Part 38

2K 82 11
                                    

"ALRIGHT, I'll just leave you alone," narining kong wika ni Sef.

Natigilan ako. I was suddenly torn between wanting him to leave and asking him to stay.

"Masyado nang malakas ang ulan. So kahit gusto kong umalis, I'm afraid that's not possible anymore. Doon na lang ako mag-stay sa sala. Is that okay, Harper?"

"I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi 'yon.

"Ha?"

Bigla kong naipilig ang ulo. "Ahm, wala. Ang ibig kong sabihin ay okay."

"Are you sure?"

Tumango ako.

"I mean, okay lang ba talaga na magstay ako dito?"

"Sef, I was the one who asked you to stay, right?" Medyo nag-aalangang tanong ko.

Hinintay kong ulitin niya iyon at isumbat sa akin ang mga sinabi at ginawa ko. But he just smiled like he was fine with everything. Pagkatapos ay tumango na siya at nagsimulang maglakad palabas.

Muli ay parang nakaramdam ako ng disappointment. Para kasing ayoko siyang umalis na gusto ko. Ah, ewan. Ang gulo ko.

Dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto kong mangyari ay hinayaan ko na lang na lumabas si Sef. Hinila niya pasara ang pinto pagkalabas niya. At ako naman ay lumapit nang muli sa keyboard tumugtog.

Pero ilang minuto pa lang ang nakakalipas parang nawala na agad ako sa mood. Napatingin ako sa bintana at sandaling pinanood ko ang pagbuhos ng ulan. Mayamaya pa ay hindi ko namalayang tumatayo na ako at naglalakad palabas sa music room. 

Hindi ko pinansin ang pagtataka sa mukha ni Sef. Dumiretso lang ako sa sofa na katapat ng inuupuan niya. Hindi ko pa rin siya pinansin kahit nang lantaran na niya akong pinakatitigan. As a matter of fact, I kind of liked it. I liked the attention he was giving me.

"I wasn't inspired to write anymore," bigla kong nasabi.

"Ahm, okay," puno pa rin ng pagtatakang wika niya.

"Naniniwala ka bang ang mga mata daw ang bintana sa ating mga kaluluwa?"

Nakita kong lumala pa ang pagtataka ni Sef. Ang totoo kahit ako ay hindi alam kung saan nanggaling ang tanong na yun.

Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nagkibit ng mga balikat.

"Your eyes, they're like telling a story."

"Ahm, okay," nagtataka paring sagot ni Sef.

"When you look at me I feel like... Like I'm capable of wonderful things."

"Uh," tanging nasabi ni Sef kasunof ng pagtikhim.

"You make me want to just open my wings and... And--"

"Harper?"

"And soar high."

"Harper."

"Huh?"

"Are you actually talking to me?" Kunot-noo nang tanong ni Sef.

Napakunot na din ako. "Oo naman."

"But you're saying... I mean, what the hell did you just say?"

"Ha?"

"My eyes are telling a story?"

"Oo, ikaw nga ang kausap ko. At oo, yung mga mata mo nga ang tinutukoy ko."

"Harper--"

"Bakit ba Harper ka ng Harper? Oo nga, ikaw nga ang tinutukoy ko. I'm blurting out some lyrics, I know. Kanina pa kasi naglalaro sa isip ko ang mga 'yan. And somehow, I can't seem to form the words when I'm not looking at you."

Pagkatapos kong magsalita ay bigla ko ding tinakpan ang sarili kong bibig. Shit! What did I just say?

Harper's Ode to Love (Breakup Anthem) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon