Favor

26 1 0
                                    

Aaaaaah. Di ako makatulog, parang gusto ko ng kumatok sa kanya ngayon tapos makiusap sa kanya about dun sa registration ko sa student council. Pansinin kaya nya ako?

Bumangon ako sa pagkakahiga at napabuntong hininga. Tiningnan ko ang pinto sabay umiling ako at bumalik sa pagkakahiga.

"Daphne, wag na. Baka mamaya may masabi na naman yun sayo tapos maiyak ka na naman dyan." Bulong ko sa sarili ko.

Pero kasi, kailangan ko talaga yun para sa grades ko. Sighed.

Dahil sa palagay ko hindi talaga ako matatahimik ay naisipan kong lumabas saglit at magpunta sa Convenience store. Since medyo maaga pa naman ay nagdecide na akong lumabas. Di na ako nagpaalam kay Tita kasi walking distance lang naman ang store. Gusto ko lang talaga magpalamig.

Habang naglalakad ako papuntang store nakapansin ako ng anino kaya lumingon ako sa paligid ko. Wala namang tao. Nagkibit-balikat na lang ako at di ko na pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad nung biglang may dalawang lalaki na sumulpot sa harapan ko at may hawak silang patalim. Natigilan ako sa paglalakad at napaatras.

Anong gagawin ko!? Help me!

Bakit naman ako bigla nawalan ng boses at hindi ako makasigaw.

"Miss, hindi ka namin sasaktan pag pumayag ka samin sumama." Sabi nung lalaking naka hoodie.

"A-a-ano a-ano pong kailangan nyo sakin." Takot na sabi ko.

Pero nagkatinginan lang sila saka nila ako biglang hinawakan at tinakpan ang bibig ko.

Gasps! TULONG!

Bigla na lang akong may narinig na kalabog at yung lalaking nakahoodie ay nakahiga na habang yung isa naman may kasuntukan pa. Iniiwasan nya yung kutsilyong tinututok sa kanya hanggang sa pati ung isa ay nawalan ng malay.

Tulala akong nakaupo dahil sa mga nangyari. Lumapit naman sakin yung lalaking nagligtas sakin. Medyo di kasi malinaw ang mukha nya dahil na ka cap din sya at medyo madilim. Nung lapitan nya ako. Nagulat ako sa nakita ko at bigla na lang talaga akong napayakap.

"Khalil! Mabuti dumating ka, takot na takot ako. Akala ko tuluyan na nila akong dadalhin sa kung saan." Iyak na sabi ko.

"Tahan na. Ligtas ka na. Nainform ko na din ang mga pulis dahil sa malayo pa lang nakita ko na yung nangyari. Di ko akalaing ikaw pala yan Daphne." Sagot nya habang hinihimas nya din ung ulo kong nakasandal sa kanya.

Hindi ko mapigilan yung iyak ko. Sobrang nagulat ako at natakot.

Buti na lang talaga at dumating sya. Niligtas nya ako.

"Salamat Khalil"

"Bakit ka nga pala nasa labas? Sinundan mo ba ako?" Tanong nya.

Tumayo na kami at medyo inalalayan ako, nung nakatayo na kami ay binitawan na din nya ako. Dumating ang mga pulis at saka dinampot at isinakay sa car police yung dalawa. Nawala naman yung takot at kaba ko. Tumigil na din ako sa pagiyak.

"Actually, hindi ko alam na lumabas ka din pala. May iniisip kasi ako tapos di ako makatulog kaya naisipan kong pumunta ng store at maghanap ng snacks. Ikaw?" Paliwanag ko.

Medyo di sya tumingin sakin at namulsa lang sabay naglakad pabalik.

"Nagutom lang ako kaya ako lumabas." Sagot nya.

Naiwan naman akong nakatayo dun habang pinapanuod syang naglalakad.

Ngayon na kaya?

I cleared my throat and I shout.

Loving Ms. Zero [ON-GOING 2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon