Love Letter. Failed.

56 2 0
                                    

~~~

Daphne's POV

"Uy! Daphne, nakatulala ka na naman. As usual, hindi ko na tatanungin kung sino yang iniisip mo kasi sigurado na ako sa sagot mo. Isang nakakasawang "FUTURE CRUSH" diba?" Sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray naman! Hobby mo talaga yan eh no? Try mo kaya sa susunod kurutin yung pisngi mo habang ginugulo mo na naman ang pangarap ko, Ms. Bettina Quizon diba?" Pataray na sagot ko sa kanya habang hinihimas-himas ko yung pisngi ko.

Tumayo naman sya sa harapan ko saka nga nya ginawa yung utos ko.

"Oh ayan na po, baka sakaling ititigil mo na ang kapapangarap sa wala." Sagot nya sakin habang kurot kurot nya ang pisngi niya. Napahagalpak naman ako sa tawa.

"Ay gaga, ginawa nga. Well, excuse me... Hindi na sya magiging pangarap pa dahil, mamaya may plano na akong umamin sa kanya. Sasabihin ko na bata pa lang kami matagal ko na syang minamahal." Sagot ko sabay nagimagine ulit ako na matutuwa sya sa confession ko.

"Wow. It's a miracle na pansinin ka nya o kausapin ka. Alam mo naman yung crush mo. Alien ata, mala-out of this world kasi ang ugali." Sagot naman nya kaya nung tumabi sya sakin ay siniko ko sya. "Ayan! Dyan ka mahusay best! Di bale ng mahulog ako sa upuan wag ko lang masabihang Alien ang mahal mo- pwe! Mahal mahal! Di naman totoo yan." Sagot nya saka nya ako tinulak kaya ako naman ang muntikang malaglag.

"Napakabitter mo! Tama na kasing kakapapak ng ampalaya best. Hindi naman lahat ng lovestory sa mga movies eh nangyayari sa totoong buhay no. Wake up! Nasa reality tayo oh!" Sagot ko naman. Naiintindihan ko kung bakit ganyan sya, may pagka-chubby kasi ang bestfriend ko at hindi palaayos pero matalino naman sya pagdating sa academics at ang artistic nya pa, kumpara sakin.

"Look who's talking. Ako ba dapat ang magising sa reality o ikaw? Ilang beses ka na bang nag-attempt na magconfess sa kanya? Wala namang nangyari diba? Buti nga 'yong hangin nararamdaman nya kahit di nya nakikita. Eh ikaw, nakikita ka na nga, nahahawakan pero para ka lang hangin. Literal na hangin best." Sagot nya kaya naman napatahimik ako.

"Ahmn... Best? Ayo-"

"Okay lang ako Best. At some point tama ka naman eh. Pero sabi ko nga sayo diba? Hindi ako titigil, kasi gusto ko lang naman na malaman nya yung kung ano yung nararamdaman ko... kahit di na nya ako mahalin pabalik ayos lang. Ang importante nasabi ko." Seryosong sagot ko kaya naman bigla nyang pinatong ang kamay nya sa balikat nya.

"Hahayaan kita sa gagawin mo ngayon, pero pag 'yan pumalpak ulit? Ililibre mo ako ng cupcakes sa shop ng mama mo. Ayos ba yun?" Sabi nya.

"Best. That was the best encouragement words I have ever heard. So so unforgettable." I sarcastically said.

"It's just that I don't believe you'll going to make it. Knowing you're loving a living-dead guy." Sagot naman nya.

"I hate you, best."

"I love your mom's cupcake." Sabay peace sign.

Uwian.

Okay. Inhale, exhale. Kaya mo yan Daphne! Wag kang papalpak talaga! Kailangan mapansin ka na nya ngayon! Last chance mo na'to.

So, nagumpisa na akong kumatok sa pintuan ng student council president. Kinakabahan ako pero hayaan na, nandito na eh. Wala ng atrasan to.

May nagbukas ng pinto at nakita ko yung secretary nila.

"Ah, what business you have?" Tanong sakin nung secretary. Sya na naman.

"Ah... We-We have Cupcake House Business po. Bakit mo po natanong?" Sagot ko naman ng pilit ngiti.

She was shocked sabay sa smirk.

"I see. You are from Section Class D nga pala. Stands for Dumb." Mataray na sagot nya.

What the! Naku Daphne kumalma ka! Pag di ka talaga makapagpigil ngayon mas lalong mawawalan ka ng pag-asa na masabi sa kanya yung feelings mo. KALMA.

"Ah. Nandyan ba si Mr. Cruz?" Tanong ko.

"Anong kailangan mo sa kanya?"

"May irireklamo kasi ako."

"Kung ano man yun, gumawa ka na lang ng letter at-"

"Gusto ko magpatupad ng 'No to Bitches Like You' dito sa school. Simple lang naman siya kaya hindi na kailangan idaan sa letter kasi ikaw na ang example." Sagot ko. Palagi kasi syang nakaharang sakin tuwing hinahanap ko si Khalil. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na sya naging pader samin eh. Literal na pader sa flat ng dibdib nya.

"Wow. The dumb I knew is now learning how to fight back huh? Well, you still a dumb kaya kahit anong gawin mo. Hindi makakalapit ang isang kagaya mo sa tulad ni Khalil. Mangarap ka ng kagaya mo." Sagot nya sakin sabay isasara nya na sana ang pinto nung sumingit ako at pinasok ko kalahati ng balikat ko at ang buong braso ko sabay....

"ARAAAAAAY! YUNG SECRETARY NG STUDENT COUNCIL PRESIDENT IS HURTING ME! HELP ME!" Sigaw ko.

Sa takot at gulat nya binuksan nya ang pinto kaya nakapasok ako sa loob.

"What have you done you dumb!" Sigaw nya.

"What? I just shout... you heard it right?" Pangaasar ko.

"Such a stupid person. Umalis ka na bago pa-"

"Anong nangyayari dito?"

Napalingon ako sa taong nakatayo na ngayon sa harapan ko.

That beautiful eyes, nose, lips. Manly looks and body. He is the guy I really love... Such a perfect person!

"Ah Khalil-"

"Mr. President! Tanggapin nyo po sana ang letter na'to para sayo." Sabay abot ng letter sa kanya.

"Kunin mo Katrina at ilagay sa report table. Miss, bawal ka dito. Pwede ka ng umalis." Yun lang ang sinabi nya at umalis but before I say a word tinulak na ako ni Katrina palabas at sapilitang kinuha yung letter ko para kay Khalil. Hala! Nagusot na!

"Akin na yan!"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Khalil? Bawal ka sa loob. I'm sure na pag nalaman nyang love letter to, ipapapunit nya to sakin. Pag nangyari yun. Kukuhanan ko pa ng video kung pano ko 'to punitin. Special credits pa sa pangalan mo dahil sayo galing 'to. Baka sakaling ma-realize mo na ang sumuko." Yun lang at pumasok na sya sa loob.

Naiwan ako dun na tumutulo na pala ang luha ko.

Bakit ka naiiyak Daphne? Dahil mabubusog na naman ang bestfriend mo sa cupcake ng nanay mo? Panibagong utang na naman sayo

o

Dapat na ba talaga akong sumuko sa nararamdaman ko? Ilang beses na akong na-reject? Ngayon ko na ba talaga dapat matutunan ang sumuko.

"Pero kasi, hindi ko kaya... Mahal ko talaga si Khalil Emerzon Cruz."

Sighed. Naglakad na ako paalis at sinalubong naman ako ni Bettina na alalang-alala.

"Daphne! Mabuti nakita na kita, may natanggap akong tawag. Ang mama mo Daphne...."

"Ha? A-Anong nangyari kay mama?"

~~~

Malas lang ba talaga ako? Bakit naman po pati si Mama?

Pano na ako? Pano na ako ngayon?

~~~

To be continued...

Thanks for reading guys ^_^ Hope you like it! ^_^

Loving Ms. Zero [ON-GOING 2019]Where stories live. Discover now