Part 51

2K 86 24
                                    

NAGMAMADALING lumabas ako sa conference room pagkatapos ng meeting. Naiwan pa si Sef doon dahil may pag-uusapan pa raw sila. So basically, the meeting with me was finished. Pero silang mga executives ay hindi pa tapos.

Pero kanina bago ako lumabas ay sinabihan ako ni Sef na dumiretso sa opisina niya at doon maghintay. But that wasn't what I wanted to do. Still, I nodded my agreement before going out. Hindi pa yata naisasara ang pinto ay tinatawagan ko na si Janet.

"Nasaan ka?" agad na tanong ko pagkasagot niya sa cell phone.

"Right now?"

"Please tell me you're somewhere near TMG building."

"I can tell you something better, Harper. I am inside the TMG building," may halong pang-aasar na sagot niya. Pero hindi ko iyon pinansin.

"Good. Pumunta ka sa opisina ni Sef ngayon din."

"Teka, teka, you mean si Sir Jam right?"

"Janet, mamaya ka na mang-asar. Basta pumunta ka na dito agad--"

"Dito?" Gulat na tanong niya. "Ang ibig mong sabihin nandito ka na sa TMG? It's only 10 am!"

"Janet--"

"Okay, okay, pupunta na ako diyan ngayon din."

Pagkatapos n'on ay si Lily naman ang kinausap ko. Mukhang nabigyan na siya ng instruction ni Sef dahil mabilis pa sa alas kuwatrong pinapasok niya ako sa opisina. I even had a feeling that she was trying to hide me or something. Pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nagpalakad-lakad ako habang hinihintay si Janet. Hindi kasi ako mapakali. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina sa meeting.

"Harper?"

Gulat na napalingon ako sa pinto. Hindi ko narinig na bumukas pala iyon. Nakita ko si Janet na kasama si Lily.

"Iwan ko na kayo. Just call me when you need anything," nakangiting wika ni Lily.

Tumango lang ako saka hinila na si Janet papasok. "Janet, it's happening again."

"Teka, bago ang lahat sabihin mo muna sa akin kung paanong nandito ka sa opisina ni Sir Jam."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Fine, Sir Sef."

"Mahabang kwento."

Natatawang umupo si Janet sa sofa. "Kaya nga ako nandito diba? Kaya mo ay tinawagan at pinapunta dito ay para may mapagsabihan ka."

Napapabuntong-hiningang naupo na din ako sa tabi niya. "Janet, hindi ko alam ang gagawin ko."

"You need to tell me what's wrong first before I can help you."

"I think it's happening all over again. Yung nangyari noon sa amin ni Craig. He's doing it again."

"Paano?"

"I think he's trying to steal my song," napakunot pa ako pagkasabi ko niyon. Actually ngayon ko lang yan naisip.

"Teka lang, Harper. Rewind. Paano tayo nakarating dito sa part na to?" naguguluhang tanong ni Janet.

Ang totoo ay kahit ako medyo naguguluhan. Kaya isinatinig ko na lang ang laman ng isip ko. "Parang ganito ang nangyari eh. Nalaman ni Craig na pumayag akong magperform sa concert. At ang ibinigay sa akin na kanta ay yung unang hit song niya na isinulat ko."

"Oh, Harper, that sounds--"

"It's okay," putol ko sa kung ano pang sasabihin ni Janet. "It's no big deal. Pero nung time na yun ay hindi ko na inisip kung paano nangyari na napunta sa kanya ang kantang ipinasa ko sa TMG. I just thought that TMG gave him my song. Pero kanina sa meeting, ang sabi ni Sef, si Craig daw ang pumili sa kanta ko."

Harper's Ode to Love (Breakup Anthem) - COMPLETEWhere stories live. Discover now