BOOKONE: CHAPTER EIGHT

6.6K 63 4
                                    

AN: Sa mga nagaabang, ito na po ang next chapter. VOTE AND COMMENT! ♥ Next update, tomorrow!! Hihihi. Abangan din natin ang Kathniel sa Growing Up bukas. Super nakakakilig sila swear.. :">

TWIST OF FATE --- EIGHT

Patrick’s POV

Since the day nung first basketball game, ang tahimik na ni Ella pag magkasama kami. Hindi na siya yung jolly person na una kong nakilala. Hindi na din siya nagtataray sakin. Minsan inaasar ko siya pero ngumingiti lang siya. Anyareh sakanya? Nahihiya naman akong tanungin. Baka sungitan lang niya ako. At tska baka mamaya kung anong isipin niya.

“Patrick.. May tanong ako.” sabi ni Ella. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya ah?

“Ano yun?” sabi ko.

“Bakit ako?” tanong niya.

“Anong ikaw?” sagot ko.

“Bakit ako yung babaeng naisipan mong hingan ng favor sa mall? Yung time na ano.. ah.. Basta yung mga time na yun. Bakit ako?” sabi niya. Seryosong seryoso ah? Hindi ako sanay!

Hmmm.. Oo nga no? Bakit nga ba siya? Parang hindi ko din naman alam.

“Bakit mo naman natanong Ella?” sabi ko.

“Hmm.. Wala lang. Ang dami din naman kasing babae nun sa mall. Pwedeng si Tammy or kung sino man. Tas ako pa.” sabi niya.

Ano kaya ibig sabihin ni Ella sa mga sinasabi niya? Tas bigla na lang siyang nagtatanong ng mga ganyan.

“Sa totoo lang, hindi ko talaga alam eh. Siguro dahil na din fate nating magkakilala. Tas tignan mo, magiging same din pala tayo ng eskwelahan. Parang destiny eh. Hahah. Feel ko tuloy soulmate kita.” sabi ko. Oo, nangaasar ako. Baka sakaling mapangiti ko siya eh.

“Hay nako Patrick! Seryoso kaya ako. Epal ka. Kairita. Ge.” sabi niya. Tumayo siya at biglang naglakad palayo sakin.

“Yes!! Naasar ka. WOOOOH =)))” sabi ko. Tinignan niya ako ng masama at pinalo sa braso. Ouch, sakit ah. Kung maasar ‘to wagas. “Pero alam mo Ella, namiss kong asarin ka. Swear. Buti na lang naasar ka nga.” Sabay akbay sakanya.

Ella’s POV

“Pero alam mo Ella, namiss kong asarin ka. Swear. Buti na lang naasar ka nga.” sabi ni Patrick.

ARGHHHH! Kapal ng mukha talaga. Sobrang kapal! :-@ Ay! Umakbay pa. Tsk. Ayan, inalis ko. Tinignan ko siya. Nakita kong ngumiti lang siya sabay alis papuntang somewhere. Wag na siyang bumalik. HAHAH :)

Habang tumatagal, mas lalo na akong napapalapit kay Patrick. Ayoko mang aminin pero masaya ako pag andyan siya sa tabi ko. Masaya ako pag inaasar niya ako. Kaso.. hindi naman ‘to magiging habang-buhay. Pano pag nagsawa na siya sa larong ‘to? Pano na ako?

“Ella!! Sis!!” sigaw ni Tammy.

“Tammy!! Miss na kitaaaa. :)” sabi ko. Hinug ko si Tammy ng mahigpit dahil hindi na kami masyadong nakakapag-bonding kahit pa magkasama lang kami sa isang bahay. Madalas na din kasi siyang wala eh. Sabi ni Mama, kasama niya daw si Tikoy.. KAINIS. Hindi man lang daw ba ako yayain?! HAHAH =))

“Miss na din kita. Grabe no. Pareho naman tayo ng inuuwian na bahay tapos di na tayo masyado nakakapag-usap.” sabi niya. Halata sakanya na sobrang naexcite talaga siya nung nakita niya ako.

“May sasabihin pala ako.. Hmm.. Promise ka muna na di ka magugulat?!” sabi niya.

“PROMISE” sabay taas ng kaliwang kamay.

“Okay.. Ah..Hmmm.. KAMI NA NI TIKOY.” sabi niya.

ELLA: OO_________OO

Like what I’ve promised, hindi ako magugulat. Pero pwede namang maging speechless diba? Wala akong masabi. SILA NA NI TIKOY. Ang bestfriend ko slash ang sister ko, meron ng boyfriend!! Ay, ako din pala meron na kaso syempre di naman totoo. Trip lang yun. Eh yung sakanila, totoo. OMG! :”>

“I’m happy for you Tammy!” sabi ko sabay hug ulit sakanya ng sobrang higpit.

“Thank you! Pareho na tayong may boyfriend. Ang saya!!” sabi niya.

“Huh? Hindi naman totoo yung akin eh. Ano ka ba :)” sabi ko.

“Eh, ganun na din yun. Malay mo ma-fall ka sakanya. Speaking of.. magkwento ka nga! Anyareh sainyo?” tanong niya.

“Hmm. Wala. Ganun pa din. Lakas pa din nya mang-asar.” sabi ko.

“Kilala kita Ella. Ano nga nangyayari sainyo?” tanong niya ulit. Si Tammy talaga, oh. Alam na alam pag may gumugulo sa isipan ko.

“Hmm.. Wala lang. Feel ko kasi pinaglalaruan kami ng tadhana. Sa ngayon, masaya ako pag kasama ko si Patrick. Masaya din ako pag inaasar niya ako. Pero syempre hindi ko maiwasang isipin na laro lang lahat ng to. Stupid ko kasi eh. Pumayag naman ako. Hindi ako lumaban. Dehado na din kasi ako. Pag lumaban pa ako, buong buhay ko ang irrisk ko. Ayoko naman nun.” sabi ko. Medyo naluluha na ako. Ang bigat na pala ng nararamdaman ko. Ngayon ko lang nailabas to. Hay.

Tinignan lang ako ni Tammy. Niyakap niya ulit ako. Isa yan sa mga gusto kong katangian ni Tammy. Pag alam niyang nasasaktan ako, pinapakinggan lang niya ako. Tas ittry niyang mapabuti ang nararamdaman ko.

“Ella, alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero, gusto ko lang malaman mo na pag lahat ng ito natapos na, andito pa din ako.. ready to hug you, ready to comfort you kahit na anong mangyari. Sister kaya kita!!” sabi niya.

“Salamat tammy.” sabi ko. Hindi ko na kinaya. Tuluyan na ngang bumuhos ang luha ko. Iyak ako ng iyak nang dumating si Patrick.

Patrick’s POV

Nakita ko si Ella at Tammy magkayakap. How sweet! Nung lumapit na ako, nawala ang mga ngiti sa aking mga labi. Nakita ko si Ella. Umiiyak siya. Dahil ba kaya sakin yun? Dahil ba nahihirapan na siya?

“Ahem..” sabi ko. Pagtungo ni Ella, nagulat siya dahil nakita niya ako. Pinunasan niya agad yung luha niya.

“Hoy, Patrick. Anong ginagawa mo dito ha?” sabi niya. Patuloy pa din niyang pinupunasan luha niya. Umiiwas din siya ng tingin sakin.

“Wala. Masama ba? Bakit ka umiiyak?” tanong ko.

“Ano bang paki-alam mo ha?” sabi niya. ANG TARAY :(

“Malamang, girlfriend kita kaya concerned ako sayo.” sabi ko.

“Mukha mo concerned. Epal ka. Bye.” sabi niya. Nagwalk-out pero napatigil ulit at lumingon. “Tammy, usap na lang tayo mamaya. Una na ako ha.”

“Tammy, ANONG PROBLEMA NI ELLA?” tanong ko kay Tammy. Syempre, nagtataka na ako. Labo.

“IKAW.” sabi ni Tammy. Ngumiti lang siya at umalis na din.

Ako? Ako ang problema ni Ella? Bakit naman? Bakit ako?

---- END ----

Twist of Fate: Book One (Dedicated to Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon