Chapter 4

1K 33 1
                                    

Natapos na ang maghapon ng nakasimangot si Keji. Hindi niya lubos maisip na isang bodyguard lamang ang manlalait sa kaniyang pinta.

"Boss! Pwede na akong umuwi?"-tanong ni Gary.

"Okay,but I'm coming with you. Kunin mo na mga gamit mo and tonight will be the start of living with me."-kalmadong sagot naman ng binata. Pumunta na sila sa parking lot kung saan naroon ang kanilang mga sasakyan.

"Sunod ka na lang Boss. Nakamotor ako."-sabi ni Gary at nauna ng kinuha ang motor.

So manipulative. Tss.

Pasado alas-sais na nang makarating ang dalawa sa bahay ni Gary. "You're alone?" Tanong ng binata nang makapasok sa loob ng bahay.

"Nope."

"Oh. Really?"

"Yeah. Dalawa kami ng tatay ko. Andiyan lang yun. Upo ka muna,kunin ko lang mg gamit ko."sabi nito at kaagad ding umalis.

"WHAT THE HELL!" Sigaw ni Keji ng maalalng patay na pala ang ama nito.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na si Gary at naabutang kumakain ng gawa nitong cupcake si Keji.

"Sorry. Nagutom ako. Kinuha ko na sa ref mo. Anyway,it's delicious. Gawa mo?"

"Ah no. Nabili ko lang." pagsisinungaing niya at dumiretso sa kusina at kinuha lahat ng pagkain sa ref.

"What are you doing?"

"Boss,palagyan na lang ng ref yung kwarto ko. Paglalagyan ko ng pagkain ko,gutumin kasi ako pag madaling araw." Sabi nito at nakita naman si Keji na nagtitipa sa kaniyang phone.

"There's a double-door refrigerator at my house. You can use it."

"Ayaw."

"Tara na nga."

Isinara na ni Gary ang bahay at sumunod sa kaniyang amo. Nilagay niya naman lahat ng gamit sa compartment ng kotse at pumunta na sa kaniyang motor.

"Don't bring that. Hindi mo rin lang magagamit. Here, ikaw magmaneho, sa may Villa Alta Subdivision."-sabi ni Keji at hinagis kay Gary ang susi at kaagad namang sinalo. Hindi na.siya umangal pa at inayos ang motor sa garahe bago isara ang gate. Nauna naman nang sumakay ang binata sa kotse na sinundan naman ni Gary. Mabuti na lamang at Taxi Driver ang kaniyang ama at kahit papaano'y naturuan ding magmaneho ng sasakyan.

"I'm hungry. Ihinto mo muna sa restaurant na makita mo." Utos ni Keji at hininto naman ni Gary ng makita ang isang Italian Restaurant.

Pagkapasok nila sa loob ay nakita nilang kakaunti ang mga tao dahil na rin siguro sa kamahalan sa lugar na iyon.

"Here's the menu,Sir." Sabi ng isamg crew na wagas kung makangiti kay Gary.

Hanggang dito ba namaaaaan!

Iniabot ni Gary ang menu sa amo ngunit tinanggihan nito.

"Just the best seller. Choose what you want Gary." Sabi ni Keji.

"Fried shrimp,Garlic Rice and beef broccoli,Miss." Sagot nito at nginitian ang crew.

"Stop flirting,Gary." Malamig na utal ng kaniyang amo.

"Hindi naman ho,boss." Sabi ni Gary habang hawak ang cellphone. Maya-maya pa'y nakatanggap siya ng tawag mula kay Gale.

"Hi baaaaabe!-" Napairap na lamang si Gary sa bungad ng kaniyang kaibigan.

"What do you need,Gale?" Malamig na sagot nito. Si Keji naman ay pasimpleng nakikinig sa usapan ng dalawa.

"I'm on work-I'm sorry but I think I can't work there--Gale,stop it--Yeah,Yeah-Magkikita pa tayo kaya wag kang hibang--okay,take care. Bye." Napataas naman ng kilay si Gary nang napagtantong nakikinig ang amo.

Hindi niya na lamang ito pinansin dahil dumating na rin ang pagkain. Habang kumakain ay pasulyap-sulyap si Keji kay Gary na nakakunot ang noo dahil sa kinakaing hipon.

Wow. Marunong sa proper etiquette sa mga ganitong restaurant? Ugh. I forgot,HRM graduate pala siya.

"Excuse me,Miss. Can I have a toyomansi please,thanks." Tawag nito sa isang crew.

"Why?" Takang tanong ni Keji.

"May kulang sa lasa. Hindi match yung alat at tamis ng hipon." Sagot nito. Napatango na lamang si Keji.

Si Gary muli ang nagdrive sa sasakyan. Nang mapansing naantok na ang amo ay nagtanong ito.

"Boss,saan sa Villa Alta ang bahay niyo?" Tanong nito.

"Diretsuhin mo lang yung kantong papasaukan mo tapos kumanan ka,yung nag-iisang bahay na malayo sa kapitbahay." Inaantok na sabi nito habang hawak ang sentido. Kinapa naman ni Gary ang bulsa at kinuha ang white flower na lagi niyang dala at inabot sa amo.

"What's this?" Tanong ni Keji habang nakatingin sa isang pulgadang laki na bote.

"Ointment boss,may migraine kasi ako kaya may ganiyan ako. Magpahid na lang kayo ng kaunti sa noo ninyo at amuy-amuyin niyo na rin ho." Paliwanag niya.

"Oookay..." Nalilito man ay sinunod pa rin ang sabi ng body guard at kahit papaano'y naginhawaan naman ito.

Nagtatakang tinignan ni Gary ang amo ng makarating na sa mansiyon. Nakanguso ito ay pabulong-bulong.

"Hmmm... Gary..." Bulong nito. Mas lalong napakunot naman ang noo ni Gary.

"Boss... gising na..." Malumanay na sabi ni Gary. Umayos ng upo si Gary nang unti-unting minumulat ni Keji ang kaniyang mata. Lumabas naman na si Gary at nilabas ang mga gamit.

Parang babae. Is that Gary?

"Sumunod ka na lang Gary." Sabi ng binata at nauna ng lumakad. Si Gary nama'y nilibot ang mata sa buong bahay. Malaki ito para sa isang tao. Ito ay may tatlong palapag lamang at temang Pinoy ang disenyo. May mga muwebles na gawa ng mga taga-Mindanao at mga pinta ng mga sikat na pintor ng Pilipinas.

"Ito ang kwarto ko. Yung tabi'y sayo. Mas maganda ng mas malapit para kung may mangyari ay madali mokong mapupuntahan. Mauna ka na,inaantok na talaga ako. Feel at home,Gary. Goodnight." Paalam ng binata. Si Gary naman at patango-tango lang at dumiretso na sa silid na binanggit ng amo.

Nang pumasok ay agad nakita ang ref na nirequest. Binaba niya ng ang mga gamit at kinuha ang mga pagkaing dala at nilagay sa ref.

What the hell. May space pa kaya kung punong-puno na?






Purpleskyempress

That WomanWhere stories live. Discover now