Part 44

2.1K 74 7
                                    

I THINK I must have froze on the spot. Bakit ganoon? Parang sumikip ang dibdib ko. I absentmindedly touched my chest just to make sure nothing was wrong. Pero ang naramdaman ko lang ay ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Ni hindi ko mailayo ang tingin ko kay Sef kahit pa anong utos ko sa sarili ko.

"Listen, Harper, because I'm only gonna say this once."

Napalunok lang ako. Hindi ko magawang magsalita. Ni hindi ako makatango. Napasinghap na lang ako nang abutin ni Sef ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa mesa.

"You can think the worst about me and I wouldn't care. Most likely ay tama ang iniisip mo. I admit that I'm ruthless when it comes to my job. Hindi ako proud aminin na may mga tao akong ginamit at sinagasaan para makarating dito. At hindi ko rin itatanggi na may sarili akong motibo sa pamimilit ko sa'yo na magparticipate sa concert."

Napasinghap nanaman ako. Pero hindi na iyon dahil sa gulat. Talagang parang mauubusan ng hininga ang baga ko. I can't breathe. Pinilit kong hilain ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Sef pero ayaw niya akong pakawalan.

"Wait, you have to listen."

Pero ayoko nang makinig. Pakiramdam ko kasi ay parang bigla akong magbe-breakdown doon sa harap niya kapag hindi pa ako umalis. Because that actually hurt. His words really hurt. And I was surprised to realize how affected I was.

"But my plans about you started before I even knew you, Harper."

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"I know you now."

"Is that supposed to make me feel better?"

Sandaling lumambot ang ekspresyon ni Sef. Pero sandali lang iyon. Bumalik din agad ang pormal at seryosong ekspresyon ng kanyang mukha. Pagkatapos ay umiling siya. "No."

I scoffed. I didn't even know I could scoff. But I did.

"My words are not supposed to make you feel better, Harper."

"Kung ganoon ay bakit sinasabi mo pa ang mga 'yan?"

Hindi siya agad sumagot. Actually, pinakatitigan lang niya ako na parang gusto niyang mag-usap kami gamit lang ang isip. Shit! I don't even understand how that's supposed to happen. Pero nagpatuloy lang si Sef sa pagtitig sa akin na para bang sa ganoong paraan ay maililipat niya sa isip ko ang lahat ng eksplanasyon sa mundo.

"I told you before that I was in a band."

Wala sa sariling tumango lang ako. Hindi ko maintindihan ang bigla niyang pagbabago ng topic.

"Isa kaming underground OPM band. I was the guitarist and lead songwriter."

"Bakit kayo tumigil? Umalis ka ba sa banda?"

Umiling si Sef. "Our lead singer died."

"Oh."

"Drug overdose."

"Oh my god."

"I couldn't bring myself to continue after that."

"I'm so sorry, Sef." Pinisil ko pa ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Umiling nanaman si Sef. "Not as sorry as I am, Harper. Mas bata siya sa akin ng isang taon. Isang taon lang naman pero pakiramdam ko ay may responsibilidad pa rin ako sa kanya. Yung iba naming bandmates ay nakapag-move on na sa mga buhay-buhay nila. Pero ako ay hindi ko magawa. Even after more than a year of his death, I just couldn't bring myself to even look at a guitar."

"Oh, Sef."

"The guitar you saw in my office was the only guitar I couldn't bring myself to get rid off."

Harper's Ode to Love (Breakup Anthem) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon