Chapter 17

927 28 4
                                    

It's been a month simula noong umalis ako sa pagiging bodygurad ni Keji. But I made sure na alam ko kung saan siya pumupunta. Lahat ng sasakyan niya may tracking device. Hindi ko rin inalis ang mga surveillance camera sa bahay at opisina niya. Ang phone din nito ay may tracking device. Dahil nakakarindi ang mga kausap niya sa phone, I asked someone to check on it. Ayaw ko rin namang marinig ang mga sweet conversation nila ng kasintahan.

Sa ngayon, nandito ako sa KID. Wala, tambay lang. Pupunta sana ako sa parlor kanina para magpagupit pero narealize kong magpapakatotoo naman na ako sa oras na maayos ang gulo. Base sa mga nakalap na impormasyon, ang organisasyong kinabibilangan ni Noah ang dahilan kung bakit marami ng nawawala sa mga transaksiyon ng Phi. Ilan dito ay human trafficking, robberies at kidnappings. May mga naisalba na ring mga minor de edad sa iba't ibang bansa na gagamitin sana sa prostitusyon. Dahil dito, mas lumaki ang galit ni Eduardo pero mas humigpit ang sekyuridad ng mahahalagang tao sa organisasyon at alam kong bukod sa mga bodyguard
ko na pakalat-kalat lang, may iilan ding pinadala si Noah. I know, they can't lose me.

"Gary..." may humilig sa balikat ko. I saw Gale closed her eyes as she yawns. Naglagay ako ng unan sa hita ko at ipinatong ang ulo niya.

"Sleep. I'm just here." malambing kong sabi. Gale has been a good friend to me. Pati siya may mga bodyguards na pumoprotekta, sa kaniya at sa pamilya niya. I love her and her family. Maybe her family thought I'm their daughter's boyfriend, pero alam namin ni Gale na para na kaming magkapatid. She's my baby sister.

"Gary. Hindi ko man alam ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon but I smell danger. I want you to be safe..." bulong nito. Hinaplos ko ang ulo niya.

"Don't worry, I'll be safe." Tipid akong ngumiti.

"Don't ever dare to leave me." naiiyak niyang sabi. Napangiti ako.

"I won't. And besides, mawala man ako. Ipapangako kita kay Noah." I grinned as I saw her blushed. Hindi man niya aminin, alam kong may gusto ito sa binata. Palagi rin kasi ang taong yun dito. At nakuha niya ang atensiyon ng aking kaibigan. I hope na sana hindi ako pinagseselosan ng babaeng ito.


"W-what about him?" She opened her eyes and look at me.

"You like him." I stated.

"...but he loves you." She whispered. Napangiti na lang ako. Noah loves me. But I believe it's not a romantic love.

"Sleep now, babe. I'll bring you home, don't worry." Hindi na siya umimik pa at natulog na. Makalipas ang isang oras, binuhat ko siya at dinala sa kotse. She's five flat and only weighs 43 kilograms kaya naman hindi na ako nahirapan. Besides, I've tried lifting sacks of rice before.

"Gary..." Narinig kong tawag sa akin ng Mommy ni Gale. Inayos ko muna ang pagkakahiga niya sa kama bago ko nilingon ang ginang. Nginitian niya ako ngunit bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. Napakunot ang aking noo.

"Tita, hey. What's wrong?" Inakbayan ko siya at lumabas kami ng silid. Pababa kami ng hagdan nang bigla niya akong niyakap. She's shaking, I hugged her back. Nakita ko naman na paakyat sa hagdan ang asawa nito. Nginitian din ako nito bago lumapit.

"G-gary... Alam mo naman na parang anak na ang turing namin sa iyo di ba?" Napatango ako.

"Mahal na mahal ka namin..." Niyakap niya ako ulit. I know my eyes are starting to blur. I sighed.

"Tita, ano po bang problema?" Napalingon ako kay Tito nang siya ang nagsalita.

"These past few days. Napapansin namin na laging tulala si Gale tapos sa gabi binabangungot siya. She's having nightmares at ikaw ang naroon. We asked her what's her problem tapos sabi niya natatakot daw siya. Natatakot siya na baka may mangyaring masama sa'yo." Napatingin ako kay Tita at bahagyang napaawang ang labi sa sinabi.

"H-Hija... Yes, sinabi na samin ni Gale na hindi ka tunay na lalaki. Anak, hindi ko alam pero ramdam ko rin na parang may nangyayaring hindi maganda. May mga bodyguards na nakakalat at para bang napakahigpit ang proteksiyon sa amin. Gary, ano ba ang nangyayari? Labis na ang pag-aalala namin sa iyo." I bit my lower lip. I looked into her worried eyes. Napayuko ako at humingang malalim. Inangat ko ang aking paningin and kissed her forehead.

"Tita... You've been always good to me. You are very important in my heart and I love you so much. Gale became my sister and you and Tito became my parents. I owe you a lot because you let me feel how to have parents. Don't worry too much to me, Tita. I'm safe and I'm fine. I promise that I will take care of myself and will go back here safe and sound. So please Tita, do me a favor. Everything are set. Pumunta po muna kayo sa rest house niyo in Sri Lanka. You'll be safe there. My enemies doesn't know you pero para mas sigurado ang kaligtasan niyo, please punta po kuna kayo dun. Please Tita, I can't afford to lose you. Napag-usapan na rin po namin ito ni Gale."




"O-okay. But you'll be safe right?" I nodded.

"Gary, wait is that really your name?" Tito asked. I smiled.

"I'ts my nickname. I'm Gand Ariela Martinez Cruz David Navarro."








Purpleskyempress

That WomanWhere stories live. Discover now