Chapter 1

4.6K 67 7
                                    

"Aling Ana!" sigaw ni Gary sa matanda. "Ssshh... wag ka ngang maingay Gary. Patapos na yung meeting ng mga coordinator. Baka nariyan na ang grasya mula sa tatakbong konsehal!" bulong naman ng matanda. Sa isang silid nama'y nasilip nila ang mga tao doon na nagsisimula ng mag-ayos ng pera na inipit sa fliers para hindi makahalata.

"Halla. Bawal vote buying!"

"Sayang naman ang isang libo. Pang bili ng ulam at bigas para sa Isang linggo..."

"Naku Aling Ana! Pumila na tayo,baka mahuli pa!"

"Ikaw talagang bata ka!" natatawang puna ng matanda at pumila na.

MULA naman sa malayo ay tanaw na tanaw ni Keji,ang tumatakbong konsehal at ang bumibili ng boto ang kanyang mga kababayan na pumipila.Hindi mahahalata ang ganitong ganap dahil sa impluwensiya na rin ng kandidato. Binalak niyang tumakbo dahil na rin sa kagustuhan ng ama na tumatakbong Mayor ng kanilang bayan.

Palingon-lingon naman ang binata at nahagip ng mata ang isang binatilyo. Hindi niya alam kung bakit ngunit nakaramdam siya ng pagka-interesado dito.

"Pare,kilala mo ba yung lalaking yun? Sa bandang unahan. Yung payatot na mga nasa 5'11" ang tangkad?" tanong ni Keji sa kapitan ng baranggay at kaniya ring kaibigan na si Mark. "Oo Pare,si Gary. Masipag yan. Suki nga 'yan ng opisina eh!"sagot ni kapitan. "Suki?" Balik tanong naman nito.

"I mean lagi yang may nahuhuling batang magnanakaw O mga binatilyong nag-so-solvent. Pati nga yung asawa ni Aling Ana na katabi niya ngayon,napakulong niya. Palibhasa binubugbug ba naman kasi yung matanda.Ayun! Di na nakapagpigil yang si Gary. Binugbog niya na din yung lalaki. Kung hindi, baka kung anong masama na ang nangyari kay Aling Ana. Buti na lang meron si Gary!" tila giliw na giliw namang kwento nito na nagpangiti sa kandidato.

"Buti nakaya niyang bugbugin yun?"

"Ah. Yung tatay niya nung nabubuhay pa,tinuruan siyang makipaglaban."

"Patay na yung tatay niya?"

"Teka Keji. Bakit Mukhang interesado tayo kay Gary ha?"mapanuksong tanong nito ngunit nakatanggap lamang siya ng masamang tingin. "Easy Bro! Ulila na 'yan. Pinatay yung tatay niya isang gabi sa loob ng bahay nila. 3 years ago."

"Pare, paano kaya kapag kinuha ko siyang personal body guard ko? Lalo na ngayon. Sa sitwasyon ko."

"Ay Naku Pare! Sakto. Naghahanap pa man din yan ngayon ng raket. Sandali at tawagin ko."

NAGULAT naman si Gary ng tawagin siya ng kapitan. "Kap,naku po. Waka po akong kinalaman dito!" at pilit binabawi ang kamay. "Hahaha! Pinapatawag ka ni konsehal. Mukhang may raket na iaalok!" Excited na sabi nito. Tuwang tuwa naman si Gary sa narinig.

NAGULAT naman si Gary ng makita ang makisig na hapon na nakaupo sa sofa sa loob ng silid. Napalingo ng Ito sa kaniya at nakipagtitigan. Tiningnan siya ng binata mula paa,pataas. Tumayo naman ng tuwod si Gary at bahagyang tumaas ang kilay.

Tingin ng konsehal na to?

"Oh! Sigurado ka bang lalaki ka Gary? Kung 'di dahil sa ayos mo. At buhok mo,akala ko babae ka na. Pero ang gwapo mo ha. Hahaha!" pansin ni Keji.

Bigla namang tinakasan ng kulay ang mukha ni Gary at nawalan ng emosyon."Ma-walang galang na po. Pero nakakabastos naman po yata yan sa pagkala-la-lalaki ko..." kabadong sagot naman ni Gary.

"Pare,crush mo ba si Gary?"natatawang tanong ni Mark. "Gago!"

"Anyway,dahil eleksyon na. Alam mo naman siguro kung gaano ka-delikado buhay naming mga politiko. Maaari ba kitang kuning personal body guard?" diretsong tanong ni Keji.

"Bakit ako?"

"Hmm. Kasi hindi siya?"pilosopong sagot nito. Nang akmang aalis na si Gary ay kaagad siyang tumayo at pinigilan ito. "Hey! Biro lang. Ano kasi. I knew you're finding a job. And... I'm here to offer you."

"Maraming ibang trabaho diyan."malamig pa din ang pakikitungo nito."10,000 per month."

"Look Mister. Hindi. Ako. Interesado." Madiing sagot nito.

"Huh? But why?"

Ang hirap namang kumbinsihin tong taong 'to.

"Ayaw kong napapalapit sa mga politiko."

"Gary,why won't you try it?" Tanong naman ng kapitan.

Sasagot na sana si Gary Nang may maramdamang kakaiba.Tumingin siya sa bintana at napansing may tao sa puno

Teka...baril ba 'yon?

"Earth to--"naputol ang sasabihin ni Keji nang sumigaw si Gary.

"Shit! Yuko!"

Dahil na rin sa gulat ay kaagad silang napayuko at dire-diretsong putok ng baril ang narinig. Kaagad namang rumispunda ang mga tanod at pulis sa nangyari.

Maya-maya pa'y huminto na ang putukan."Gary, stay here with Keji." Utos sa kaniya ni kapitan at kaagad na chineck ang nangyari.

"See..."Kabadong banggit ni Keji.

"Ah. Kasi duwag ka."parang walang sagot naman nito. "What?! Nagulat lang ako!" Hindi na lang umimik si Gary sa reaksyon nito.

"Wait. How'd you know na may magbabaril sa 'kin?" Tanong nito. "Nakita ko."

"Paano? Saan?"

"Sa bintana. Sa may puno."

"Then please,be my bodyguard."

"Alam mo. Pwede ka nanang kumuha ng mga well-trained. Huwag ako."May halong inis nitong sabi. "Ikaw. Kaya mo na 'yan."

"No."

"20,000."

"Hindi."

"30,000."

"Ayaw."

"Aist. 50,000! Free food And shelter! For a the whole months!" Asar na Asar na ang binata. Gusto niya sa na itong maging bodyguard dahil hindi niya din alam.

Ayos 'to Gary.

"Pag-iisipan ko." Nakangising sagot nito.

"Ilang taon ka na ba,Gary?"

"Bente tres."

"Oh. Bente kwatro na ako. Di malayong magkasundo tayo kapag pumayag ka sa alok ko. Ito calling card ko,give me a ring if you accept my offer. Okay I'll go now."






Purpleskyempress

That WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon