Chapter 16

836 29 1
                                    


"Garry Navarro..." bulong ko habang tinitignan ang pangalan ng sinasabing ama ko sa monitor. Pagkalabas ko sa rooftop kanina ay dumiretso ako kaagad dito sa hideout sa loob ng aking bahay. Hindi na ako nagpaalam kay Keji dahil hindi ko siya mahanap at hindi ko rin alam kung paano siya pakikitunguhan. Siniguro ko namang may nakabantay na pulis kila Ma'am Suzanne at ang aking dalawang kaibigan ay binabantayan si Keji.

"Aaaagh!" ginulo ko ang buhok ko sa frustration at stressed. Muli kong tiningnan ang monitor. Napag-alaman kong isa siyang doctor ngayon sa New York at namamahala ng isang kompanya, bukod doon wala na akong nakita. Ni hindi ko 'man lang nalaman kung may pamilya na bang siyang bago o wala. Itinigil ko muna ang pagsasaliksik sa aking ama at isinunod ang organisasyong Phi.

Gumawa ako ng sariling IP address at nilagyan ito ng virus para sa mga susubok na buksan ito bago ko hinack ang system ng organisasyon. Tama lahat ang mga sinabi ni Noah kanina. Nalaman ko na hindi lang sa bansang Pilipinas at Greece ang pinamumunuan ng Phi. May koneksiyon rin ito sa mga Mafia sa America at mga notorious drug lords sa Japan.

Ano ang nais nilang gawin? Ano ang pinaglalaban nila? Pride and glory? Power? What the fuck?!

Napatigil ako sa pag-iisip nang magring ang cellphone ko. Nakita kong isa ito sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan.

"Sir, goodmorning po. Nandito po kami ngayon sa Hospital. Nalaman po naming nasa Pilipinas si Garry Navarro at kani-kanina lang po, nakita po namin siyang pumasok sa loob ng gusali. Napag-alaman po namin na siya ang may-ari nito at isa rin pong Surgeon."

"Ganun ba? Sige papunta na ako." Binaba ko na ang tawag at nagpalit ng damit. Makikita ko na siya sa personal. Sumakay ako sa sasakyan ko at tiningnan ang sariling telepono.

Ano ba Gary? Hindi ka itetext o tatawagan nun!

Napahinga na lang ako ng malalim at nagmaneho. Ibinigay ko sa tauhan ko ang susi ng sasakyan at siya na ang nagpunta nito sa bahay ko. Mahirap na at baka may makakita pa sa akin.

"Garry..." rinig kong sambit ni Ma'am Suzanne ng buksan ko ang pintuan. Ang akala ko ay ako ang tinutukoy niya ngunit isang ginoo ang tinutukoy nito. Nakatalikod sa akin ang lalaki. Ramdam ko ang tensiyon sa loob at ni isa ay walang nakapansin sa presensiya ko.

"Suzanne... Hmm. Hi. I heard about what happened, are you all right now?" Garry asked.

"Yeah. Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung may koneksiyon ba ang politika sa nangyari." Sagot naman ng ginang.

"Mom?" Napairap na lang ako sa pagsingit ni Althea.

"Sige,Suz. Una na kami. Nag-iikot kasi ako sa mga pasyente." paalam nito ngunit bago pa siya tumalikod ay may sinabi si Ma'am Suzanne. Nanlamig ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko. I feel... empty.

"Ga-Garry... Si Althea. Siya ang anak natin..." Mahina ngunit sapat na para marinig ng lahat na sabi niya. Napapaluha naman na si Althea samantalang si Mr. Navarro ay tiningnan lang naman ito.

"She's not my daughter. She's not Gand Ariela." Kalmang sambit nito na nagpagulat sa lahat. Nanlalaki naman ang mata nila Ma'am Suzanne at Althea.

"Y-you knew? Na may anak tayo?"

"Of course, Suz. I watched her from afar. And I am one hundred and one percent sure that she's not our daughter."

"What are you saying? Nawala siya for almost two decades--"

"Come on,Suz. I know deep in your heart, ramdam mo kung anak mo ba talaga siya." Parang wala si Althea na humahagulgol na sa mata ng ginoo. Inaalo naman ito ni Keji. Tumalikod na si Mr. Navarro at napalunok ako. Nagtapat ang aming mga paningin at nanigas ako sa kinatatayuan ko. He gave me a genuine smile. Na para bang sinasabi ng mga mata niya ay masaya siya na sa wakas ay nagkita muli kami. Napalunok naman ako. Naramdaman ko rin ang pagsulyap ni Noah na ngayon ko lang napansin. Naglakad na sila palapit sa pintuan, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

Shit Gary! Move. Palapit na siya ng palapit.

"You don't know how much I missed you, Gand Ariela..." bulong niya na sigurado akong kaming dalawa lang ang nakarinig at binuksan ang pintuan sa tabi ko. Nanginginig ako, napansin kong yumuko naman ang isang nurse sa akin. I blinked twice and sighed.

What the hell just happened?!

"Leave us here for now." malamig na sabi bi Keji. Ako na ang nauna dahil tabi ko lang ang pintuan. Umupo ako sa mga upuan sa labas ng kwarto. Napapikit na lang ako sa sari-saring nararamdaman. Una, sa galit sa may gawa ng mga ito sa nanay ko. Pangalawa sa gulat dahil sa mga nalaman ko kay Noah. Dagdag pa ang pagkakita sa amin ni Keji na nagyayakapan kami ni Noah. Tapos ang pagtatagpo naming mag-ama. At selos kay Althea, dapat ako ang inaalo ni Keji-- wait, what? I'm supposed to be in the arms of my mom right now, yeah. Ayun ang ibig kong sabihin. Fuck.

"Are you okay?" Noah asked beside me. I shook my head.

"Magbabayad silang lahat..." bulong ko. Babalakin sanang hawakan ni Noah ang aking mga kamay ngunit tumayo ako kaagad at umalis sa lugar. I went straight to the cafeteria. Kumuha lamang ako ng kape. I took a sip of it before I opened my phone. Tahimik lang ako na nagbrobrowse sa phone ko ng may naramdamang umupo sa harap ko. Presensiya pa lang niua alam ko na.

"Gary." I looked at him.

"Boss. Gusto niyo ba ng kape?" I offered him ngunit blankong tingin lang ang kaniyang isinukli.

"What's your relationship with Noah?" napatanga ako sa tanong niya. I looked at his eyes. Blanko lang iyon. Sinuklian ko siya ng malamig na tingin.

"He's my childhood friend." malamig kong sagot. Napakunot naman ang noo niya. Napalunok siya.

"I... I want you to quit your job." nakakunot pa rin ang kaniyang noo. I saw him clenched his jaw. Those perfect jaw lines.

"Is it about what you've seen--"

"No. Noah's out of the topic, now. Masiyado ng malala ang sitwasyon---"

"I know. What's the purpose of being a bodyguard?"

"I could have at least a hundred bodyguards just to protect me and my family. I don't need you." pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod siya.

"Wait." pati ako ay nanlamig sa sariling boses. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Bigla akong nanghina. Nanlalambot ang mga tuhod ko pero hindi ko pinahalata. Tiningala ko siya. Huminto siya ngunit hindi lumingon.

"Humarap ka." utos ko. Napahinga siya ng malalim bago dahan-dahang humarap. Tumayo ako at isinuksok ang dalawang kamay sa jacket ko. Lumapit ako sa kaniya at hinagis ang susi ng sasakyan niya. Kaagad niya naman itong sinalo. Lumapit pa ako sa kaniya hanggang sa magkatapat na ang kanang balikat ko sa kaliwang balikat niya.

"I just want to tell you something. I don't break my promises. Unfortunately, I promised to myself that no matter what happens, I'll keep you safe. And you can't stop me. Don't worry, hindi na ako magpapakita sa iyo." I tapped his shoulder before leaving. Damn it! I should congratulate myself. Ang sakit ng nararamdaman ko. Ang bigat sa dibdib. Parang gusto kong magwala. And before I knew it, a tear fell into my eye.




Purpleskyempress

That Womanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن