BOOKONE: CHAPTER TWENTY

5.8K 50 4
                                    

AN: You guys are such awesome readers!! ♥ Power hugggg >:D< Hihihi. Onga pala, yung update ko na chapter nineteen, kaninang madaling araw yun. Eh diba dapat kahapon? Nalimutan ko kasi kaya hinabol ko na lang. Hmmm. Ayun lang. ETO NA! Next update. VOTE AND COMMENT!! :)

TWIST OF FATE --- TWENTY

Ella’s POV

Sobrang saya ng field trip sa EK! Sana maulit yon!! Kasama ko pa si Tammy, Tikoy at Patrick. =)))) Grabe nga eh. Sobrang kinilig din ako sa ka-sweetan ni Patrick. Holding hands. Kiss. Hug. Akbay. You name it. :) Lahat nagawa na niya. DUGDUGDUG ♥ Yung puso ko!! Konti na lang malalaglag na. Hihihihi. <3

Ang dami ko nang iniisip. Hindi ko namalayan kanina pa ako nakangiti ng walang dahilan at tinatawag na din pala ako ni Tammy. Aalis na daw kami papuntang school. Ngayon na yung dance competition eh. Excited na nga ako eh! Pagsasayaw lang ang talent ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero magaling talaga akong sumayaw :)

“Eto na pababa na!!” sigaw ko kay Tammy.

Pagbaba ko, andun pala si Tikoy. Pero, teka.. BAKIT WALA SI PATRICK? Hmmm..

“Susunod na lang daw si Patrick. May inasikaso pa siya eh.” Sabi ni Tikoy.

“Huh? Ano naman kung wala si Patrick?” sagot ko. Yiheeee. Pakipot much. Chos!!

“Pakipot ka pa dyan eh halata namang hinahanap mo. Tara na nga.” Pangaasar ni Tikoy. Binatukan ko lang siya. Mang-asar daw ba!!

Dumating na kami sa school. Dumiretso agad kami sa multi-purpose hall kase andun na yung iba kong kaklase. Ayan, malapit na magstart yung program. Pero, wala pa din si Patrick. Tas naririnig ko sa mga kaklase ko na wala pa din daw si Cassy. Hindi kaya magkasama sila? Hmmm.. Baka di naman. Text ko kaya muna siya?!

CREATE NEW MESSAGE

To: PATRICK

HOY LOKO. ASAN KA NA?

From: ELLA

MESSAGE SENT

Ayan natext ko na siya. Sana naman magreply na kase start na oh! Pang-last group pa kami magpperfrom. Ang first ay sila Tammy. Ang sinayaw nila remix of songs. Galing ni bes oh! Halatang nagpapakitang gilas kay Tikoy na nanonood mula sa audience.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

OPENING NEW MESSAGE

To: ELLA

ELLA, HINDI AKO MAKAKAPUNTA. ANDITO AKO KELA CASSY EH. WALA YUNG MAGULANG NIYA TAS LINALAGNAT SIYA. PASABI NA LANG KAY SIR. SALAMAT.

From: PATRICK

END MESSAGE

<////////////////////////////////3 ANO DAW? MAGKASAMA SILA NI CASSY? HINDI SIYA MAKAKAPUNTA NGAYON? EH ITO NA NGA FINALS NAMIN FOR P.E TAS WALA SIYA DITO. K FINE. :’(

Medyo nawala ako sa mood pagkabasa ko nung text. Parang ayoko na nga sumayaw eh. Tsk. Nung field trip lang sakin siya sweet tas ngayon naman kay Cassy. Tama nga ang sinabi sakin ni Cassy dati. SI PATRICK AY ISANG MALAKING FLIRT.. :(

Patrick’s POV

Magkikita na sana kami ni Tikoy sa Ministop para sabay na sunduin sila Ella at Tammy kaso may biglang nagtext sakin.

OPENING NEW MESSAGE

To: PATRICK

PAAAT :( I’M SUPER SICK TODAY. MOM’S NOT HERE. COULD YOU COME OVER? CAN’T GET UP..

From: CASSY

END MESSAGE

Kaya ayun, dali-dali akong pumunta sakanila. Pagdating ko dun, nakatakip ng kumot si Cassy. Lamig na lamig siya. Nung hinawakan ko yung noo nya, sobrang init. Nung chineck ko yung temperature niya, 39. Nako. Kaya nagdesisyon ako na wag ng pumasok.

“Pat, thank you. Wag kang aalis ah?” sabi ni Cassy at tuluyan na ngang nakatulog.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

OPENING NEW MESSAGE

To: PATRICK

HOY LOKO. ASAN KA NA?

From: ELLA

END MESSAGE

Naksssss. Miss ata ako ni Ella ah? HAHAHAHAH =))) Tsk tsk. Finals pa naman ng dance competition ngayon. Sayang din kasi hindi ko siya mapapanood. Eh, kawawa din naman si Cassy. Wala siyang kasama dito.

CREAT NEW MESSAGE

To: ELLA

ELLA, HINDI AKO MAKAKAPUNTA. ANDITO AKO KELA CASSY EH. WALA YUNG MAGULANG NIYA TAS LINALAGNAT SIYA. PASABI NA LANG KAY SIR. SALAMAT.

From: PATRICK

MESSAGE SENT

Hindi ko namalayan, nakatulog na din ako sa tabi ni Cassy. Pero hindi ako nakahiga ah, yung ulo ko lang nakayuko sa kama niya. Andito ako kay Cassy pero yung utak ko iniisip si Ella. Ano kayang nangyari sa dance competition..

Ella’s POV

Tapos na yung dance competition. May after-party celebration daw tas libre ni Sir kasi nagustuhan niya yung mga performances namin. Halata daw na pinaghandaan. Nagtext pala tong si Patrick kay Tikoy na hahabol siya sa party. Kaso, parang ayoko na umattend eh. Wala na talaga ako sa mood.

“Tammy, una na ako ha. Medyo sumama talaga pakiramdam ko.” sabi ko.

“Ha? Osige, magpahinga ka ah! Ay, teka. Hindi mo na ba hihintayin si Patrick?” tanong niya.

“Baka hindi na eh. Una na ko. Bye. Enjoy kayo.” Sagot ko.

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kama ko. Humiga lang ako sandali. Next thing I know eh lumuluha na ako. K. ANG LABO KO TALAGA..

---- END ----

Twist of Fate: Book One (Dedicated to Kathniel)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora