Chapter 3

1.2K 40 2
                                    

Busy na nagchecheck si Keji ng mga ng mga botante nang magring ang telepono. Kaagad niya rin naman itong sinagot.

"Hello?"bati ni Keji ngunit walang natanggap na sagot mula sa kabilang linya. "Kung pinagtitrip--"pinutol ang sasabihin ni Keji ng kausap.

"It's Gary. Kailan ako pwedeng magsubmit ng resume?"

Tignan mo nga naman Keji boy. Tatanggapin niya rin pala eh.

"Pwede na ngayon."

"Saan?"

"I'm here at our company. Meet me here in my office." Ang magulang ni Keji ay kilala din bilang Tycoon Businessmen sa buong bansa.Ang kumpanya nila ang nagsusupply ng mga gulay sa buong probinsiya. Sila din ang nag-eexport at nag-iimport ng mga bigas o palay at mga prutas at gulay sa loob at labas ng bansa. Ang kumpanyang ito ay ipinamana na kay Keji bilang panganay sa tatlong magkakapatid.

"Copy."sagot ni Gary at binaba na ang tawag.

What the fuck?! Sino siya para babaan ako?

Ngingiti ngiti naman si Gary habang iniisip ang reaksiyon ng kausap. Kinuha na niya ang resume niya at sumakay na sa motorsiklo at pumunta na sa opisina ni Keji.

Ipinarada na niya ang sasakyan at pumasok sa loob ng gusali. Ang gusali ay mayroon lamang dalawampung palapag. Modern European ang Interior Design ng gusali. Sa labas nama'y puro glass at tanaw na tanaw ang malaking S na simbolo ng kumpanya na hango sa apelyido nila na Shin.

Pumunta si Gary sa Front Desk at binati naman siya. "Good morning Sir,how may I help you?"todo ngiting tanong nito.

"Looking for Mister Keji Hans Shin?"nakangiti rin na tanong nito na nagpalitaw sa malalim na biloy nito sa kanang pisngi.

Omaygad! Boyfriend ba siya ni Sir?!

"Hey...Miss?"at kumaway kaway  pa si Gary dahil nakatulala na lamang ito.

"Ah-ahm.Is there any appointment to him Sir?"

"Yeah. Applying for a job."

"What is your name Sir?"

"Gary Martinez."

"Okay Sir. I will just call his secretary. Just wait for a minute."tinawagan niya ang sekretarya ng amo at sinabi ang pakay nito.

"Sir Gary,he's at his office right now. 18th floor. Right side. The only door."

"Okay. Thank you."

Ang pogiiii mo Gary! Yieee. Kebese ng pente.

Dumiretso na si Gary sa elevator at binuksan ito. Isasara na sana siya ng may lalaking sumigaw.

"Hey! Wait!" At dali-daling pumasok sa loob bago pa masarahan.

Pumagilid naman si Gary nang mapindot ang floor na pupuntahan. Napansin niya namang sa 15th floor ang punta ng kasabay.

Tahimik lang sila sa loob. Nakikita niya naman sa repleksyon na panaka-nakang tumitingin sa kaniya ang lalaki. Hindi niya na lang ito pinansin.

Nauna ng lumabas ang lalaki dahil si Gary ay sa 18th floor pa. Nang bumukas na ang elevator ay dumiretso si Gary sa sinabi ng receptionist kanina. Nakita niya naman ang isang babaeng naka-office suit. Maliit ito at maputi. Lumapit siya dito at nalamang sekretarya siya ni Keji ayon na rin sa kaniyang ID.

"Hi Sir! You must be Gary Martinez?"bungad ng sekretarya na todo naman ang ngiti. Sinuklian naman 'yun ni Gary. "Yeah. Andiyan ba si Mr. Shin?"

"I'm Mika by the way Sir. Nasa loob po siya. Pasok na po kayo,he's waiting for you."

"Okay. Thank you."

Binuksan niya na ang pinto at nakita si Keji na nakaharap sa glass wall kaya likod nito ang bumungad sa kaniya.

"Hindi ka ba marunong kumatok?"Humarap ang binata at naupo sa kaniyang swivel chair.

"Marunong."sagot nito at umupo sa visitor's chair at nilagay ang folder sa lamesa.

"Tss. Sa susunod kumatok ka. At umupo ka lang sa oras na sinabi ko!"

"Sesante na ba ako?"

"Hindi! Here's the contract. Just sign it."

Business Contract

I,Gary Martinez,the new bodyguard of Keji Hans Shin will approve and follow to his orders. I will do everything just to protect him---

"Ayoko."sabi nito at hindi na tinapos basahin ang kontrata.

What the hell is this shit?! Para bodyguard lang may pagani-ganito pang nalalaman!

"But why? Just to make it clear,paano kapag namatay ka tapos hindi mo naman ginusto 'yan. Multuhin mo pa ako!"ngingisi niyang sabihin. Tinitigan siya ni Gary. Parang mata sa mata,lalaki sa lalaki ang kaso babae nga siya.

"Easy Man! Haha. Just stay with me wherever I go and whenever I need you."

"How about the weekend?"

"Only Sunday."

"Normal work hours?"

"No,24/6."

"What?! What do you mean?"

Okay,good in English.

"You'll staying in my place . Like what I have said a while ago,stay with me and of course,do your job."pormal na sabi nito.

"Until when? Hanggang eleksyon?"

"Yeah. And 3 months from now 'yun."bored na sabi ni Keji habang tinitignan si Gary.Natahimik naman si Gary habang nakakunot ang noo.

"Ow. So nakapagtapos ka rin pala? At sa isang private school pa." Patango-tango na sabi ni Keji na nakapagpataas ng kilay ni Gary. Walang natanggap na sagot si Keji kaya tiningnan niya ito.

"Ah. Sorry if I offend you--"

"Working student. Tignan mo na lang diyan mga naging trabaho ko."

"A bartender,teacher's assistant,crew at a cafe,librarian's assistant,

"Kailan ako magsisimula?"tanong nito na nagpataas ng kilay ni Keji.

"Now."nakangising sagot naman nito ngunit kaagad 'ding nawala nang marinig ang sagot ni Gary.

"Okay."

"Okay lang?"

"Okay Boss."




Nakaupo lang si Gary sa sofa sa harap ng office table ni Keji. Abala naman ang binata sa pagpirma ng mga papeles na kailangang pirmahan at nag-aayos na din ng iba pang dokumento. Samantalang si Gary ay pasimpleng inobserbahan ang opisina.

Tae! Kasing lawak na ng bahay namin tong opisina ni Boss ah!

Malawak ang opisina ni Keji. Glass wall naman ang nagsilbing pader nito. Kaya naman kitang kita ang mga katabing gusali nito at dahik sila ay nasa mataas na parte,halos kita na rin dito ang buong bayan sa gawing iyon. Sa kanan naman ni Gary ay makikita niya ang dalawang pintuan,sa tingin niya ay banyo ang isa at personal pantry naman ang kabila. Sa gilid nito ay may tatlong painting na magkakadikit,isa itong Abstract painting. Tinitigan niya yon at biglang nabaling ang tingin sa nagsalita.

"Sa tingin mo ano yan?"sa tanong ng binata ay napaisip si Gary.

"Isang palaka na naggigitara."sagot nito na ikinanuot ng noo ni Keji.

"What?! Paano naman?!"

Bakit nagagalit ito?

"Yung shape niya."

What the fuck?! Ako nagpaint nun!





Purpleskyempress

That WomanWhere stories live. Discover now