Part 66: The End

3.7K 168 37
                                    

"ANO'NG ginagawa natin dito?" Habang tinatanong ko 'yon ay inililibot ko ang paningin ko sa paligid. Pero dahil madilim sa loob ay wala naman ako halos makita. "Sef?"

"This way." Hinila ako ni Sef hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang nakasarang pinto. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Napangiti na din ako.

"Pasok ka."

Tinulak ako ni Sef papasok sa pinto. "Wala bang ilaw dito sa bahay mo?"

I heard him chuckle. Pagkatapos ay pumaikot sa bewang ko ang mga braso niya. Awtomatikong sumandal ako sa kanya. Napabuntong-hininga pa nga yata ako.

"I want a private concert," bulong niya malapit sa tenga ko.

Kinilabutan ako. Ganyan talaga ang normal body response ko kapag nasa malapit lang si Sef. Kinikilabutan at nae-excite ako. And I loved every second of it.

"Anong private concert?"

Sa wakas ay binuksan na niya ang ilaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang nasa kuwartong 'yon. "Sef?"

"This is your gift. Hindi ko pa sana ito ibibigay sa'yo. Pero hindi na ako makapaghintay."

Bumitiw ako kay Sef at lumapit sa maliit na grand piano na nasa gitna ng kuwarto. Hindi 'yon kasing laki ng grand piano na ginamit ko sa conert. Pero hindi lang 'yon basta grand piano. It's a Steinway & Sons piano!

"Oh my God, Sef!"

"Do you like it?"

"It's a Steinway & Sons piano, Sef."

Tumango siya. "So, nagustuhan mo ba?"

"Are you kidding me? Ang Steinway & Sons lang naman ang isa sa pinakakilalang manufacturers ng grand piano sa mundo. Sila din ang tinaguriang founder ng modern piano. At tinatanong mo pa sa akin kung nagustuhan ko ito?"

"So, that's a yes then?"

Natatawang lumapit ako kay Sef. Kusang iniyakap ko sa balikat niya ang mga braso ko. "No, Sef, that was not a yes. That's a hell yes!" And for the first time, I initiated our kiss.

Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya at hinila siya palapit sa akin. Madali namang nakuha si Sef ang gusto kong mangyari. Agad na pumaikot sa bewang ko ang mga kamay niya. And then I found my back pressed against the wall again. But, hey, who's complaining?


"Sef..."


Tumingin siya sa akin na para bang ako ang pinakamahalagang tao sa buong mundo. Actually, kulang pa 'yan. Habang nakatingin sa akin si Sef, pakiramdam ko ay sa akin lang umiikot ang mundo niya at ako lang sentro ng buong universe niya.


"Hindi ko na naaalala 'yung una at pangalawang pagkikita natin, Harper. Basta ang alam ko lang ay mahigit dalawang beses tayong nagkasabay na umattend sa TMG event bago ang araw na puntahan kita sa condo mo. I want to think that fate wanted us to meet a third time. At sa pagkakataong 'yon ay sinigurado ng tadhana na magiging espesyal ang muli nating pagkikita." Hinaplos ni Sef ang kanang pisngi ko.

His featherlight touch made me want to close my eyes.

"Nang araw na sumugod ako sa condo mo, hindi ko inaasahan na isang babaeng nakasuot ng wedding gown ang makikita ko. I think it's a premonition."

"Premonition?"

Tumango siya. "Sa tingin ko nang araw na 'yun ay pinasilip sa akin ng tadhana ang magiging future ko." Tinaas niya ang isa pa niyang kamay para haplusin ang kaliwang pisngi ko. "I'm in love with you, Harper."


Napangiti ako. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan ko ang isang pisngi niya. "Sef, you inspire me to become braver and better. 'Yung kantang sinulat ko na kinanta ko kanina, para sa'yo lang 'yon. You bring out the best in me. 'Yung ekspresyon ng mukha mo kapag tinitignan mo ako parang... hindi ko maipaliwanag. It's like you are looking at something amazing. And I love the amazing version of myself that is reflected in your eyes."

"What are you saying?"

"I'm saying I'm in love with you too, Josefino A. Macaranding."


Bigla niya akong hinalikan ng mariin. Pagkatapos ay idinikit niya ang noo sa noo ko.

"I love you so much, Harper." Hinalikan nanaman niya ako. "Nagpromise ako sa sarili ko na hindi ko ito mamadaliin, na hindi kita mamadaliin, but I really just can't, honey. I love you, and I do not need more time to be sure of that. Unang kita ko pa lang sa'yo ay alam ko na agad na espesyal ka. You are the only woman for me. And I want to marry you as soon as possible."

"Is... is that a proposal?"

Ngumiti muna si Sef bago ako hinalikan uli. "No, honey. That is an announcement."

Napangiti na din ako. "In that case, I am also announcing that I want to marry you soon."

"Good."


--- Wakas ---

Thank you for reading! Don't forget to like and comment, and let me know if you liked Harper and Sef's story.

Ang story na ito ay published na. So pwede niyong mabili ang book sa PPC, NBS, at iba pang bookstores. May mga additional scenes na kasama doon sa book syempre. Para more kilig hihi ❤️

~ Kensi

Harper's Ode to Love (Breakup Anthem) - COMPLETEWhere stories live. Discover now