itong gift na ‘to.

Pero bago ka man umalis, gusto kong malaman mo na..

MAHAL NA MAHAL KITA, PATRICK. ♥

Sana hindi mo ako kalimutan, kasi hinding hindi kita malilimutan!

Love, ELLA. ♥

---- END ----

Twist of Fate: Book One (Dedicated to Kathniel)Where stories live. Discover now