Part 63

2.1K 73 7
                                    

                    

NANGINGINIG ang mga kamay ko. Shit! Hindi pwede ito. Paano ako makakatugtog ng maayos kung nanginginig ang mga kamay ko? May ibang musician naman na prinaktis ang lahat ng kantang nasa set ko. Siya ang backup ko kung sakaling hindi ako makatugtog. Pero kahapon ay ibinigay ko na ang desisyon ko at sinabi kong itutuloy ko ang pagtugtog. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon.

Ah, oo nga pala. I actually don't know what to do with my hands. Sakit talaga 'yan ng mga tulad kong sanay na humawak ng musical instrument. Kapag wala kaming hawak na kahit ano sa stage ay nagmumukhang awkward lang ang mga kamay namin. But damn it! Nanginginig talaga ako. Hindi na lang ang mga kamay ko kundi ang buong katawan ko na. Pakiramdam ko ay masusuka ako anumang oras.

"Okay, everybody, we have thirty minutes before showtime!"

                    

"Harper, okay ka na?"

Nilingon ko ang nagtanong. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Janet. Hindi siya kasama sa mga tutugtog ngayong gabi. Pero narito siya ngayon para tumulong sa backstage at sa logistics team.

"Mukhang namumutla ka."

Napangiwi ako. Kaibigan ko si Janet at hindi ko kailangang magsinungaling sa kanya. "Natatakot ako."

Nginitian niya ako. "It's okay, Harper. Sa tingin ko normal lang naman na makaramdam ka ng ganyan."

"Nasusuka din ako."

"Nakakain ka ba kanina?"

Umiling ako.

"Kung ganoon ay hindi mo kailangan mag-alala. Hindi ka magsusuka dahil wala kang maisusuka."

Napangiti na din ako. Naa-appreciate ko ang attempt niyang patawanin ako. "Salamat, Janet."

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Harper, just enjoy the moment. Kahit pa ano ang mangyari ngayong gabi, ang importante ay mag-enjoy ka. Hindi mahalaga kung magkamali ka. No one is going to judge you. Magugustuhan pa rin ng mga manonood ang gagawin mo."

"Eto na ba 'yung pep talk mo? Parang mas lalo naman akong kinakabahan sa sinasabi mo eh."

Ngumisi si Janet. "Intro ko pa lang 'yun."

Natatawang umiling ako. "Alright, ano pa? Give me you best pep talk."

Sumeryoso na si Janet. "I'm proud of you, Harper. Kahit na ano ang mangyari, ako, si Richie, ang mga magulang mo na nasa audience ngayon, lahat kami ay proud na proud sa'yo. At kung hindi ako nagkakamali ay may isang lalaki din diyan sa audience ngayon na mas kabado pa siguro kesa sa'yo."

                    

"Janet..."

"Oo, nandiyan siya sa audience."

                    

Napatingin ako sa kamay ko. Hindi na ako nanginginig. Hindi ko maipaliwanag kung paano nangyari 'yon. Para bang biglang nawala ang kaba at takot ko.

"Nag-aalala siya sa'yo, Harper. He asked me to check on you and text him. Bakit hindi na lang ikaw ang magtext sa kanya?"

Tumingin ako kay Janet mula sa salamin. "Hindi ko alam, Janet."

                    

"Harper, I have to tell you what I saw the other night. I saw a man who was desperately waiting for you on your door. Siguro ay mahigit limang minuto din namin siyang pinanood ni Richie. Hindi agad kami lumapit kasi akala namin ay aalis din siya doon kapag hindi ka parin sumagot pagkalipas ng ilang minuto. Pero hindi siya umalis. Mukha ngang wala siyang balak na umalis. At pupusta ako na matagal na siyang nakatayo doon bago pa kami dumating. He was just there, Harper. Waiting. Kung pagbabasehan natin ang eksenang 'yon, sa tingin ko ay balak din niyang maghintay hanggang sa kausapin mo na uli siya. But I don't think he will wait for you quietly."

                    

"Janet..."

Ngumiti siya saka ipinatong ang isang kamay sa balikat ko. "Magkaibigan tayo, Harper. Hindi kita ija-judge kahit pa ano ang gawin mo. Sa katunayan ay susuportahan pa nga kita."

Nginitian ko siya. "Honestly, sa sobrang daming nangyari ngayong linggong ito, parang halo-halo na ang lahat sa isip ko. Pero sa totoo lang, hindi ko na maalala ngayon kung bakit ko ito ginagawa."

"What do you mean?"

"Para kasing nasanay lang ako na sinosolo ang lahat. Kilala mo ako, Janet. Hinahayaan mo lang ako kapag nagkukulong at nagpapaka-ermitanya ako sa sarili kong condo, di ba? Pero alam mo na kapag ready na ako ay ako mismo ang kusang lalabas."

                    

Tumango siya. Pinisil din niya ang balikat ko. "I know. Pero hindi naman alam ni Sef 'yun."

                    

Napabuntong-hininga ako. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang concert. Sa totoo lang ay wala akong oras para sa mga ganitong klase ng usapan. Pero naiintindihan ko naman ang ginagawa ni Janet. Inaalis niya sa isip ko ang kaba. And it was working. Pero kahit pa hindi na ako kinakabahan ay may iba naman akong nararamdaman na ayoko sanang maramdaman ngayon.

I don't want to think about the fact that I am a different person now. Narealize ko 'yan nitong mga nakaraang araw. Pagkatapos kong magkulong sa condo ko buong maghapon ay parang nasu-suffocate na ako. Hindi ko na nararamdaman 'yung klase ng peace of mind na dati kong nararamdaman kapag naiiwan akong mag-isa doon. It's as if I'm craving for something, or rather for someone's company. Hinahanap-hanap ko 'yung contentment at companionship na nararamdaman ko kapag kasama ko ang isang tao. 'Yung tao na alam kong iniisip ako at nag-aalala sa akin ngayon. 'Yung naghihintay ngayon sa labas.

Oo, inaamin ko na. May kaunting tuwa akong nararamdaman sa kaalamang nandiyan lang si Sef sa labas. Fine, hindi lang kaunti. It's a full-blown happiness.

"I don't remember," bigla kong nasabi.

"Ha?"

Sinalubong ko ang mga mata ni Janet. "Sa totoo lang nakalimutan ko na. Kung ano man ang dahilan at bigla kong pinaalis si Sef at tinaguan, hindi ko na alam, Janet. I mean, naaalala ko kung ano ang nangyari pati na ang mga naramdaman ko. But I just don't see the point of what I did anymore. Janet, ang gulo ko."

She snickered at me. "Mabuti alam mo."

Napangiti na din ako. "Mababaliw na yata ako."

"Hindi ka mababaliw dahil matagal ka nang baliw, Harper. Hindi mo pa ba alam 'yon? Puwes, sinasabi ko na sa'yo ngayon. Baliw ka talaga. But I still love you. And you are my bestfriend." Pagkatapos ay bigla isyang sumeryoso. "Ngayon, kilala ko na 'yang expression mong 'yan. Alam kong may tumatakbong ideya diyan sa isip mo. Sabihin mo lang sa akin kung paano ako makakatulong."

Harper's Ode to Love (Breakup Anthem) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon