Part 2

4.5K 105 4
                                    

MATAPOS umalis ni Sef ay naligo ako at nagbihis. Nagpunta ako sa pinakamalapit na mall. I just felt like I needed to get out.

Hindi ko na maalala kung paanong nakarating ako sa grocery store. Therapy ko na kasi ang pagbili ng grocery kapag ganitong stressed ako. Pero yung stress na nabawas kanina ay parang nadagdagan pa ngayon dahil sa dami ng pinamili ko. Kinailangan ko pa tuloy magpatulong sa security guard sa condominium building para lang mailabas sa taxi ang mga pinamili ko. At ngayon ay nahihirapan akong pumasok sa condo unit ko dahil sa dami ng dala ko.

Tinignan ko ng masama ang mga pinamili ko. Kasalanan ni Sef ito!

"Dapat talaga ay hindi ko na lang inilagay sa personal profile ko ang address ng condo." Normally ay ang address ng bahay namin sa Cavite ang inilalagay ko. Naroon ang mama at papa ko.

But when Treble Music Group or TMG commissioned me to write a bunch of songs, I gave them my city address. Ngayon ay pinagsisisihan ko na iyon. Ayaw ko kasi nang may nagtre-trespass sa personal space ko. Hindi naman ako loner. I'm just a private person. Mas gusto ko na hindi ako pinakikialaman ng iba. Ayokong pinupuna ng kahit sino ang mga ginagawa ko lalo na ang mahigit isang linggo kong hindi pagdidilig sa alaga kong cactus. I mean, duh? Cactus 'yun. Kaya nga cactus lang ang halamang kaya kong alagaan ay dahil hindi ko kailangang diligan palagi.

Anyway, I headed straight to the kitchen. Mahilig akong magluto. Kung hindi ako nagsusulat ng kanta ay nagluluto ako. Pero hindi naman ako masyadong mahilig kumain. May mga kaibigan ako para diyan. Sa tuwing sinisipag akong magluto ay iisa lang ang ibig sabihin niyon, iimbitahan ko sa condo ang bestfriends kong sina Janet at Richie. Kaklase ko sila noong college at magmula noon ay hindi na kami naghiwalay. So dahil nasa mood akong magluto ngayon ay tinext ko agad ang dalawa. Agad namang sumagot si Richie para kumpirmahin ang pagpunta nito habang si Janet ay tumawag naman.

"Bakit tumawag ka pa? Pwede mo namang i-text na lang ang sagot mo."

Tumawa si Janet sa kabilang linya. "Buti na lang sanay na ako sa'yo. At alam ko nang mas gusto mong nakikipag-usap sa text at email. Kung hindi—"

"Janet."

"Okay, may itatanong kasi ako sa'yo kaya tumawag na ako."

"Ano ba 'yun?"

"Nakausap mo na ba si Sef Macaranding?"

Napapikit ako. "Please don't mention that name again."

Tumawa lang si Janet. "Usap-usapan na dito ngayon sa studio na ini-stalk ka daw niya."

I could only laugh nervously. Isang musician si Janet at tumutugtog ito sa mga recording studios kasama na ang TMG. Hindi ito tulad ko na nagpapasa lang ng mga kanta at nagbibigay ng demo tapes.

"Anyway, pag-usapan na lang natin ang tungkol sa kanya mamaya pagpunta ko diyan. Sige na, Harper, bye."

Dahil sa nalaman ko kay Janet ay agad na binalikan ko ang mga sagutan namin ni Sef sa email. Hindi pa naman tunog stalker ang mga emails nito. Pero pagkatapos nitong lumitaw na lang bigla kanina ay hindi ko na alam ang iisipin ko.

Sef had been bugging me to make a public appearance and perform at a one-night only tribute concert for the songwriters of TMG. Inaamin kong nagustuhan ko ang konseptong iyon dahil sa totoo lang ay bilang manunulat ng kanta ay hindi talaga kami madalas na narerecognize. Kadalasan ay ang mga singers na kumakanta ng mga gawa namin ang siyang nakikilala at nakakatanggap ng papuri. Pero para sa akin ay sapat na iyon . Ayoko naman talagang ilagay sa spotlight ang sarili ko. Sinubukan ko na iyong gawin minsan at nabigo lang ako. Ayoko nang gawin ulit. Nakakatakot kasi. Isa pa—

Oh, I have a new email. Galing nanaman kay Sef.

Miss Andaya, I hope you are taking the time to think about blah... Blah... Blah...

Harper's Ode to Love (Breakup Anthem) - COMPLETEWhere stories live. Discover now