Part 25

2K 70 4
                                    

MELODY is currently one of the top singers in the country. Kaya alam na alam ko ang mga kanta niya. Maliban sa palagi iyong pinapatugtog sa radyo ay talagang magaganda ang mga iyon. Isa pa ay magaling kumanta si Melody. Pero dahil sa ugali niya ay madaling kalimutan ang kung anumang talent na mayroon siya. Na-experience ko agad iyon nang tignan niya ako ng masama pagkatapos ianunsiyo ni Sef na ako ang hahalili sa violin player na naaksidente. Hindi ko na lang pinansin iyon. Because as I said before, there are bigger things I need to worry about.

"Handa na ba ang lahat?" someone asked behind me.

"All set," somebody else answered.

"The show will start in fifteen minutes."

Hindi ko na alam kung sino-sino na ang nagsasalita. Nanlalabo na ang lahat sa paningin ko. Kaya ipinikit ko ang mga mata ko at nagconcentrate sa paghinga.

"Are you ready, Harper?" Maya-maya ay biglang may bumulong sa tabi ko. Medyo maingay na sa paligid pero narinig ko parin yon. At hindi ko na kailangang dumilat para malaman kung sino iyon. I immediately knew who it was based on the way that my skin seemed to tingle at the presence of that person.

"Sef," naibulong ko din. Wala lang. Hindi ko din alam kung bakit ko yon ginawa. My mouth just spoke his name on its own. 

"Ready ka na ba?"

Dahan-dahang dumilat ako at tumingin kay Sef. "I think so."

"Sa huling set ka pa pala papasok."

Tumango lang ako. Hindi ko masabi na mas lalo akong kinabahan dahil doon. Mas lalo kasing nabi-buildup yung kaba ko habang tumatagal.

"Gusto mo bang maglakad-lakad habang naghihintay?"

"Ha?"

"Matagal pa naman yan. Saka maliit lang itong loob. Makakabalik din agad tayo dito bago ka tumugtog."

Wala sa sariling tumango ako. Sa tingin ko ay makakatulong nga ng kaunti iyon.

Hindi ko alam kung bakit Napaigtad ako nang hawakan ni Sef ang siko ko. I just felt something jolt inside me.

"Relax."

"S-sorry, I'm just a little jumpy."

Ngumiti siya. "Don't worry about it."

Tumango lang ako saka sumabay sa mabagal na paglalakad niya. He was right. Maliit nga lang ang lugar na iyon. Halos wala pang mga establishments dahil bagong bukas pa lang. Most of the stores are still closed.

"Tell me about your last performance."

Nagulat pa ako nang biglang magsalita si Sef. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa harap namin. "My last performance?"

"Oo, gusto kong malaman kung kailan iyon at saan."

"Matagal na. It was years ago. Nung showcase pa namin sa school."

"Really?" lumingon siya sa akin.

Tumango ako. "Eh ikaw, ano 'yung nasabi mo dati na may banda ka din noon? What was that all about?"

He chuckled and I thought it sounded really nice. "Hindi mo pa pala nakakalimutan yon."

"Mahirap kalimutan ang mga ganoong klaseng statements. So, are you gonna tell me about it or do I have to squeeze the info out of you?"

"Wala yun."

"Come on, Sef. Alam mo na yata ang lahat ng issues ko sa buhay. So it's  just fair that you tell me about that part of your past."

Mahinang natawa siya. "Kapag sinabi ko ba sa'yo mangangako ka na hindi mo kailanman gagamitin ang impormasyong iyon laban sa akin?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Sef. "Alright, I promise."

Pinagtaasan niya ako ng kilay. I felt a little offended. Pero biglang umangat ang isang sulok ng mga labi niya. I realized that he was just teasing me. Napangiti na din tuloy ako.

"So? Ano na? Nagpromise na ako."

Napapailing na nagpatuloy siya sa paglalakad." Your promised isn't enough."

"Fine," pagkatapos ay hinawakan ko siya sa braso para patigilin siya sa paglalakad. Agad naman siyang tumigil at humarap sa akin. "Isipin mo na lang na nasa korte tayo." Pagkasabi niyon ay itinaas ko ang kanang palad ko paharap sa kanya. "I, Harper Andaya, do solemnly swear that whatever secret Josefino A. Macaranding divulges in my confidence will never be used against him for as long as I shall live. So help me God."

Sa pagkagulat ko ay bigla na lang tumawa ng malakas si Sef. Napatingin pa tuloy sa amin ang mga dumadaan.

"You're really funny, Harper."

Kumunot ako. "Hindi naman ako nagpapatawa."

Tumigil na siya sa pagtawa pero nakangiti pa rin siya na abot hanggang mata. "I like that about you, you know. Don't ever change that."

Lalo lang lumalim ang pagkakakunot ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla-biglang bumabanat ng ganyan si Sef.

"Anyway, tara na. We're gone long enough. Siguro naman ay nabawasan na ang kaba mo ngayon," nakangiti paring wika niya saka ako iginiya pabalik sa pinanggalingan namin.

Habang naglalakad ay narealize kong tama nanaman siya. Nabawasan na nga ang kaba ko. And for the first time in a long time, I am excited to perform again.

Harper's Ode to Love (Breakup Anthem) - COMPLETEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora