♡Prolouge♡

76 4 3
                                    


~~~~

"Ma? Totoo po ba yung true love?" Tanong ko kay mama habang pinapanuod ko sya na naghahanda ng baon ko.

"Ha? Bakit mo bigla natanong yan anak?" Balik naman na tanong ni mama.

"Kasi po... sabi po ni teacher meron daw pong true love sa bawat puso ng tao." Sagot ko naman.

"Anak, totoo naman ang sinabi ng teacher mo eh. Kaya nga lang, hindi sya ganun kadaling mahanap. Ang dami mo pang haharapin at susuungin sa buhay, marami ka pang dapat maranasan bago mo masabing true love na nga 'yong nararamdaman mo." Sagot ni mama saka naman nya inipitan ang buhok ko.

"Talaga po? Pwede ko na po bang maranasan yun?" Tanong ko ulit.

"Anak... Pwede mo namang maranasan yun kapag nasa tamang edad ka na. Ngayon na bata ka pa pwede na ba ang true love ni mama para kay Daphne?"

"Opo mama. Yung pagmamahal niyo sakin ang walang makakapantay! Salamat po mama."

~~~

Isa yun sa napakagandang alaala ko sa mama ko na kahit kailan... hindi na namin mababalikan pareho...

Sana mama, kung nasa'n ka man ngayon. Masaya ka na dyan sa piling ni Papa. Hindi ko man sya nakilala noon dahil maaga syang kinuha satin, nagpapasalamat pa din ako kasi hindi niyo pa din ako pinabayaan. Naging mas malakas kayo at matibay para sa akin.

Pinaramdam niyo sakin ang pagmamahal na walang sino mang makakapantay... Kaya maraming salamat Mama...

Napatingin ako sa address ng bahay na bago kung tutuluyan.

Sighed...

"Kaya mo yan Daphne! Magpakabait ka lang!"

~~~

TO ALL ASTRO AND GUGUDAN FANS! WELCOME TO READ MY STORY! PLEASE DO LEAVE ANY COMMENTS AND FEEDBACKS.

STOP THE HATE ABOUT EUNWOOxSEJEONG po please ㅠㅠ Kamsa~~~

Hope you like it Guys!

Loving Ms. Zero [ON-GOING 2019]Where stories live. Discover now