Chapter 15

858 23 0
                                    


"B-Boss..."

"Tita Suzanne's looking for you, Noah. Bumaba ka na lang kapag tapos na kayong mag-...usap." Tumalikod na siya pagkatapos sabihin iyon. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. I saw his eyes full of disappointments and... disgust?

"Bakit ka ba kasi nangyayakap? At anong pinagsasabi mong Ariela? Si Althea yun di ba?!" I shouted and stepped back away from him. Panigurado iisipin ni Keji na bakla ako. Just what the fuck.

"Kasi kailangan mo ng yakap ko. Kasi ikaw si Ariela. " Nakangiti niyang sinabi. "You are the real Princess Gand Ariela Cruz Navarro of Suzanne Cruz and Garry Navarro." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. Hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalambot ang aking mga tuhod at ramdam ko ang tensyon na nabubuo sa aking kalooban. Napalunok ako at tinitigan siya.

"P-Paano mo nalaman?"

"Two decades ago. May dalawang bata na naglalaro sa parke. Isang babae at lalaki. Masaya silang naghahabulan. Sa likod ng puno, may isang malungkot na lalaki na nakamasid sa dalawa. Siya ang anak ng namayapang labandera ng Mayor ng Bayan. Nais niyang sumali ngunit hindi siya pinayagan ng lalaki sapagkat sinabing ang atensyon ng batang babae ay dapat sa kaniya lang. Maya-maya pa ma'y isang van na huminto at sapilitang kinuha ang batang babae. Nanlaban ang kalaro nito at pilit binabawi ang kaibigan. Samantalang ang batang lalaki na nagtatago sa puno ay hindi alam ang gagawin, kung hihingi ba siya ng tulong o tutulungang wag makuha ang batang babae. Ang alam na lang niya'y lulan na siya ng van at tahimik na nagtatago sa likod nito."

"Let me go! You Goons! " Mahigpit ang hawak nila sa mga kamay ko. It huuurts! I want to call my Mom! She'll save mee!

"Bitawan niyo siya!" galit na sigaw ng isang batang lalaki. Pamilyar ang boses niya. Lumingon kaming lahat kung saan nanggaling ang boses ng bata.

"N-noah... Noah heeeelllppp!" I shouted. Sigaw ako ng sigaw ng nakita kong kinuha din siya ng mfa bad guy at tinali. Nawalan ito ng malay dahil may pinaamoy dito. Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak.

Nagising ako dahil may tumatawag sa pangalan ko. Nakatulog pala ako sa kakakaiyak. Pinalibot ko ang tingin ko sa loob ng silid. Lumang kagamitan. Puting pader. May mga nakatambak na oxygen. Nasa abandonadong hospital kami. Hinanap ko si Noah na kanina'y nasa upuang nasa harap ko ngunit ngayon ay wala na. Kinabahan ako.

"A-Ariela... Princess... Itatakas kita dito." bulong ni Noah. Nasa likuran ko siya. Pilit na kinakalas ang tali sa mga kamay ko. "Iikot-ikot mo ang kamay mo. Tiisin mo ang sakit. Kapag lumuwang na pilitin mong tanggalin. Tutulungan kita. Tatakas tayo." sinunod ko ang sinabi niya. Napapaiyak ako sa sakit tuwing iniikot ko kamay ko sa lubid. Nang makawala ay kaagad niya akong hinila papunta sa isang pintuan. Nalaman ko na banyo ito. Umakyat si Noah.

"W-hat are you doing?"

"Tatalon tayo dito, Princess. Kailangan nating tumakas." Nasira niya ang bintana kasabay ng mga putukan. I almost shouted pero kaagad kong pinigilan. Baka may makarinig. "Ayan Princess. Wala na, tutulungan kitang umakyat tapos tatalon ka. Kung ano man ang kakabagsakan mo alam kong makakaligtas ka." Umakyat ako pero bago pa ako makatapak sa bintana ay may malalakas na bisig ang humila sakin. Napahiyaw ako.

"Bitawan niyo siya!" Sigaw ni Noah. May bad guy na humila sa kaniya at pinaghiwalay kami.

Kinilabutan ako sa naalala. Tiningnan ko iya. Nanghihina pa rin ako.

"I tried to save you, my Princess. Pero kinuha ka noong lalaki. Pilit akong tumatakas sa mga kumuha sakin. Namalayan ko na lang na ma'y mga kumalaban dito at pinatay sila. May isang lalaki na nagligtas sa akin. Ang pangalan niya'y Garry Navarro. Ang iyong tunay na ama. Alam niya na may anak siya kay Ninang Suzanne ngunit hindi siya makalapit dito dahil sa higpit ni Eduardo. Ni hindi niya man lang alam kung ano ang gender ng anak nila. He thought I am his child but I told him I am not. Pinalaki niya ako bilang isang anak sa America. Makalipas ang tatlong taon, nalaman niya na ang dating guard mo ang lumigtas sayo. Binalak niyang kunin ka ngunit malalaman nila Eduardo na buhay ka pa dahil may mga nakabantay sa ama mo. He know that there are traitors surrounds him. Hindi niya lang malaman kung sino. But he is protecting you from the very start. And I am here not just because I owe him my life but because I promised to myself that I'll protect you."

"B-but why... B-bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Eduardo's moving. He knew you're alive. Hindi sana namin balak na ipaalam sa iyo ang lahat hangga't hindi pa nahuhuli si Eduardo. Pero sa nangyari sa Mama mo at sa mga threat na natatanggap ni Keji, alam naming kikilos ka. And we don't want you to do that alone. Masiyadong delikado."

"N-no. I can handle! Kilala mo lang kung sino ako but you don't know anything aside from me being the pretended son of my deceased father. " matigas kong sabi. No. Walang makakapigil sakin. Ipaghihiganti ko ang Mama ko. Hindi simpleng biro ang ginawa niya. Pati ang pagdukot sakin noon. Sa kamay ko siya maghihirap.

"You are the mysterious chef of KID and the owner of Peraismós. And a stockholder of La Tierra de Vilma. Gary... Please. Hindi birong tao si Eduardo. Magtiwala ka samin. Mahuhuli namin siya." Pakiusap niya. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. "I am an agent. My team hold the case of Mr. Eduardo Alejo. He is nowhere to be found after the bomb explosion happened to his mansion. May kumalat na balita na siya ang leader ng Phi. It is the 21st letter in Greek Alphabet. It is also an organization kung saan binubuo ng mga terorista ng Greece, they sell drugs, nasangkot na rin sila sa human trafficking, rapes, kidnapping at iba pa. They are the most wanted organization in Greece. Eduardo Philip Carpio Alejo is the leader of Phi. Mas lumakas ang kanilang kapangyarihan nang pumanig sila sa mga Rebelde ng Russia."

Naguguluhan ako. Ano ang pinagsasabi niya? Philip Carpio... Pamilyar ang pangalan niya.

"B-but paanong nangyaring nasangkot si Eduardo sa ganoong grupo?"

" Eduardo's the illegitimate son of Elyssa Carpio-Marquez and Philip Alejo. Lumaki siya na hindi kapiling ang tunay na ama at ang pamilyang Marquez ang kinilalang pamilya. Nang makalaya siya, kinuha siya ng kaniyang ama, na siyang totoong leader ng Phi. But his father died after the kidnapping of the Royal Princess of France."

"Philip Carpio. Phi. Is there any symbol of their organization?"

"Yes." Kinuha niya ang phone niya at ipinakita sa akin ang simbolo.

Φ

"Phi... Sila ang may habol sa buhay ni Keji... At ng pamilya ko. Y-you are an agent. Are-are you protecting me? Kaya ka ba laging nasa tabi ko kasi pinoprotektahan mo ako?"

"Yes. And I hate it that you are protecting someone instead to yourself. I hate the fact that you always choose others safety before yours. Kaya pinangako ko sa sarili ko na kung hindi mo man lang kayang protektahan ang sarili mo, pwes akong gagawa." Nanlamig ako sa sinabi niya.

"N-no!" Tumakbo ako. Iniwan ko siya. Hindi ko kaya. Masiyadong mabigat ang emosyon.




Purpleskyempress

That WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon