BOOKONE: CHAPTER SEVEN

6.9K 76 24
                                    

AN: Hey guys! I'm back. :) Namiss niyo ba si Ella at Patrick? Hihi. ♥ Thank you po sa mga nag-comment sa last chapter at lalong lalo na sa mga nag-vote. Abangan niyo po update ko bukas. Pero.. ito muna ngayon. Happy Reading! :">

TWIST OF FATE --- SEVEN

Ella’s POV

Arghhhhhhhhhhh. Seryoso, gusto ko na umalis sa school na ‘to dahil kay Patrick. Leche. Feel na feel niya talaga akong utusan or utuin palagi. I really regret slapping him in the face. Ayan tuloy nangyari sakin.

Andito ako ngayon sa basketball court ng school. Sapilitang chinicheer si Patrick dahil nga diba GIRLFRIEND slash PERSONAL SLAVE daw niya ako. Nakakahiya talaga :( Pinasuot pa niya ako ng t-shirt na may nakalagay na; I AM YOUR NO. 1 FAN PATRICK!! As if naman fan niya talaga ako!!

“GO PATRICK!!” sigaw ko habang winewave yung banner na hawak ko. Ang sama nga ng tingin sakin ng ibang girls eh. Hay nako, kung alam niyo lang. Ayoko kaya sya i-cheer! ASDFGHJKL!! Inyong-inyo na siya.

*PRTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT*

Okay, time-out daw muna. Sa wakas medyo pahinga. Uh.

“Girlfriend!” sabi nung sumisigaw na lalake. Hindi ko namukhaan. Si Patrick naman pala. Lokong ‘to ah. Ano na naman kailangan nito?

Linapitan ko siya. Pilit na pilit talaga. Halata din sa mukha ko yung pagkairita at pagtataka. Tsk.

“Girlfriend ka dyan. Problema mo na naman Patrick? Baka pwedeng magpahinga sandali no?” sabi ko.

“Taray naman nito. Halika nga dito.” sabi ni Patrick. Hinila niya ako papunta sakanya at niyakap ng sobrang higpit.

ELLA: ?____? (SOBRANG NAGTATAKA)

PATRICK: ♥____♥ (NANGIINIS)

Bumitaw ako sakanya. Maka-PDA sa buong court? Leche. Lahat tuloy pinagtingnan kami.

“Maka-hug wagas?! Ano bang kailangan mo, ha?” tanong ko.

“IKAW.. kailangan ko.” sabi niya. OMGGGG. Dugduugdugdugdugdug. Ooops. Nagpapalpitate na naman puso ko.

Tinignan ko lang siya ng seryoso. Siguro nahalata niya ng sobra ang pagtataka ko sa sinabi niya.

“Ikaw naman! Di ka mabiro.” sabi niya at pinisil yung cheeks ko. Pinalo ko siya ng pinalo. Mang-asar daw ba? Arghhhh!!

“Hay nako Patrick. Bahala ka nga dyan!!” sabi ko. Tinalikuran ko na siya at patuloy na naglakad pabalik sa upuan ko. Kaso, hinabol niya ako. Yung mukha namin.. magkaharap sa isa’t isa. Dugdugdugdug. Hala. Puso ko na naman!!!

“Ano? Kinikilig ka na ba?” sabi niya. ARGHHHH! Ang kapal ng mukha. Lecheeeee. Tinulak ko siya ng malakas. Sa sobrang lakas, napaupo siya sa sahig. Nagulat ako. Grabe naman pwersa nun.

“Patrick! Sorry. Sorry talaga.” sabi ko. Nagmakaawa ako sakanya.

“Kiss muna?” sabi niya. KAIRITAAAAAAAAA :-@ Tinulak ko ulit siya at pumunta na sa upuan ko. Pagkaupo ko, napatingin ako sakanya. Yun pala nakatingin din siya sa akin. Kinindatan niya ako. Binelatan ko naman siya. Feeler much!!

Nagpatuloy na yung laro. Hindi ako makapagconcetrate. Ang dami palang chismosa sa school ko. Ang dami ko na din haters.

“Siya ba yan? Yung girlfriend daw ni Patrick?” sabi nung isang babae.

“Yes, girl. Ang panget diba? Yuck.” sabi nung isa ding babae.

“Hay nako girls. Don’t mind her. If I know, pinagttripan lang siya ni Patrick. She’s not worth Patrick’s heart and definitely not worth Patrick’s LOVE.” sabi pa nung isa.

Nalungkot ako sa narinig ko. Dahil lang close este girlfriend ako ni Patrick, ibbash na nila ako ng ganyan? Napaka-sama ng ugali. Hindi ko na lang sila pinansin. Pero, tama naman sila eh. Pinagttripan lang talaga ako ni Patrick. Tsk. Nawala na ang focus ko sa laro. Hindi ko na din na-cheer ng maayos si Patrick. Naka-upo lang ako pinapanood siya.

Nung natapos na ang laro nila, linapitan niya ako sa kinauupuan ko. Tahimik lang ako at nakatulala.

“Ella! HOY! Girlfriend!” sumisigaw na pala si Patrick hindi pa din ako tumitingin.

Pumunta siya sa harapan ko. Tinignan niya lang ako ng may halong pagtataka. Naramdaman niya ding malungkot ako kaya tinabihan niya na lang ako.

Patrick’s POV

First game ngayon ng basketball team versus ibang school. Syempre, pinilit kong manood si Ella. HAHAHAH =))) Ang cute nya ngayon, infairness. Pinasuot ko siya ng t-shirt na may nakalagay na; I AM YOUR NO. 1 FAN PATRICK!!

“GO PATRICK!!” sigaw ni Ella. Parang hustler lang ang boses ah! Dinig na dinig sa buong court. Pero, cute nya pa din. Nung narinig ko din yung cheer nya, ginanahan akong maglaro. There’s something in her na nakakatuwa.

Nag time-out yung kabilang team. Asan na ba yung si Ella? Hindi ko siya matanaw--- ay! Ayun pala siya.

“Girlfriend!” sigaw ko. Hindi pa ata niya alam na ako yun. Infairness ah. Yung stupidity niya, ang cute! HAHAHA. Yabang ko.

“Girlfriend ka dyan. Problema mo na naman Patrick? Baka pwedeng magpahinga sandali no?” sabi niya. Ang taray ah! Kaya ayan, hinug ko siya.

*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*

WOAHHHHHHHHH! Yung puso ko. Anyareh? Anyareh? Anyareh? Kaso natigil din agad dahil bumitaw siya. Tinalikuran niya ako at naglakad palayo sakin. Hoy, hindi ka pwede magwalk out sa isang Patrick. Tsk.

Hinabol ko siya at sinadya na lapitan ang mukha niya. Magkaharap mga mukha naming ngayon. Nakita ko sakanya, nagblush siya. SWEAR!

“Ano? Kinikilig ka na ba?” sabi ko na may halong pangaasar. Kaso.. tinulak niya ako! Sa sobrang lakas ng pagkatulak niya, napaupo ako sa sahig. Ouch. Sakit nun ah!

“Patrick! Sorry. Sorry talaga.” sabi niya.

“Kiss muna?” sabi ko. Nainis na naman siya kaya tinulak niya ulit ako. HAHAHA =))) Cute ni Ella!! Este.. ng girlfriend kooo :)

Nagpatuloy ang game. Kaso, ang tahimik na ni Ella. Hindi ko na naririnig yung cheer niya sakin. Sinulyapan ko siya mula sa audience at nakita kong medyo malungkot siya. Parang kanina lang ang saya-saya niya ah? Ano kaya nangyari sakanya?

Pagkatapos ng laro, dumiretso agad ako sakanya.

“Ella! HOY! Girlfriend!” sigaw ko. Hindi pa din niya ako linilingon kaya humarap ulit ako sakanya. No reaction pa din si Ella kahit medyo nangaasar na ako. Malungkot pa din siya. Ano nga kaya ang problema ni Ella?

Naramdaman kong wala siya sa mood kaya tinabihan ko na lang siya. Baka sapat na ‘to para ma-comfort ko siya.

---- END ----

Twist of Fate: Book One (Dedicated to Kathniel)Where stories live. Discover now